One month later....sa London.
"Are you ready?" Rhian's asking Glaiza wearing her wedding dress.
"Yeah. God Rhi, di pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako sa taong pinakamamahal ko."
"Well, you have to. Such a lucky you are. Let's go? Kanina pa sila sa loob." Anyaya nito.
Maluha-luha si Angel habang tinitingnan ang papalapit na nakatrahe de boda. God, she's really beautiful. She's carrying the most beautiful creature on earth.
Natapos ang seremonya na masaya ang lahat lalo na ang bagong kasal.
Nairaos nila ito na mapayapa.Kasalukuyan silang nagkakape lahat sa balcony ng mga Zapata ng nagtanong si Andrea sa mag-asawa. "So, what's your plan now, the two of you?"
"Aah, well, Glaiza will still be in showbiz, sayang naman ang team up nila ng kapatid ko. Isa na sa pinakamainit na team sa pinas na yun. Tsaka maganda na yung career niya. Then, ako naman, dating gawi. Business-writing-family." Ani Angel sa tiyahin. "At patapusin ko lang si Zoe ng school niya this year then kunin ko na siya sa Pinas." Dagdag pa nito.
Bigla namang nalungkot ang tiyahin.
"Ma, we will call you regularly ok? Napakalaki po ng utang na loob ko sa inyo para sa anak ko."
"I understand anak, nalulungkot lang ako kasi wala na akong kakuwentuhan lalo na sa gabi." At nagtawanan ang lahat.
"Mommy, I'm tired." Zoe whispered to Angel.
"Ahm guys, I need to put Zoe to sleep now. Say goodnight to everyone baby." At sumunod naman ang bata. Matapos niya mapatulog ay tumungo na siya sa kuwarto nila ni Glaiza.
"Hon, andiyan ka na pala. Tulog na siya?" Tanong ni Glaiza.
"Oo, kailangan mo kasing kantahan muna siya para makatulog. Bakit parang malungkot ka hon, nagsisisi ka ba?" Tanong nito.
"No! No! Kahit kailan hindi ko pinagsisisihan to. Ginusto ko to ng bukal sa loob at buong pagmamahal hon. Medyo sad lang ako kasi di tayo magsasabay uuwi. I still need to wait for atleast a month para makasama kita dun."
"Hon, mabilis lang ang araw. Isa pa, kailangan kong asikasuhin kasi ang papers ni Zoe eh. Tas ikaw kailangan mo ring ipagpatuloy trabaho mo. Salamat na lang sa Diyos at nanatiling tahimik ang relasyon natin." Nilapitan niya ang maluha-luha nang kabiyak.
"Just promise me one thing Gel, babalik ka."
"I promise. Mangako ka din, hihintayin mo ako." Then, they shared the very passionate kiss until they both lying on the bed already. Taking each others clothes off. They shared the love that only the two of them belongs and owns it.
"I love you Gel."
"I love you too, Glai."
Nakatulog na si Angel pero si Glaiza gising na gising pa rin. Di niya mawari ang nararamdaman. Kinakabahan na natatakot na ewan. Ayaw niyang malayo sa taong pinakamamahal niya. Tinititigan niya lang si Gel hanggang sa maramdaman na lang niyang lumuluha na ito.
"Gel, i love you so much. I can not put into words if how much I love you. I need you. And I wanna be with you always. I can't imagine myself living in a day without you." Hinalikan niya ang noo nito.
Lumabas muna siya at nagtungo sa balcony ng may maaninagan siyang nakaupo sa garden. Rhian?
"Oh Glai, di ka rin makatulog?" Tanong ni Rhian ng makita niyang nakatayo si Glaiza sa balcony. Di rin kasi siya makatulog dahil sa nakita niya kanina sa kuwarto ng kapatid. Ayaw naman sana niyang tingnan at pakialaman kanina pero nacurious siya dahil sa nabasa niyang STAGE 4. "C'mon down here."
Nakarami na sila ng kuwento ng makita sila ni Angel. Lumapit siya sa kanila. "Sige tawa pa. Kung makatawa kayo parang kayo lang tao noh?"
"Uy, brother este sister, gising ka din? Don't tell me zombie ka din?" Pagbibiro ni Rhian na nakangiti pa rin.
"Baliw! Zombie ka diyan. Matagal na akong zombie." Biro naman nito sabay upo sa tabi ni Glaiza. Inakbayan niya ito.
"Matagal na? Kelan pa?" Si Glaiza.
"Nung hindi pa uso ang tao." Sabay halakhak. Napuno ng halakhak ang garden.
"Glai, Gel, pano ang arrangements ng schedule niyo pag nasa Pinas na kayo pareho?" Si Rhian.
"Eh di magsasama, problema ba yun?" Sabay ngiti si Glaiza.
"I know naman yun eh, but are you gonna show to public as couple?"
Napatingin naman si Glaiza kay Angel.
"I have an idea. Hangga't buo ang RASTRO, magiging alalay ako ni Glaiza para pareho ko pa rin kayong makakasama. My sister and my wife." Tumawa pa ito.
"Oh, I'd love that idea." Rhian said.
"Pwede bang kaibigan na lang?" Protesta naman ni Glaiza. At yun nga ang nangyari.
Saglit na nagpaalam si Glaiza para magbanyo. Pagkatalikod nito, hinarap ni Rhian ang kapatid.
"Gel, tell me the truth, bakit ka magpapaiwan dito ng ilang araw?"
"Aasikasuhin ko nga ang papers ni Zoe." Di niya maidiretso ang tingin dito.
"That's it?" Hindi siya kumbinsido sa kapatid. Tiningnan niya ito.
"Okay, okay. I will try AGAIN to undergo chemotherapy baka sakaling madugtugan pa ulit buhay ko gaya nung una." Garalgal na ang boses nito.
"So, you mean nagkaroon ka na dati?" Rhian looking at her sister.
"Yes. Pagpanganak ko kay Zoe, I found out na may lung cancer din ako. I don't smoke but either nakuha ko daw sa mga naninigarilyong nakasalamuha ko. And you know naman di ba, not to blame him." Tinutukoy niya ang ama.
"Does she know?" Si Glaiza ang tinutukoy ni Rhian. Umiling naman ang kapatid. "Then until kelan mo itatago?"
"I don't know. Rhi, promise me please?" Nakikiusap ang kapatid. "Promise me na kapag di na talaga kaya, tulungan mo sanang alagaan at palakihin ng maayos ni Glaiza si Zoe. Alagaan mo din si Glaiza."
"Please don't say that Gel. Gagaling ka pa." Niyakap nito ang kapatid para di na makita pa nito ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
"Uy, pumasok na nga kayo dito. Umaga na di pa tayo natutulog." Si Glaiza. Sumunod naman ang dalawa.
"Hon, umiiyak ka?" Tanong ni Glaiza ng makapasok na sila sa kuwarto. Imbes na sagutin niya ito, niyakap niya ang asawa ng mahigpit. And after that, they made love again for the second time around. And this time, mas mapusok. Mas mainit. Mas palaban. Kapwa sila nakatulog agad pagkatapos.
Araw na ng pagbalik nila sa Pilipinas.
"Zoe, are you okay baby?" Glaiza asked as she noticed her peeping at the door. "Come here. Come to mommy." At pumasok naman ang bata."Please mommy Glai, take care of my mom."
"I promise baby. And, I will also take care of you when you'll be staying with us after your school."
Napangiti ang bata at niyakap ang isang ina niya.