Kabanata Dalawampu't Anim

1.2K 37 0
                                    


Kabanata Dalawampu't Anim

"Ano, nakabawi ka?"

Lumingon ako at nakita si Thadeus na paparating. Nakangiti siya at may dalang pizza na ininit nya sa oven kani-kanina lang.

Hindi ko mahanap ang boses ko kung kaya't tumango nalang ako.

No, hindi ako makabawi sa pagkatalo ko sa nilalaro ko dito sa phone niya dahil malalim ang iniisip ko. Nanginginig din ang kalamnan ko. Naiinis ako sa kanya. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil nagpauto ako sa kanya. Hinayaan kong paikutin niya ako.

Lalong nag-alburoto ang sistema ko nang umupo siya sa tabi ko. Umarte ako na para bang walang natuklasan. I look calm on the outside, but deep inside para na akong mababaliw sa samu't-saring emosyon. Nararamdaman ko ang pagbabadya ng mga luha ko. But of course I must have hold it. Ayokong makita niyang umiiyak ako.

Niyakap niya ako.

Tinulak ko siya na kanyang ikinagulat.

"Wag mo nga kong niyayakap! Bakit, boyfriend ba kita, huh?"

Kitang-kita ko ang pagkabigla sa mga mata niya. Tila sinampal ko siya ng katotohanan.

Bago pa niya matapos ang pagsabi ng I'm sorry dali dali kong hinablot sa mesa ang mga gamit ko. Nang hindi siya nililingon at walang sabi sabi'y nagpasya na akong umalis. Ni hindi ko pinakinggan ang mga sinasabi niya.

HyoRin, I'm sorry.

Panay ganun ang sinasabi niya. Paulit ulit. Bakit ko naman siya papakinggan? Eh, lahat naman sa kanya puro kasinungalingan. Lahat ng pinakita niya sa'kin ay pawang pagpapanggap lang pala. Ang galing niya! Napakagaling niyang magpaikot. Paniwalang paniwala ako.

Laking pasasalamat ko dahil nagdesisyon ako kaninang pasunurin ang driver ko kahit na giniit ni Thadeus na wag na dahil siya na ang bahalang maghatid sa akin pauwi.

"Manong, sa bahay po tayo nila AM."

Pumikit ako ng mariin, pilit na tinatanggap ang natuklasan-ang katotohanan sa likod ng pagpapakita ng motibo ni Thadeus. Kagulat gulat na nanliligaw siya sa akin. Ayun pala ay dahil sa pusta. Bored lang siya at kailangan niya ng mapaglalaruan, at ako yun. I am just his toy. His entertainment.

Malamang nagpipigil siya ng tawa everytime na may ginagawa siyang move at ako naman ay nagpapauto. Uto uto na siguro ang tingin niya sa akin.

Hindi ko na kinaya. Lumandas na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. I took my phone out of my bag and immediately dialled AM's number.

Hindi niya sinasagot. Siguro dahil nanonood siya ng korean romantic movie? Nagbabasa ng book? I dunno. Basta ang alam ko kailangang kailangan ko siyang makausap ngayon. Pangatlong beses kong ulit ng tawag sa kanya nang sa wakas ay sagutin niya. Sobra akong nakahinga ng maluwag dahil dun.

"Hello! Pasensya na, Friendship, ngayon ko lang nasagot. Nagbabasa kasi ako di ko napansin---"

"AM..." mahinang tawag ko sa pangalan niya. Tuluyan na akong napaiyak. Umusod ako sa pinakadulo, sa likod ng driver ko. Yumuko ako para hindi niya ako makitang umiiyak sa pamamagitan ng rearview mirror although alam kong naririnig niya ang mahihina kong hikbi.

"Teka, umiiyak ka? Bakit?"

"Papunta na ko sainyo. Dyan ko nalang iki-kwento."

Inabangan ako ni AM sa labas ng gate nila. Pagkahinto na pagkahinto ng sasakyan lumabas agad ako at tumakbo papunta sa kanya.

Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon