Kabanata 20

431 12 0
                                    

     Rhian was so devastated looking at them from afar. After all these years Rhian, friendzoned ka talaga kay Angel. Tanggapin mo na lang kaysa tuluyan pa siyang mawala sayo. Haaay, move on. Failed! Failed! Failed! Bulong ng isip niya at naramdaman niyang tumutulo na pala luha niya.

     "So what now?" Tanong ni Angel kay Glaiza. Nasa loob na sila ng sasakyan ni Angel.

     "We will face all of them hon, basta magkasama tayo, makakaya natin. This time, ayoko ng bumitaw pa sayo kahit ano pang mangyari." At ginagap niya ang kamay ng girlfriend.

     "Pano ang career mo? Ang manager mo? Ang mga fans at family mo?"

     "Kesa naman ikaw ang mawala ulit sa akin, hindi na ako papayag. Kahit ikaw na lang ang matira sa akin at pamilya ko, hindi ako manghihinayang." And then, she kissed her again with full of love.

     "Let's get out of here." bulong ni Angel.

     "Take me to where there's only me and you honey, please." That teasing voice of Glaiza.

     Angel drove off to her new condo. They went up hurriedly. Pagkabukas ng pinto, agad na namang siniil ng halik ni Glaiza ang girlfriend nito. Nagsimula na ring kumilos ang mga kamay ni Angel. Halos di magkadatutong tanggalin ang mga bumabalot sa katawan ng katipan. Nakarating na sila sa loob ng kuwarto. Kapwa na sila hubo't hubad. At kanilang pinagsaluhan ang isang mapanabik at punung-puno ng pagmamahal na nararamdaman sa isa't-isa. Kapwa sila hiningal pagkatapos. Di nagtagal, nakatulog na si Glaiza.

     Bago bumangon si Angel, saglit siyang tumagilid at tinitigan ang mukha ng katipan. "I missed you so much honey." At ginawaran niya ng halik sa noo ang himbing na himbing ba kasintahan.

     Two months later....

     Last month of their series already. Patapos na rin ang kanilang pagtetaping. Angel wanted to surprise her girlfriend in the set.

    "Hi Mare!" Bati nito kay Kat na nabungaran sa labas ng tent.

     "Uy mare, musta?" Bati naman nito.

     "Ok lang. Ahm, si Glaiza?"

     "Ewan ko, nagkukuwentuhan sila ni Rhian kanina dun eh."

     "Nevermind, hintayin ko na lang siya dito sa loob." Banggit naman nito.

     Nakaawang ng konti ang bukana ng tent. Dahan-dahan siyang sumilip para tingnan kung may tao sa loob. it was Rhian and Glaiza, standing face to face, holding each others palms. Kitang-kita niya kung paanong ipinikit ni Glaiza ang mga mata habang dahan-dahan ding inilalapit ni Rhian ang mukha nito. Then, their lips met. Halos hindi makagalaw si Angel dahil sa nasaksihan. Nagbabadya ng tumulo ang mga luha nito.

     "Oh Angel, bakit ayaw mo pumasok?" Tanong ni Katrina kung kaya't natauhan din siya. Nagulat naman ang dalawa sa loob na agad kumalas sa isa't-isa.

      "Gel?" Halos sabay na bigkas ng dalawa.

     "May shooting dito sa loob?" Yun ang tanging nasabi ni Angel at tumalikod na ito.

     Hinabol siya ni Glaiza. "Angel wait! Please honey let me explain! Please!" Hinarang niya si Angel.

     "I saw what I saw. I heard what I heard. So, there's nothing more to explain Glaiza." Humakbang na siya ngunit nahagip ni Glaiza ang braso nito.

     "That was nothing Gel, please maniwala ka sa akin. Wala kaming relasyon. Please!"

     "Take your hand off me. Dahil baka hindi mo lang magustuhan ang magagawa ko." At tuluyan na siyang naglakad papunta sa kotse nito. Naririnig niya ang pagtawag ni Glaiza sa kanya pero iisa na lang ang gusto niyang mangyari, ang makaalis na doon.

     Napapangiwi na lang si Katrina sa nakita. Napatulala din sina Rhian at Chynna. "Ano ba talaga kasing meron kayo at kailangan niyo pang magpaasa at manakit ng damdamin ng ibang tao." Hasik ni Katrina sa dalawa.

     Angel keep on driving. Ni hindi klaro sa kanya kung saan siya pupunta sa mga sandaling yun. Hanggang sa natagpuan na lamang ang sarili sa puntod ng ama.

     "Tay, kumusta na? Miss na miss ko na po kayo. Siyanga pala 'tay, malaki na apo niyo. Ang daldal pa at syempre matalino. Andun, naiwan siya sa London. Miss ko na nga rin siya eh." Tila ba magkaharap lang sila ng kinukuwentuhan niya. Pero wala ring tigil ang pag-agos ng kanyang mga luha.

     Gabi na ng maisipan niyang umuwi. Balik-tanaw niya sa nangyari kung paano naging sila ni Glaiza way back to five years ago. Right now, Glaiza is standing infront of her door, again.

     "Gel please mag-usap tayo. Nagmamakaawa ako sa'yo." Pagsusumamo nito.

     "Go ahead." Kaswal namang sagot nito.

     "Hon, wala kaming relasyon. Yung....yung nangyari kanina, hindi ko alam yun. Hi-hindi ko namalayan. Pero wala yun hon, please maniwala ka sa akin."

     "Can I talk now?" Tumango naman ang kaharap. "You know what, kung kayo man, ok lang naman sa akin eh, mas madali lang siguro tanggapin kung sinabi mo, sana di mo na lang ako pinaniwala at pinaasa. Ang sakit Glai. Ang sakit sakit. Pero wala naman na akong choice ngayon kundi hayaan ko na lang muna ang sakit na dulot nun. Kung hanggang kelan, hindi ko alam. At yang sinabi mong hindi mo namalayan? Wow! Hiyang-hiya naman ako sa salitang yan. Kaya pala pumikit ka habang inilalapit niya mukha niya sayo. Pero sana aware ka na may girlfriend kang Angel. At alam mo kung ano pinakamasakit? Yung kinalimutan mong may Angel ka habang kahalikan mo siya!" A furious and teary Angel suddenly opened and slammed the door. Glaiza was left behind.

     Linggo ng umaga, nagsimba si Angel kasama si Katrina at ang anak nito. "I miss Zoe." Sabay yuko at haplos sa pisngi ni Katie.

    Pasakay na sana sila sa kotse ng lapitan siya ni Chynna. "Dude, baka naman puwede mo kausapin si...si Glaiza.

     "Tapos na kami mag-usap niyan." Sagot naman nito sabay talikod ngunit lumingon din agad. "Hindi na kami mga teenager para magkaroon ng bridge para lang magkausap. I won't let my heart break into pieces again. Not with the same person." Nakatuon ang tingin niya kay Glaiza.

     Wala ng nagawa ang dalawa kundi pagmasdan na lang ang papalayong kotse.

     "She's mad. She's really mad Chyn." Napasubsob na siya sa kaibigan.
    

Love Will Lead Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon