Pumunta si Glaiza sa bahay ng biyenan. Eksakto namang palabas si Laurena sa gate ng maabutan siya ni Glaiza.
"Ma? Saan ho punta niyo? Bakit may dala ho kayong bag?"
"Oh, Glaiza anak. Ah, out of town?"
"Ma, nagmamakaawa ako. Alam kong alam niyo ni Rhian kung nasaan si Angel, please po sabihin niyo din naman sa akin kung nasaan ang asawa ko?" Umiiyak na ito.
Naawa naman si Laurena. Narinig ni Glaiza na may kausap ito sa phone. Pagkatapos nun, "sige anak, sumama ka na sa akin."
Sasakyan ni Laurena ang ginamit. Mahaba-haba na rin ang nilakbay nila ng maalala ni Glaiza ang lugar na yun. Bakit nga ba kasi di ko naisip kanina na maaaring nandito siya?
"Glai anak, nakikiusap ako sayo na kung puwede ipakita mo ang pinakamatatag na Glaiza sa harap ni Angel."
"Ho? Bakit ho? Ano po ba talaga nangyari Ma?"
Bago pa man siya sagutin ng biyenan, nasa tapat na sila ng bahay. Bumaba sila at dumiretso sa loob.
Nasa balcony ulit si Angel, pinakapaborito niyang parte ng bahay yun. Nakaupo si Rhian sa harap nito. Nakita ni Rhian ang papalapit na si Glaiza. Awa at lungkot ang naramdaman niya para sa hipag. "She's here. Iwan ko muna kayo." Paalam nito sa kapatid.
"Nasan si Angel? Nasan ang asawa ko Rhi?" Tanong nito ng magkasalubong sila sa may pinto. Niyakap siya ng huli at itinuro ang balcony.
Tila tumigil ang pagtibok ng puso ni Glaiza ng makita ang asawang nakaupo. "Gel?" Hinarap niya ito. "Bakit? A-akala ko ba...? Honey ano 'to? Oh God!" At napayakap na siya sa asawa.
Hinayaan lang siya ni Angel kahit nasasaktan ang katawan niya sa higpit ng yakap ng asawa. Pinilit din niyang yakapin ito. "Sssssh, hon, it's ok. I'm still here." Bulong nito.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Kelan pa? Gagaling ka pa right?"
"I miss you, sobra. Sorry ha, kung di ko sinabi sayo agad. Aaah, nung bago ang kasal natin, dun ko nalaman na bumalik ulit ang cancer ko. Nagpaiwan ako dun para magpagamot ulit pero hindi na talaga kaya eh. Kaya eto, umuwi na lang ako para makasama ko pa kayo, lalo ka na."
"Hon please lumaban ka pa. Wag mo naman ako iwan ng ganito. Kailangan kita please."
"I'm trying to fight as much as I could, kaso nakakapagod din eh."
"No, please don't say that. Aalagaan kita. Hindi kita iiwan basta lumaban ka lang Gel." Hinaplos na lamang ni Angel ang mga luha sa pisngi nito.
Isang araw, nagpahatid si Angel kay Manang Lucy sa orchidarium.
"Mom!"
"Zoe?"
Tumakbo ang bata sa ina at maingat na niyakap. "I miss you mommy!"
"I miss you too, baby."
Andrea and Dominic are standing near to them. "How are you Gel?" Si Andrea.
"Mabuti naman po. Humihinga pa." Pabiro nito.
Hapon na ng makauwi ang RASTRO sa Laguna. "Zoe?" Si Glaiza.
"Mommy Glai! Mama Rhian!" Tumakbo ang bata sa mga ito.
Kakatapos nila magdinner ng mag-anyaya si Angel sa garden. Sinamahan siya nina Glaiza at Rhian.
"Alam niyo, bagay kayo." Panimula ni Angel sa dalawa. Nagkatinginan ang mga ito.
"Rhi, you're my sister. I know you a lot. I know sinubukan mo kahit di mo sabihin."