Kabanata Labing Walo
"Friendship, may PMs ka ba ngayon?"
"Ha?" Nabigla ako sa tanong ni AM. Tumigil ako sa paglalakad at lumingon pababa para tingnan kung may back leak.
"Gaga walang tagos," sabi pa niya matapos akong batukan.
"Sabi mo kasi." Nagkamot ako ng ulo at nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Nagtatanong ako. Meron ba?" ulit niya.
"Wala," simpleng sagot ko. Wala naman akong kakaibang nararamdaman at wala pa nga ata sa tatlong linggo ang nakalipas matapos ang huling period ko.
"So bakit nakabusangot ka?"
Ayun! Yan tayo, eh. Pag iba mood ng babae, meron agad? Kapag nagsusuka, buntis agad?
Well, kasi naman hindi ako maka-move on kay Thadeus kagabi. Kasi... ewan! Basta iba impact ng pagiging mayabang niya kagabi. Ilang beses ko na narinig, nakita at naramdaman ang kayabangan niya pero iba yung kagabi. Halatang pinagtitripan lang ako. Sino ba namang babae ang hindi maiinis pag nakaramdam na pinagtitripan lang siyang ligawan ng lalake, diba?
"Si Leno kasi ang yabang masyado."
"Huh? Yung pusa mong lalaki? Pa'no naging mayabang?" pagtataka ni AM.
Kahit ako nagtaka kung bakit ayun ang lumabas sa bibig ko at sinagot sa kanya.
Nagkibit balikat ako. Wala ako sa mood na pag-usapan kung bakit iritado at bad trip ako ngayon. Nakaramdam naman si AM. Hindi na siya namilit at nagtanong pa. Umangkla siya sa braso ko at nagkwento tungkol sa Koreanovela-ng napanood niya kagabi. Doon siya mahilig. At doon siya kilig na kilig.
"Ikaw, di mo iiwan gamit mo sa locker mo?" tanong ni AM pagkasara niya ng pinto ng locker niya.
Napatingin naman ako sa tatlong makakapal na librong dala ko. Mamaya ko pa naman ito gagamitin sa ilang subjects, maaari kong iwan muna sa locker at kunin nalang kapag gagamitin na para menus hassle.
"Sanay na kong magdala ng marami," sabi ko sa kanya.
Simula ng nakatabi ko ng locker si Thadeus, nasanay na akong magbitbit at madalang ko nalang mabisita ang locker ko.
"Hay nako, friendship, iwan mo na yung mga hindi mo pa gagamitin. At para na rin malaman ko kung nasaan ang locker mo." Umangkla na naman siya sa braso ko at hinila ako.
"Teka lang," awat ko. "Dito tayo." Tinuro ko ang tamang direksyon. Kasi naman siya ang nanghihila eh ako ang may alam kung nasaan ang locker ko.
Tumawa siya at nag-sorry.
Nang marating namin ang locker ko ay napabuntong hininga nalang ako at umiling iling. May tsokolate na naman kasi. Ibang brand na ito ng chocolate kumpara last time. Mas malaki at mas mamahalin.
"Friendship, may pentel pen ka?"
"Yeap, wait." Kinalkal niya ang laman ng bag niya. Pagkatapos ay inabot sa'kin ang pentel pen na may kasamang blankong paplel.
"Anong gagawin mo? Tsaka, nice! May admirer siya."
Kinuha ko ang papel at pentel pen sa kamay ni AM.
"Wala akong admirer. Namali lang ng lagay ang taong pinanggalingan nito," sabi ko habang nagsusulat.
LOCKER NI THADEUS --->
Habang nililipat ko ang chocolate sa pinto ng locker ni Thadeus, naglabas ng double sided tape si AM kahit na wala akong sinabi. Siya na ang nagdikit ng papel na sinulatan ko sa pinto ng locker ko kasi may dala akong mga libro.
"Sure ka ba na para kay Thadeus yan? What if para sa'yo talaga?" anang AM.
Hindi na ako nagsalita. Imposibe naman na may magbigay sa'kin ng ganun. Kaya sigurado akong para kay Thadeus iyon. Namali lang ng lagay.
***
Naglagay na ko ng papel na tumuturo kung saan ang tamang locker ni Thadeus, subalit pagbalik ko sa locker ko para kunin ang libro, may nakadikit na namang tsokolate! Meron pang maliit na teddy bear. Ang cute! Gusto kong angkinin kaso bad yun kasi hindi naman yun binigay para sa'kin.
"Maliit pa ba 'tong pagkakasulat ko para hindi maintindihan?" sarkastikong tanong ko sa sarili. Ang laki laki na nga ng pagkakasulat ko di pa rin ba nabasa ng taong laging namamali ng lagay? kahit chinitong nakangiti, mababasa ito.
Again, nilipat ko ang mga iyon sa locker ni Thadeus pagkatapos binuksan ang locker ko para kunin ang libro. Paalis na ako nung may tumawag sa'kin.
Lumingon ako. Nakita ko si Thadeus na nag-iisang nakatayo ilang kilometro lang ang layo sa'kin. Tinitigan ko lang siya at hindi nagsalita.
Humakbang siya para lapitan ako. "Ayaw mo ba ng mga binibigay ko kaya binabalik mo sa'kin?"
Napalunok ako. Ano raw? Sa kanya lahat galing ang mga naabutan ko sa locker ko?
"S-sayo galing yun?" utal na tanong ko.
"Oo," diretsang sagot niya. Nasa tapat ko na sya ngayon. Naamoy ko ang mabango niyang pabango. Bigla ko tuloy naalala ang unang beses na dumaan siya sa harap ko. Iyong binigyan niya ng patikim si Kyle. At tandang tanda ko rin kung anong klase ng tingin ang binigay niya sa'kin bago siya umalis!
"Para saan ba yun?" Hindi ko alam kung bakit nanghihina ang tuhod ko. At kung bakit kinakabahan ako dahil nasa tapat ko siya ngayon.
Binaba niya pa ng kaunti ang ulo niya para matingnan ako ng maigi.
"Palagi ka nalang nagtatanong," aniya. "Pare-pareho lang naman ang sagot sa mga tanong mo." Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. And in just a snap, nakasandal na ako sa pinakamalapit na locker. "Bakit ko ginagawa ang mga 'to? Dahil nililigawan kita. Bakit kita nililigawan? Dahil gusto kitang maging girlfriend. At bakit gusto kitang maging girlfriend? Dahil gusto kita. Nagsisimula palang ako, HyoRin. Wag ka masyadong ma-culture shock. Mas magugulat ka sa susunod kong gagawin." Ngumisi siya. Dinikit niya ang kanyang palad sa locker sa gilid ng aking ulo tapos nilapit ang mukha niya kaya naman pinilig ko ang ulo ko. "Ihanda mo na rin 'yang kilig mo," sabi niya malapit sa tenga ko.
Kinilabutan ako sa pagdampi ng mainit niyang hininga sa balat ko. Tiningnan ko uli siya at nakita siyang nakangiti.
Ang magandang ngiti niyang iyon lang ang huli kong natandaan bago ko ma-realize na nakaalis na siya at ako nalang ang tao.
B��;)H�