Kabanata 13

389 13 0
                                    

"Hon, pwede bang mauna na ako? Ahm, uuwi na kasi ate ko mamaya, magpapaalam lang sana ako dun. Baka kasi matagalan na naman bago kami magsama-sama ulit, kung ok lang sayo?" Ani Glaiza.

"Ummmm, ok lang hon. No problem. Ihatid na kita."

"Wag na, magcommute na lang ako. Iiwan mo pa si tatay."

"Ok, just take the car with you. Ako na lang magcommute mamaya." At iniabot ang susi.

"Are you sure ok lang sayo?"

"Huo naman. Artista ka, mas kailangan mo ng privacy." Sabay halik dito. "Drive safely ok? Ikumusta mo na lang ako sa kanila."

"Sure honey. Thanks ha."

"No problem...don't mention it, it's ok."

Naguguluhan si Glaiza kung kaya't naisipan niyang puntahan ang ina. Alam niyang makikinig at maiintindihan siya ng ito. Agad niyang niyakap ang ina pagkabukas pa lang ng pinto nito.

"Nay, ano ho ang gagawin ko. Pinamimili na ho ako ni manay eh. May nagsabi sa kanya na magkasama kami ni Gel sa hospital."

"Then....?"

"Iniipit niya ho ako. She's asking me to make a decision now, lalo pa't nasa blind item na naman ho kami at....at mga mukha na ho namin ang nandun." Hikbi nito sa ina.

"Anak, tingin ka kay nanay, ang issue o tsismis, di mo maiiwasan yan. Gaya ng sabi ko sayo noon, ano man ang maging desisyon mo, nakasuporta kami sayo. At wag kang magdedesisyon ng pagsisisihan mo lang."

"I don't wanna loose her....but I can't loose the reputation of my family and my career. 'Nay, bakit ang hirap hirap? Nagmahal lang naman ako. Wala naman akong sinasagasaang tao pero bakit ganito ang kahihinatnan ng lahat?"

Hinayaan na lang ng ina na umiyak ang anak.

Samantala kay Rhian, she's driving papunta sa restaurant kung saan magkikita sila ni Jayson. One month ding nawala ito dala ng business trip. At ngayong bumalik na siya, makikipaghiwalay na siya dito, whether he like it or not.

"Hi! Sorry to keep you waiting." Bati niya sa lalake.

"No, it's ok. Please sit down."

"Thanks." Maikling tugon ng dalaga.

"So, how are you while I was away?"

"Hmmmm? Ok lang. Everything was fine."

"Did you miss me?" Ani ng lalake.

Imbes na sagutin siya ni Rhian, sinimulan na niyang i-open ang sadya niya dito. "Jayson, I...look...I came here to tell you something personally."

"What is it?"

"I don't want anymore. I...I can't no longer stay with you anymore."

Kalmado ang mukha ng kausap kung kaya't nagsisimula nang kabahan si Rhian ngayon dahil sa ganung katahimikan ng kausap ay kadalasan panganib ang kinahahantungan.

"Sino siya?" Kalmadong tanong ng lalake.

"Ha?! Anong sino siya?"

"Sino ang ipinalit mo sa akin?"

"Wala! At porke ba nakikipaghiwalay na ako ay meron na akong bago? It's just that magiging busy na ako dahil magsisimula na ang new tv series ko at andami kong guestings at may isa pa akong magiging show bukod sa series na to."

"C'mon Rhian, don't trick me with your lies."

"I'm done with my words. Say what you want, I don't care. I'm outta here." At tumayo na ito.

"Regrets always comes last. So don't waste your time and effort to regret now Rhi, save that regret for later."

Narinig yun ni Rhian at nakaramdam siya ng kaba but she still choose to walked away from him.

"I did it bestie." Kausap niya si Bianca habang nagmamaneho ito.

"Ha?! What are you talking about?"

"I'm free....free as a bird. Nakipaghiwalay na ako sa kanya."

"Wow! Congrats naman!" At humalakhak ang kausap.

"Sira!" At tumawa din ito. Naisip niya na kung ano man ang ibig sabihin ni Jayson kanina, saka na niya iisipin o paghahandaan. Ang gusto niya lang ngayon ay tumawa at ngumiti ng bukal sa loob.

"Daanan kita bestie a, puntahan natin si Angel sa hospital. Andun daw siya eh." Sabi nito kay Bianca.

"Ayun yun eh. Nakalaya na sa hawla kaya sa anghel naman siya ngayon." Biro ng kaibigan.

"Stop it! Sasama ka o hindi?"

"Okay! Okay! Okay! Fetch me here at home."

Si Angel naman, nakakaramdam ng pagkahilo na masuka-suka, di niya mawari ang pakiramdam.

"Hi enship, kasama ko si Bianca." Bungad ni Rhian sa kanya sabay beso.

"Hi Gel." Maikling bati ni Bianca.

"Hello." Ganti naman nito. "Bakit parang ang tapang ng pabango mo enship?" At akmang nasusuka siya.

"Ha? Eh eto yung pabango na gift mo sa akin eh."

"Lam mo Gel, iisipin ko sanang naglilihi ka dahil sa reaksiyon mo kaso....imposible naman." Si Bianca ang nagsalita.

Nagkatinginan sina Rhian at Angel.

Hapon na ng sumaglit si Angel sa ama bago umuwi. Pagaling ho kayo 'tay. Tutulungan niyo pa ho kami ni Glaiza na alagaan ang magiging apo niyo....

Congratulations Miss Zamora, you're 6 weeks pregnant. Tila musika sa pandinig ni Angel ang sinabi ng OB-gyne na pinuntahan niya. Para siyang nakalutang sa alapaap sa saya. Sa wakas, magiging nanay na kami ni Glaiza....

Pagpasok niya sa condo, nadatnan niya si Glaiza na nakaupo sa sofa. Nakatalikod mula sa pinto. Nakayuko na tila umiiyak. Dumiretso si Angel sa kanya na nakangiti ngunit nawala din ang ngiti na yun ng makita ang dalawang malalaking bag sa harapan ni Glaiza....at tama siya, umiiyak nga ito.

"H-hon?" Bigkas nito. "Ano to?"

"I'm sorry Angel. Please patawarin mo ako." Nakatingin na siya kay Angel at umiiyak na ito. "I'm sorry pero kelangang gawin ko to. Nahihirapan na ako at masyado na ako naiipit eh."

"Wh-what do you mean? A-anong? Saan ka nahihirapan?"

"Umiinit na ang issue tungkol sa atin at....at pinamimili na ako ng manager ko!"

"Pinamimili?!"

"Uo, and I'm sorry kung.....kung isasave ko muna ang career ko at family ko. Please try to understand. I love you....I really mean it. But please understand me."

"So, igigive-up mo ako ganun, iiwan mo ako pagkatapos ng lahat na pinagsamahan natin? Kailangan ba talagang isa lang piliin mo?" Mahinahon ngunit luhaan na rin siya ngayon.

"I'm sorry. ..I'm sorry." Akmang hahawakan niya ang mga kamay ni Angel ngunit mabilis na hinablot ng huli ang mga kamay nito na lalo namang ikinaiyak ng una. Tumayo na siya at dinampot ang mga bag. Halos di niya maihakbang ang mga paa patungo sa pinto pero pinilit niya. Nilingon niya muna si Angel na nakatingin ang huli sa sahig. Umalis na si Glaiza.

Pagkaalis ni Glaiza, dun na humagulgol ng husto si Angel habang hinaplos ang sinapupunan nito. Kaya mo to Angel. Kaya mo to.

Love Will Lead Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon