Kabanata 11

413 11 0
                                    

Nakaupo ang apat sa labas ng kuwarto ng....

"Angelique."

Napalingon sila sa medyo may edad nang babae na nakatayo sa harapan nila ngayon. "Ma?"

Si Andrea ay kakambal ng tatay niya. Siya din ang ina ng pinsan niyang si Direk Dominic. Dadalawa lang magkapatid ang mga magulang nila. Mula nung nagmigrate na sila sa London, tinalikuran na rin ni Andrea ang mundo ng showbiz. Dahil siya ang nakalakihang ina ng pamangkin, kaya Mama na din ang tawag nito sa kanya.

Niyakap niya ito at di na napigilang umiyak. Sabik na sabik sa yakap ng isang ina dahil ang taong kayakap niya ngayon ay sa kanya lang naranasan ni Angel ang magkaroon ng isang ina mula nung iniwan sila ng nanay niya. Tandang-tanda niya pa.

Nakibeso-beso din ang tatlo sa ginang. Di katagalan, nagpaalam na ang tatlo. Sinabi naman lahat ni Angel sa tiyahin tungkol sa kanyang ama.

Bahay-opisina-hospital ang sistema ni Angel sa halos isang buwan. Madalas nga dinadala niya sa hospital ang mga paperworks niya. Umuuwi lang siya para magbihis at maligo. Busy din si Glaiza sa taping ng kasalukuyan niyang series kung saan leading lady siya. Nurse ang papel niya dito.

May hospital scene sila ng araw na yun. Sa basement ng parking lot nagsimula ang shooting. Napansin ni Angel na tila may shooting doon sa madadaanan niya papunta sa kotse nya. Naglalakad siya ng maaktuhan ang kaganapan sa shooting....a kissing scene....at laking gulat niya ng mamukhaan ang mga ito....

Glaiza? Ben?

She's still standing and she can't even move her feet to walk away para makalayo na dun. She's trying to take away her eyes from them pero tila magneto na ang mga mata nito.

"Cut! Ok guys, break muna." Sigaw ng direktor.

Papunta si Glaiza sa kanyang upuan ng makilala niya ang taong nakatingin sa kanya. "Angel?" Gulat nito. Nilapitan niya ang huli. "Anong ginagawa mo dito?"

"Malamang dito nakaconfine ang ama ko." Sagot nito na lumalabo na ang paningin dahil sa nagbabadya na namang mga luha nito. "Masakit pala kahit alam mong trabaho lang." Dugtong pa nito.

"Have you seen it?" Tanong ni Glaiza.

"Di naman ako magsasalita ng ganun at makakaramdam ng kirot sa puso ngayon kung hindi di ba?" At tumulo na nga ang luha nito.

"Hon, please try to understand. Trabaho lang to ok? Please?"

"Yeah, trabaho lang. Trabaho lang with the man who just recently admitted that he likes you." At humakbang na siya papunta sa kotse niya.

Di naman lingid kay Glaiza na may mga matang nakatingin na sa kanila kanina pa. Isa na dun ang manager nito. "Look for me after your taping.!" Bulong ng manager nito.

Sinadyang hintayin si Glaiza ng manager niya pagkatapos ng taping.

"So, siya yun. Siya pala yun ha Glaiza?!" Galit na naman ang manager nito. "Look, i will give you an option.....YOUR CAREER or THAT LESBIAN?!"

Gulat si Glaiza sa narinig. "What?!"
"You heard me, don't you?!"

"No, please manay, not this. Not her. Not MY GIRLFRIEND please!"

"Glaiza, I warned you before, you don't know what you might lost when you continue seeing with that woman. Sunud-sunod ang offers sayo. Commercials. At may nakaabang pang isang series na ikaw ang isang bida kapag ikaw ang mapili ng staffs! Ipagpapalit mo lahat yan sa kanya? Ito ang pangarap ng nanay mo para sayo, pangarap niyo! Hihintayin mo pa bang pati pamilya moay madamay o batuhin ng masasakit na salita ng mga kritiko?!"

"Ano ho ang dapat kong gawin? Mahal ko po siya at wala naman pong problema sa pamilya ko sa relasyon namin. Manay please?" Umiiyak na ngayon ang aktres.

"You have to make a choice Glaiza. Career and family or that woman?! Tawagan mo na lang ako kapag nakapagdesisyon ka na." At umalis na ito.

Nanghihinang pinuntahan ni Glaiza ang sasakyan niya na kung saan ay nandun ang nanay niya na naghihintay sa kanya. At di nakaligtas sa ina ang pag-uusap ng dalawa.

Nakita ng ina niya na malungkot ang anak. "Nak, nandito ang nanay. Baka gusto mo ng kausap para gumaan ang saloobin mo."

Tiningnan niya ang ina at niyakap ito. Umiiyak. "Nay, bakit kailangan niya ako papiliin? Kailangan ko ba talaga mamili 'nay?"

"Anong ibig mong sabihin?"

Ikinuwento ni Glaiza sa ina ang naging usapan nila ng manager nito. "Nak, eto tandaan mo, kahit ano pa maging desisyon mo, nakasuporta kami na pamilya mo sayo. Wag mo kaming intindihin kung madamay man kami, ang importante magkakasama pa rin tayo. Kung siya ang pipiliin mo, ok lang sa amin anak. Kung career mo, ok lang din sa amin. Pero eto lang din ang maipapaalala ko Glaiza, once na nagdecide ka na, panindigan mo....wag kang basta-basta magdedesisyon ng hindi ka sigurado, baka magsisi ka lang." Payo ng ina.

Lalong napayakap si Glaiza sa ina. "Mahal na mahal ko siya 'nay. Hindi ko kayang mawala siya. God, iniisip ko pa lang na iiwan ko siya ay nasasaktan na ako."

"I know anak. I know. Kaya nga sabi ko sayo, pag-isipan mo mabuti. Andito lang naman kami na pamilya mo."

"Pero hindi ko din kayang mawala ng ganun na lang ang pinaghirapan ko 'nay."

Tumahimik na lang ang ina nito at hinagod ang likuran ng anak. Hinayaan na lang niyang pakawalan niya ang bigat na dinadala niya, makakagaan din yun kahit papano.

Samantala, pumunta si Angel sa kuwarto ng ama. Natutulog pa rin.

"Tay, almost a month na kayong tulog, di pa ba kayo napapagod niyan? Miss ka na ng mga orchids sa farm. Gumising din kayo paminsan 'tay, uso na yun ngayon." Pang-aliw niya lang sa sarili niya dahil sa sobrang kalungkutan nito ngayon.

Dahan-dahan niyang hinahaplos ang kamay ng ama...

Nung ako'y bata pa
Nang iwan ako ng aking ama
Mata'y lumuluha na....

Di na niya napigilan ang luha.

Sa akin ay may bumulong
Sabi ni tatay na wag iiyak
Malungkot ako, aking ama.

Kung may pagkakataon
Na mayakap siya
At masabi ko
Na mahal kita, ama....

Napasubsob na siya sa kama ng ama at humahagulgol na ito. Pakiramdam niya sobrang nanghihina siya.

Love Will Lead Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon