Si Angelique "Angel" Zamora ay isang magaling na tv/movie writer. Kabilaan ang bumibili ng mga tv series na naisusulat niya at kabilang na dito ang mga naglalakihang istasyon, ang ABS-CBN at GMA-7. Ilan na sa mga nagawa niya na ipinalabas sa tv ay pawang tumabo ng ratings. Lalo na sa ABS-CBN.
Nakapagtapos siya sa University of Sto. Tomas sa kursong Journalism. Pagkagraduate niya ng journalism, nag-enroll ulit siya sa kursong Management.
Si Angel ay isang maituturing na lesbian. A lipstick lesbian. Kung manamit at kumilos ay babaeng-babae pero babae din ang nagugustuhan niya.
Isang araw, nagising siya sa sunud-sunod na pagring ng celphone niya na nakapatong pa man din sa dibdib niya kaya't halos magiba na yata ang dibdib niya sa lakas ng vibration nito.
"Hello?" Halatang bagong gising.
"Hi bunso, good morning. Nagising ba kita?" Tanong ng kausal niya.
"Obvious ba kuya? Alarm clock ng wala sa oras eno," maktol naman niya.
"Sus, bumangon ka na diyan at nang makap-ayos ka na. Di porke ikaw ang boss eh late system ka sa negosyo mo," simula na namang manermon ang kuya niya.
"Of coooouurse I have the rights to be late, I'm the boss," sagot naman niya sabay ngisi na animo'y nakikita siya ng kausap niya.
"Ay naku, boss na kung boss. Oo nga pala bunso, kung sakaling gagawi ka dito sa set mamaya, puwede bang dala ka nung kagaya ng dinala mo last time? Para kainin namin mamaya," sabi ng kuya niya.
"Aah, yung bolognese ragu. Teka teka teka, namin kamo? Bakit, ilang bunganga ba yang NAMIN na yan kuya ha?" Tanong niya sa pinsan na sinadya pang diinan ang salitang NAMIN sa kausap.
"Bunganga ni Rhian at Glaiza lang naman. At ako siyempre," sabay halakhak ng kausap niya.
Pagkarinig niya sa pangalang Glaiza, bigla siyang napabangon sa higaan at lumakas ang tibok ng puso niya. Excited Angel? Puna niya sa sarili.
"Gel, andiyan ka pa ba? Kinikilig ka na naman. Nalaman mo lang na si Glaiza ang isa eh natameme ka na naman."
"Tsee! Uo na magdadala ako. Pero baka dinner na ako makadala kuya kasi may imimeet akong client ngayong lunch, okay lang po ba?" Tanong niya.
"Okay lang bunso. Basta tawagan mo na lang ako kapag nandito ka na. Ligo ka na uy," pahabol pa ng pinsan niya at saka pinutol na ang linya.
Si Direk Dominic Zapata, ang kaisa-isang pinsan niya, ay isa sa mga pinagkakatiwalaang director sa GMA. At kasalukuyan niyang idinidirek ngayon ang STAIRWAY TO HEAVEN kung saan bida ang crush niyang si Glaiza de Castro kung saan kontrabida ang aktres dito.
Alas sais ng hapon, inayos niya na ang table niya at tiniyak na ayos na ang lahat.
"Liz, una na ako ha. I still need to go to DIR," (DIR means Dine In Restobar). Isa sa negosyo niya. Si Liz ay Assistant niya sa isa pang negosyo niya na ZOE's PARTY PLANNER.
"Okay po Miss Angel. Ingat po kayo."
"Thanks. Just beep me up if you need me ok?" Then she went out already.
Sa DIR, isa-isa siyang binati ng mga servants doon. Ngiti at kaway naman ang isinukli niya sa mga ito. Dumiretso siya sa kitchen.
"Chef, can I share the kitchen with you? I just wanna cook something for my cousin," she asked from the chef.
"Sure bossing, no problem." Sagot naman nito.
Halos isang oras din niyang niluto ang bolognese ragu. Kailangan espesyal to, kakain kaya si crush nito. Turan ng diwa niya sabay ngiti.
Bago siya umalis, umakyat muna siya sa 2nd floor ng restobar kung saan nandun ang opisina nila ng manager na itinalaga niya. Inalam niya kung may dapat ba siyang pirmahan. Agad din siyang nagpaalam ng sabihin ng manager na wala. Kinuha na niya ang niluto niya at umalis na papunta ng set.
"Kuya, I'm parking now. Where can I find you?"
"Oh, andito lang kami sa tent bunso. Tamang-tama dating mo, kakasabi ko lang din sa kanila na break muna kami. Diretso ka na lang dito ha." Sabi ng kausap.
"Glaiza, pakihintay mo si Angel dito ha at kukunin ko lang yung tubig ko at tawagin na rin si Rhian para makakain na tayo." sabi ni direk kay Glaiza na busy sa kakamasahe sa braso niya.
"Angel po? Pupunta siya dito? Nagdala po siya ng pagkain?" Sunud-sunod na tanong niya.
"Oo, nagpapark na daw eh."
"O sige po direk. Ako na po bahala." Sagot naman niya.
"Hi, si kuya?" Bati ng mahiya-hiuang Angel na di mo malaman kung naiihi o namimilipit sa kilig na nararamdaman ngayong kaharap niya ang crush niya.
"Hello, ahm, kinuha niya daw yung tubig niya at tinawag na rin si Rhi. Halika tuloy ka. Upo ka dito," sabi niya dito na hindi maidiretso ang tingin kay Angel. Shit why am I feeling this way whenever she's around? What's wrong with me? Bulong ng isip niya.
"Oh, andiyan ka na pala." Bati ng direktor. Ngumiti naman ito.
"Hi enship. Naku, naamoy ko na naman na mabubusog na naman ako neto dahil sa luto ng enship ko," sabi naman ni Rhian sabay beso sa kaibigan. "Ano pa hinihintay natin, kain na tayo," aya niya at naupo na silang apat.