Sa hapon ding yun, napagpasyahan ni Angel na mamasyal sa mall. Pababa sana siya sa escalator nang makasalubong niya si Rhian at Bianca. Iiwas na lang sana siya pero hinarang siya nito.
"Gel wait, please." Pakiusap ni Rhian. "Mag-usap tayo. Alam ko galit ka sa akin but if you only know the truth Gel, and it's not what you think it is." Saglit siyang tumigil dahil nadidistract siya sa mga mata ng kausap na titig na titig sa kanya.
Tinitigan lang siya ni Angel habang nagsasalita, ni isang salita wala siyang binigkas. Tumalikod na ito at humakbang palayo sa kanila.
"Angel mahal kita!" Pasigaw na sinabi ni Rhian. Napahinto naman ang kaibigan. Maging ang ilang mga tao doon ay napapalingon na sa kanila lalo na kay Rhian, dahil siguro mas kilala ang mukha niya.
"Noon pa man mahal na kita. Hanggang ngayon Angel, hanggang ngayon. Pinilit kong huwag kunsintihin ang puso ko sa nararamdaman niya sayo pero ayaw magpapigil eh. Ikaw pa rin ang mahal nito. At habang alam kong mahal kita, lalo din ako nasasaktan at nahihirapan pero hindi ako makawala-wala sa nararamdaman kong 'to. Na kahit pati si Glaiza pinilit kong agawin ang atensiyon niya para hindi na ikaw ang isipin niya para iwasan mo siya at sa akin mabaling atensiyon mo din. But I was failed. And that...that kiss you saw from us, that was a part of it dahil lamang sa pagmamahal ko sa 'yo na di mo nakikita!" Mahabang salaysay ni Rhian habang sunud-sunod ang pagpatak ng luha nito. "I'm sorry."
"Thanks for your love." Sa mga narinig niya mula kay Rhian, tanging isang mapait na ngiti ang ipinakita nito at tuluyan na siyang umalis. Wala na rin nagawa ang magkaibigan kundi pagmasdan siya palayo.
Naging tahimik ang mga nagdaang araw ng tatlo. Tahimik ngunit gulung-gulo ang mga isip.
It was the last taping of their series. Kasalan ang ending nito kaya naman kinailangan ang company ni Angel para sa artificial decorations dito. At siya na mismo gumagawa dahil walang available sa mga tauhan niya.
"Hmmmm, are you ok?" Tanong ng pinsan niya.
"Yup! Patapos na rin naman eh."
"O sige, basta pag may kailangan ka, hanapin mo lang ako." Tumango naman ito.
She was double-checking the place. Inutusan na rin ni Direk ang lahat ng casts para pumuwesto na sila. Napalingon ang lahat mula sa isang matining na boses na nagmula sa likod.
"Mommy!"
"Mommy!" Nakatayo at nakatingin kay Angel.
Angel was stunned in surprise to what she has seeing right now.
"Zoe?" Tumakbo ang bata papunta sa ina at niyakap naman ni Angel ng mahigpit. Naramdaman niyang pinunas ng maliliit na palad ang mga luha sa pisngi nito.
"Please mommy, don't cry." Niyakap niya ulit ang ina. Napatingin naman si Angel sa dako ng pinsan at katabi na ngayon ang tiyahin nito.
"Thank you." Bulong nito na naintindihan na rin ng dalawa.
"Why you never come back in London anymore?" Tanong ng anak. "Don't you miss me?"
"I do baby, I do. I missed you so much. And ah, mommy needs to work here baby, for your future."
"Sorry po. Ahm, naantala pa kayo." Hinging paumanhin nito at inakay na ang anak paalis dun.
Agad na sumunod si Glaiza sa kanila hanggang sa maunahan niya ang mga ito at huminto sa harapan nila. Pinalipat-lipat niya ang tingin sa dalawa, lumuhod ito sa harapan ng bata. Napahawak ang bata sa ina.
"It's okay baby. It's okay." Sinabi niya sa bata.
"Can I hug you?" Pamamaalam ng permiso ni Glaiza sa bata na ngayon ay lumuluha na siya. Tumango naman ang bata. Isang mahigpit na yakap din ang ginawa ni Glaiza.
"I think kailangan ka na nila dun. Mas malaya mo siya makasama mamaya kapag tapusin niyo muna yun." Wika ni Angel kay Glaiza.
"Please sabihin mo sa akin kung saan ko kayo pupuntahan mamaya." Pakiusap naman nito.
Pagkatapos ng shooting, dali-daling nagligpit si Glaiza.
"Excited?" Tanong ni Chynna.
"Sobra. Grabe ang ganda niya. Sa wakas nakita ko na rin ang anak ko, namin pala." Sagot naman nito.
Tahimik lang si Rhian. Di alam ang gagawin o sasabihin. Nagpaalam na lang siya sa kanila.
Samantala, nahanap na rin ni Glaiza ang address na ibinigay ni Angel dito.
"Hi!" Bati nito sa nagbukas ng pinto.
"Hi!" Bati naman ng malaanghel na kaharap niya ngayon, si Zoe.
Nagkukuwentuhan ang dalawa sa sofa ng lumabas si Angel mula sa kuwarto. "Oh, andiyan ka na pala."
"Gel, hindi ako titigil na humingi ng tawad sayo at kahit ilang libong beses mo ako talikuran o ipagtabuyan, hindi ako susuko."
Umiwas siya ng tingin kay Glaiza. "She knows my preference. And she knows that she has another mommy to be called. Di nga lang alam na ikaw yun. At di ko yun inilihim sa kanya."
"Ha? Talaga?" Di naman makapaniwala si Glaiza sa narinig.
"Zoe, do you wanna meet your another mommy?"
"Yes please!"
"Introduce yourself to your mommy Glaiza."
Isang malawak at matamis na ngiti ang isinalubong ng bata kay Glaiza. "Hello mommy Glaiza, I am Zoe Althea Galura Zamora."
Naluha si Glaiza sa mga narinig mula sa dalawa. Niyakap niya ang bata at tiningala si Angel. Mula noon, naging mas malapit silang tatlo ngunit walang balikan na nagaganap pa rin sa dalawa. Ginagawa nila yun para sa bata.
Masaya silang naglalarong tatlo ng may hiniling ang bata sa kanila. "Mommy Glaiza, can you just stay here permanently with mommy Gel?"
Nagkatinginan naman ang dalawa. "Please mommy?" Hirit pa nito.
"Anak, she can't stay here." Sagot ni Angel.
"But why?"
"Because there are things that are not meant to happen baby."
"You love each other right? How come it can't? I don't want you to be alone here when I go home." Umikyak na ang bata.
"Zoe, mommy will not gonna be alone okay?"
"Mommy please?" Pagsusumamo niya ulit ito. Niyakap na lang siya ng ina at napaiyak na din.
