Kabanata 17

385 12 0
                                    

Bago tuluyang umalis si Angel, nakagawa pa siya ng para sa season 2 ng TRMD ayon na rin sa hiling ng management na siya pa rin ang gagawa. Tanging emails na lang ang naging komunikasyon nila ng pinsan para dito.

Unang araw ng taping nila para sa season 2 ng pumasok si Rhian sa tent na kinaroroonan ni direk. "Hi Direk." Bati nito.

"Ummmm...kumusta pahinga? Excited ka na ba sa season 2?"

"Opo naman. Iba talaga gumawa ng serye si Angel. Samahan pa ng magagaling na casts at isa na ako dun at direktor na masungit ngunit matiyaga." At napahalakhak silang dalawa sa sinabi nito.

This season, mas marami ang sweet at clingy moments ng binansagang JATHEA loveteam ng serye. And whenever it's their scene? They saw the personality of ANGEL to each other. Kahit offcam ay sweet pa rin ang mga ito.

Kailangan kong mapaniwala si Glaiza na nahuhulog na ako sa kanya para mabaling sa akin ang atensiyon niya at hindi na kay Angel, ang taong isinisigaw pa rin ng puso ko.....sa isip-isip ni Rhian na nakatingin kay Glaiza ngayon na nakaupo sa tabi niya at pinagmamasdan ang larawan ni Angel.

"Hoy! Kung makatingin ka naman kay Glaiza parang may pagnanasa ka a." Pukaw ni Chynna kay Rhian.

"Huh?! What are you talking about?! Hindi noh!" Bigkas naman ni Rhian.

"Asus! Aminin mo, nahuhulog ka sa kanya ano?"

"Hindi nga! Kulit neto!" Si Rhian ulit.

"Ingat-ingat lang tsong, baka mahulog ka kay Glaiza, lagot tayo diyan." Dugtong pa ni Chynna.

"Tumigil nga kayong dalawa!" Sabat naman ni Glaiza na ikinagulat ng dalawa.

Habang tumatagal, lalong napapalapit ang dalawa. Nasa tent sila pareho ng biglang lumapit si Glaiza kay Rhian.

"Rhi, h-hindi pa ba tumatawag si Angel sayo?"

"Hindi pa. It's her due month na nga eh. Di ko rin naman alam kung saan kontakin. Lahat ng accounts niya wala ng active."

Gumuhit ang lungkot at pagkadismaya sa mukha ng una.

"Wow! Congratulations! I can't wait to see you both. Magpalakas ka bunso ha. Basta andito lang kami na family mo, lalo pa ngayon na may little angel na." Ani direk sa kausap niya na di nakaligtas kay Rhian.

"Direk, si Angel po yun?"

"Yup! She's a mother already. A baby girl." Nakailang hakbang na ito ng lingunin niya ulit ang dalaga, "i trust you." At umalis ito ng tuluyan.

Glaiza won't know this. Isip nito.

Walang araw na hindi naisip ni Glaiza si Angel. Ramdam na ramdam niya ang pangungulila at pagsisisi sa ginawa nito. If only she was that brave enough to fight for their love, di sana kasama niya pa ito at ang magiging anak nito. Naramdaman niyang tumutulo na naman ang mga luha niya. Madalas na rin siya nagkakasakit sa kakaisip. Di makakain ng maayos. Laging tahimik at tulala. Ikinabahala naman ng ina at mga kaibigan nito.

"Thinking of her?" Umupo si Rhian sa harap nito, pinahid ang luha sa pisngi ni Glaiza na ikinagulat nito.

"Ano ba?!" Gulat na reaksiyon nito.

"Sorry. I'm just trying to help." Wika naman ni Rhian.

"Sorry din, nagulat lang ako."

"It's okay lablab." Sabay ngumiti ito. Ngumiti rin si Glaiza sa binanggit ng kaharap. "Hey, tapos na ang taping pero di ka pa nakakapagligpit ng gamit mo. Tulungan na kita."

"Wag na. Please ako na."

"Come on, para mas mabilis at may pupuntahan tayo."

"Saan naman tayo pupunta?"

"Basta ako bahala sayo."

Dumiretso sila sa condo ni Rhian. Naligo muna sila. Unang natapos si Glaiza na magbihis. Nakaupo siya sa couch habang tulala at nakatingin sa balcony.

"Tulala ka na naman." Nasa tabi na niya si Rhian.

"Ang hirap Rhi. Daig ko pa yung kinitilan ng buhay sa pagkawala niya." At umiiyak na naman ito.

"Sssssh, ganyan tlga. Ako man din nahihirapan ding tanggapin at sanayin sarili ko." Niyakap niya ang kaibigan. "Do you still want to go out with me or you'd rather stay here?"

"Please, let's just stay here. And thank you kasi nandito ka bilang kaibigan."

Tinitigan niya si Glaiza, pero mukha ni Angel ang nakikita niya dito. Napatingin din si Glaiza dito at nang huminto ang mga mata niya sa mga labi nito, pumikit siya at inisip na mga labi yun ni Angel.

Maya-maya pa'y naramdaman niyang may umaangkin na sa mga labi nito. Gumanti rin siya ng halik dito. "Angel...." bulong nito ng magkaroon ng pagitan sa kanilang mga labi.

Napamulat siya ng matauhan siyang hindi si Angel yun. Oh no!

"I love you, Glai."

Pagkarinig nun ay agad siyang tumayo at kinuha ang mga gamit niya at lumabas na ng bahay. Napangiti naman si Rhian. It's working, I guess...

Taping ulit nila ng madatnan niya si Rhian sa set. "That was nothing." Bungad nito.

"The what, about last night?"

Tumango lang si Glaiza.

"I mean it Glaiza. I think I'm inlove with you."

"No!"

"Why don't we try? I may not replace her in your heart, but I do love you. We can, right?"

"No we can't!" At tumalikod na ito.

It didn't work....one more try....bulong ni Rhian sa sarili habang pinagmamasdan ang isa papalayo.

Another month passed by, natapos na ang season ng TRMD. Wala nang kasunod. Wala na ring JATHEA loveteam. Mawawala na rin ba ang RASTRO LOVETEAM?

Love Will Lead Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon