"Manang, uuwi ho muna ako. Kayo na po muna bahala dito ha." Ani Angel kay manang.
"Oho." Sagot naman ng matanda.
She's walking on the lobby when Rhian called her attention. "Gel!" Tawag nito.
"Rhian! Akala ko di ka na darating kaya naisip kong umuwi sana muna."
"Sorry. Nagkita pa kasi kami ni Bianca eh. Ah, it's ok if you wanna go home first. Ako na lang muna magbantay kay tatay mo kasama ni manang, tutal wala naman akong taping today eh. Tsaka para makapagpahinga ka din kahit papano."
"Salamat ha. What if we'll eat first, have you eaten?" Tanong nito.
"Ok, I will join you."
Ikinuwento ni Angel ang nangyari sa tatay niya. At sa pagkukuwento niya, maluha-luha na naman siya ng sabihin niya sa kaibigan ang warning ng doktor sa kanya. Rhian tapped her shoulder. Tapos na silang kumain. Nagpaalam na ito sa kaibigan.
"Rhi, ok na sa akin na dinalaw mo si tatay. You don't need to stay here para....."
"I like what I'm doing. Isa pa I wanna help you dito kesa naman sa mga negosyo mo ako magvovolunteer. It's ok, don't worry."
Angel smiled and thanked the latter. She drove off already and Rhian took her way to go back in the room of Angel's father. Natutulog pa rin ang matandang lalake.
Nagbibihis si Glaiza ng datnan siya ni Angel. "Hi, aalis ka?"tanong nito.
"Oh, hi there honey. Uo eh, pinapatawag ako ng manager ko. May pag-uusapan daw kami." Sagot naman nito. "Kumusta na si tatay?"
"Ganun ba." Umupo siya sa sofa na parang lantang gulay. "Under observation pa rin eh, di pa nagigising mula kagabi. Umuwi lang ako para magbihis at sumaglit sa office para bilinin si Alice tas sa DIR tas balik ako sa hospital. Nakakahiya naman kay Rhian kung magtagal siya dun."
"Rhian?"
"Oo. Dumalaw siya dun and she volunteered herself para magbantay muna."
"Ah....I see." Di maipaliwanag ni Glaiza ang nararamdaman niya sa nalaman....selos? "Oh pano hon, tuloy muna ako ha. Ayaw na ayaw pa naman niya pinaghihintay yun. Pasensiya ka na ha, babawi ako, promise." At ginawaran niya ng halik si Angel. Tumango lang ang huli.
Kumilos na rin si Angel. Naligo. Nagbihis. Umalis. Matapos niyang bilinan ang mga assistants niya, dumiretso na siya sa hospital.
She's walking on the hallway when she recognized the two other faces together with Rhian....Kat and Chynna. Napansin ni Kat ang paglapit nito. "Mare," batid nito. Napalingon naman ang dalawa pang kaibigan.
"Ahm, I called them. Sorry."paumanhin ni Rhian.
"It's okay Rhi, pasensiya ka na kung ngayon lang ako nakabalik."
"Pakatatag ka dude, tsaka andito lang kami, mga baliw lang kami minsan pero pagdating sa damayan ay maaasahan naman." Ngising aso na naman ang kaibigang si Chynna.
"I'm very thankful at kayo ang mga naging kaibigan ko. Mga artista kayo pero napakahumble niyo pa rin." Sagot naman nito.
"Naman!" Wika naman ni Kat.
"Si Glaiza nga pala, asan? Di ba siya pupunta dito?" Ani Chynna.
"Kinatagpo niya manager niya. May pag-uusapan daw sila eh. Tsaka di ko rin muna pinapayagang magkasama kami."
"Ha?! Bakit naman?" Si Chynna ulit.
"Is it the blind item?" Tanong ni Rhian. Tumango lang si Angel.
"Teka teka, anong blind item na yan? May namiss na naman ba ako?" Sabat ni Katrina.
"Hilig mo kasi matulog sa pansitan eh." Asar ni Chynna sa kaibigan.
"O bakit ikaw, alam mo ba?" Ganti naman nito.
Tumingin si Chynna kay Rhian. "Ano nga ba yun?" Sabay akmang iilag siya kay Katrina ngunit nahagip pa rin ng isa ang braso nito at hinampas.
Nagtawanan silang apat. After that moment of laughters, Angel finally told them about the issue. Tumango naman ang dalawa na sinasabing naintindihan na nila kung bakit hindi muna pwede magsama ang dalawa sa publiko.
Nagdadrive si Glaiza papunta sa bahay nila. Dumating kasi ang ate niya from Bicol at doon na rin siya mag-o-overnight. Di pa pala niya nasasabi kay Angel na hindi siya makakauwi sa condo niya tonight. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot pagkaalala sa girlfriend nito.
"Manay, ano po'ng pag-uusapan natin? Biglaan ho yata.?" Tanong nito sa manager.
"Didiretsahin na kita Glaiza, are you in an affair?"
"Ho? Eh...bakit niyo po naitanong yan?"
"Don't answer me with a question. Are you having an affair to somebody that I don't know?! Yes or no lang."
"No."
"What's this?" At binuklat ng manager ang newspaper. "Ikaw lang ang alam kong artista na may ganyang tattoo."
"Wala naman ho kaming relasyon ng sinasabing lesbian ng writer na yan manay. Tsaka inala...."
"So ikaw nga yan?"
Yumuko ang dalaga at tumango.
"My goodness Glaiza, do you know if what you might lost kapag napatunayan ng mga tao yan? Eh pano na lang kung mga mukha niyo yan? And sa isang lesbian pa?! Ano bang nangyayari sayo?! Maaaring mawala o madungisan ang umuusad ng career mo! Please a, ayusin mo to habang maaga pa. Pag-isipan mo mabuti ang ginagawa mo!" Galit na galit ang kanyang manager.
Naramdaman niyang tumutulo na pala ang luha niya. Naninikip ang dibdib. Iginilid niya saglit ang kotse niya, nakasubsob siya sa manibela at dun na niya pinakawalan ng tuluyan ang mga luha.
I'm sorry if I had to deny you Angel.
Nagriring ang phone niya. Si Angel ang tumatawag. Ayaw niyang makahalata ang girlfriend nito na umiiyak siya kaya tumikhim muna siya. "Hello?"
"Hi honey, how's your meeting with your manager?"
"O-okay naman." Sagot nito. "Ahm, hon, hindi ako uuwi mamayang gabi sa condo ha, dumating kasi ang ate ko from Bicol eh dun sana ako mag overnight muna. Actually papunta na ako sa bahay ngayon."
"Ganun ba? O sige, okay lang. Yayayain pa naman sana kitang pumunta dito sa hospital, andito kasi sina Chynna at Kat. Hinahanap ka."
"Si Rhian andiyan pa?"
"Yeah, ikaw lang ang wala, but nevermind, I will tell them that you can't make it." At ibinaba na ang linya.
Bakit andun pa siya? Don't tell me hanggang bukas pa siya dun? Nagseselos ba siya kay Rhian?