Kabanata 4

554 19 0
                                    

     Biglang bumitaw sa pagkakayakap ang dalawa. "Sige, alis na talaga ako kuya. And thanks sa inyong dalawa, Glaiz, kahit papano gumaan loob ko," sabi ni Angel sa dalawa. Tinapik naman ni direk ang balikat ng pinsan. Tumango naman at ngumiti si Glaiza, "walang anuman Angel. Ingat ka ha." Tugon pa nito. At umalis na siya.

     Kumaway na lang siya kay Rhian tanda ng pamamaalam niya sa kaibigan. Nakita naman ito ng huli at gumanti rin ng pasimpleng kaway na di naman nakaligtas ulit sa mga mata ng nobyo na nagsisimula na namang manlisik ang mga mata. Sa ganung tinuran ni Rhian, naintindihan na yun ni Angel dahil alam niya ang dahilan kung bakit limitado ang salita at kilos ng kaibigan niya kapag andiyan ang nobyo nito - dahil sa selos.

     "Can you just stop being near or clinging to that lesbian?!" Nanggagalaiting sambit ng nobyo.

     "Angel.....that's her name." Sagot naman ni Rhian.

     "Whatever!!!! Stop bring friends with her!!!! You know what I can do!!!!" Sabay tayo. "Tutuloy na ako. May meeting pa ako sa mga ka-buddy ko sa racing!" Di pa man nakakasagot si Rhian ay humakbang na ito papalayo. Ngumiwi na lang ito at tumayo na rin para puntahan na ang mga kasamahan.

    

Love Will Lead Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon