Kabanata 28

460 13 0
                                    

Tapos na ang ginagawang pelikula ng RASTRO. Showing na ito next week. Kararating lang ni Glaiza sa condo ng pinindot niya ang voice message recorder ng telepono. Tatlo ang nag-iwan ng voicemail.

"Hi mommy Glai, how are you? We miss you. We love you. And goodluck to your movie mom."

Dinaial niya ang number sa London. "Hello?" Si Angel ang nakasagot.

"Hi honey, sorry kung nagising yata kita. Kakauwi ko lang kasi. Narinig ko voicemail ni Zoe kaya tumawag ako. Kumusta kayo diyan, di ka pa ba uuwi? Showing na next week ang movie namin ni Rhi. Sana nandito ka."

"Talaga? Wow, congrats honey. I'm so proud of you. But ahm, sorry kasi I can't be there on that day."

"Hon, kelan ka ba talaga uuwi? Kasi kung matatagalan ka pa diyan, ako na lang pupunta diyan tutal tapos na movie namin."

'No! D-don't come here." Mabilis na tanggi nito.

"Bakit? Gel, di ko na kaya. Miss na miss na kita. Kailangan kita."

"I miss you, too. But don't worry hon, malapit na ako uuwi. Tsaka baka isabay ko na si Zoe. Napaaga ang end ng school niya."

"Please come home. Mababaliw na ako dito."

"Okay...I will."

Pagkatapos nila mag-usap, tinawagan ni Angel si Rhian. Videocall. Nagulat naman ang isa kaya sinagot niya agad ito. Kung anong awa at sakit sa damdamin ang naramdaman niya nung napapayag niyang makaskype ang kapatid, doble ang nararamdaman niya ngayon.

"O, wag mo naman ako iyakan Rhi. Buhay pa ako. Buhay na buhay pa." Bigkas nito sa umiiyak ng kapatid.

"Kumusta chemo mo?"

"Uwi na ako next week." Yun ang isinagot nito sa kapatid.

"Talaga? Pero akala ko ba 6 sessions pa ang.... "

"It's too late already Rhi." She said after she cut Rhian's words.

"A-ano ibig mo sabihin?"

"Haaaa," umiiyak na rin ito, "uuwi na lang ako diyan para kahit papano makasama ko pa kayo kahit ilang araw....na....lang..." humagulgol na siya.

"W-what?! G-gel, sabihin mong di yan totoo. Sabihin mong magaling ka na at dito ka na for good. Please sabihin mo!" Umiiyak na rin ito.

"Rhi, sunduin mo ako sa airport please? Pero ikaw lang at wala kang pagsasabihan ang lahat ng 'to."

"Kahit kay mommy at Glai?"

"Kahit kanino. Ayoko pa. Di pa ako handa sa kanila lalo na sa asawa ko."

"Okay, pangako. So, kelan kita susunduin?"

Sinabi ni Angel sa kapatid kung kelan. At ganun nga ang nangyari.

A day before the opening day of their movie, alas tres ng hapon, nasa airport na ito. Halos di siya makagalaw ng makita niya ang isang stewardees na may itinutulak na wheelchair. "Angel?" Ayaw niyang pakawalan ang mga luha pero kumawala pa rin.

"Miss, okay na. Salamat ha." Nginitian ni Angel ang stewardees. "O, it's your turn to push me." She's trying to smile kahit nagbabadya na rin ang mga luha nito.

"Sure!" Habang itinutulak niya ang wheelchair, walang tigil ang pagtulo ng luha niya. Payat, sobrang payat, nanghihina at halos hirap magsalita na hinihingal ang kapatid. Parang pinipiga ang puso nito. "Saan mo gusto tumuloy?" Garalgal na tanong nito.

"Sa Laguna, kung okay lang sayo."

"Uo naman. Walang problema."

Premiere night ng movie nila ngayon kaya medyo mabilis ang pagmamaneho nito pero napansin niya napapalukot ang mukha ng kapatid.

Love Will Lead Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon