Kabanata 18

402 11 0
                                    

Four years later.....

Walang dumanas kailanman, ang magmahal ng tapat at di man lang masaktan. Para saan ba o para kanino ba tayo gumigising sa bawat araw? Para sa mga taong dahilan natin para mabuhay. Pero minsan, sila rin ang mga taong papatay sa ating mga puso. Dahil kung gaano kasarap ang magmahal, mas doble ang sakit kapag nasaktan. At kapag nagsara ang puso, mahirap ng muling buksan. Hindi mo madidiktahan ang puso kung kelan magpapatawad, kusang magmamahal, kusang muling magbubukas. Kung kelan, walang may alam.

Sa London...

"Are you sure you're ready?" Boses ni Andrea na nakatayo pala sa likuran ng pamangkin habang pinapanood niyang naglalaro ang isang apat na taong gulang na babae.

"Yes Ma, I'm ready."

"Well, I know you can handle things or situations that might come along. You are as brave as your father."

"Thanks Ma." At humarap na ito sa tiyahin. "Ma, si Zoe."

"Don't worry anak, we will take care of her."

"Salamat ho."

"Zoe, it's time for you to take a nap now sweetie." Tawag ni Andrea sa apo.

"Okay Granny." Sagot naman ng napakabibo na bata.

Samantala, sa Pilipinas....

"Dominic, have you talked to your cousin already?" Tanong ng CEO ng network sa kanya.

"Yes big boss, she will be here next week." Sagot naman nito.

"Oh, that's good. Did you tell her the reason if why I want to talk to her personally?"

"Opo."

"Okay, hintayin na lang kita ulit bumalik dito and hopefully,with your cousin." At natapos ang pag-uusap na yun.

One week later, nasa conference room sina Rhian, Glaiza, Direk Dominic at ang mga managers ng mga aktres. Dalawang tao na lang ang hinihintay, ang big boss at ang batikang writer, si Angel.

"I didn't know that I would see you today, in here, Glai.?" Wika ni Rhian.

"Ako nga din eh. Ano kaya pagmimeetingan?"

"Ibabalik daw ang RASTRO." At humalakhak si Rhian.

"Sira." Tumawa din si Glaiza. "Well, who knows, di ba?"

Kumuha ng maliit na papel si Rhian. Sinulatan niya ito at iniabot kay Glaiza. I miss you. And I still love you Glai.

Napatingin naman ang isa sa kanya. Sinulatan naman niya ito sa likod ng papel. Mamahalin lang kita kapag naging Jade at Althea tayo ulit. Hahaha.

Napangiti naman si Rhian. Tahimik na nakatingin si direk sa laptop niya ng magring ang celphone nito.

"Yes, where are you now?"
"Ok dumiretso ka sa 8th floor, conference room."

Napalingon silang lahat sa bumukas na pinto.

"Angel." Bulalas ng pinsan nito sabay tayo at niyakap ito. "Finally, you're here."

Halos lumuwa na ang mga mata nina Rhian at Glaiza, maging ang manager ni Glaiza.

"Enship?" Ani Rhian.

"Hi enship, wazzup?" Bati naman nito. Nagyakapan ang dalawa. Napatingin si Angel sa mga pares ng mata na nakatingin sa kanya. Nakipagtitigan ng ilang segundo. God, how I missed this woman. Can I hug her? No, don't! Let her do the first move bitch! Remind niya sa sarili niya.

Halos limang taong akong nangulila at naghintay sayo, hindi na ako papayag na mawala ka pa ulit sa piling ko. Lahat gagawin ko Angel, kahit pa lumuhod ako. Mahal na mahal pa rin kita. Sa isip naman ni Glaiza. Di naman nakaligtas sa manager ni Glaiza ang reaksiyon sa mukha nito.

I'm happy to see you again enship, and this time, I'll make sure you'll be mine. Sa isip din ni Rhian.

Dumating na din ang big boss. "Thank you for coming ladies, Dom." Panimula nito. "In the past few years since nung nagpahinga at nawalan ng project o show ang team up na 'to together, kung gaano kalaki ang naibigay at naitulong niyo sa network ng mga panahong magkatambal kayo, ganun din ang nawala nung wala na kayong show na magkasama. This time, we need to get up. We need you ladies. We need everyone." Huminto ang mga mata niya kay Angel. "We need you to help us refresh the team. We need your stories. That's the reason why almost beg to your cousin para kausapin ka. And thank you for being here Miss Zamora."

Ngumiti naman ito. "So, what's the plan Sir?" Tanong nito.

"Ibalik natin sa screen ang RASTRO, both network and theatre. Gagawin na natin silang official loveteam."

Napalingon si Angel sa dako ng dalawang aktres. Tinapunan niya din ng tingin ang manager ni Glaiza.

"Ok, I'm in to that plan."

Natapos ang meeting ng maayos. Una ng nagpaalam ang big boss.

"So, saan na ang diretso mo niyan?" Tanong ni direk sa pinsan.

"Uwi muna ako kuya, dumiretso na kasi ako dito mula airport. Tapos bibisita sa DIR at sa opisina, then...."

"I suggest you should take a rest first." Sabat ng pinsan nito.

"Tonight." May pagkapilyang sagot naman ng isa. "So, paano, I'll go ahead kuya. Maraming dapat asikasuhin at simulan."

"Ok, ingat. See you around bunso."

Nakalabas na ang dalaga ng biglang tumayo si Glaiza sa kinauupuan niya. "Glaiza!" Akmang pagpigil sa kanya ng manager niya.

"Please manay, not now." Pagkasabi nun ay lumabas na siya para sundan ang matagal na niyang hinintay na pinakamamahal. Ngunit mabilis na nawala sa paningin niya ang sinusundan.

"Wag mo muna siguro pilitin Glai." Boses ni Rhian na sinundan niya pala ito.

"Kung ano man binabalak mo Glaiza, you better think twice." Boses naman ng manager niya.

"I'm sorry manay but antagal kong hinintay ang pagkakataong to, at ngayong nandito na ulit siya, di na ako papayag pang maulit muli ang minsang pagkakamaling ginawa ko sa kanya."

"Anong ibig mong sabihin?" Gulat na tanong ng manager niya.

"I've lost her once, I won't let that happen again. If I need to beg her, I won't hesitate to do it." At umalis na ito na pahid-pahid ang tagaktak ng luhang dumadaloy sa pisngi niya.

Sinundan na lamang siya ng tingin ng dalawa.

Sa mga oras na yun, bumalik lahat sa alaala ni Angel ang lahat. Maging si Glaiza. Natagpuan na lamang ni Angel ang sarili sa dating tagpuan nila, sa rooftop ng isang building. Nakatayo siya't nakatanaw sa malayo.

Hindi inaasahan ni Glaiza ang madadatnan sa lugar na yun.

"Angel?"

Lumingon naman ito. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Para namang de susi na robot si Glaiza, naglalakad papalapit sa kasama. Tumutulo ang luha sa galak, pagsisisi at pangungulila. Nang ganap na siyang nakalapit, dahan-dahan niyang hinawakan ang pisngi ng kaharap, ikinulong sa mga palad ang napakaamong mukha, pinagmasdan.

"I'm sorry...." yun ang lumabas sa kanyang mga bibig at tuluyan na niyang pinakawalan ang mga luha niya. "Patawarin mo ako Gel."

Love Will Lead Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon