Kabanata 7

501 17 0
                                    

Tapos nang kumain sina direk at Glaiza pero di pa rin bumabalik si Rhian. "Bakit antagal bumalik ni Rhian?" Puna ni Angel.

"Uo nga. Noh kaya nangyari dun?" Tanong din ni Glaiza.

"Baka naiflush na." Sabat naman ni direk at naghalakhakan ang tatlo.

Pretending is one of the hardest thing to do, but I have to, for the sake of our friendship. Kakayanin ko....kahit gaano pa kasakit. Ganyan kita kamahal Gel.....isip ni Rhian.

"I'll go ahead kuya, hon. May event kami tonight kaya I need to settle everything that we need before we will go to the event para mag-ayos dun." Pamamaalam ni Angel.

"Ah, sige bunso. Salamat dito ha."

"Okay po and please drive safely. May pagkakaskasera ka pa naman sa pagmamaneho." Ani Glaiza sabay halik sa pisngi nito.

"Opo kamahalan. Pakisabi na lang kay Rhian na nauna na ako. Antagal niya eh."

Tumango naman ang dalawa at umalis na siya. Saka naman dumating si Rhian. "Whe...where is she?"

"She went off already. May event daw kasi sila ngayong gabi kaya she needs to be in her office early." Sagot ni Glaiza. Tumango-tango na lang si Rhian na may halong lungkot.

It's weekend...walang taping ang mga artistang kaibigan ni Angel. Wala din siyang event na i-o-organize ngayon kaya sa DIR siya pumasok. Dinaanan niya si Glaiza para pumunta sa DIR.

Magkaholding hands na pumasok ang dalawa sa resto. "Aba! Aba! Ano yan ha? May glue ba mga kamay niyo at magkadikit mga yan ha?" Si Chynna ang nakapuna sa kanila.

"Uy, andito na pala kayo?" Si Angel.

"Kanina pa." Sagot naman ni Kat. Kasama ni Kat ang anak niya, si Katie.

"Si Rhi wala pa?" Si Angel ulit.

"Dami mo nang tanong di mo pa sinasagot tanong ko, ano na, kayo na?" Ngising tanong ulit ni Chynna.

"Andito na sya." Sabi nila Kat na nakatingin sa main door. Dumating na si Rhian.

"Hi!" Bati niya sa mga ito. "Hi Lovebirds." Nakatingin siya kina Angel at Glaiza. Ngumiti naman ang dalawa sa kanya.

"Ayun. Yun yun eh. Yun nga yung sagot." Sabi naman ni Chynna.

Sa di kalayuang lamesa, may nakakarinig sa usapan ng magkakaibigan. Isang entertainment writer sa isang diyaryo. At malinaw na malinaw sa pandinig niya ang pagtawag nila ng lovebirds sa dalawa.

Samantala, aliw na aliw namang nakikipag-baby talk si Glaiza at Chynna sa mga tsikiting. "Ampunin ko nga tong si Katie." Ani Glaiza sabay tingin kay Kat.

"Ano?! Pakiulit?!" Dilat ang mga mata ni Kat na tumingin dito. "Kung gusto mo din lang mag-ampon, magpabuntis ka na lang."

"What???!!! Are you nuts?! Pabuntis ka diyan. Ano yun, manghihila na lang ako ng lalake tas boom na tas boom ulit dahil buntis na?!" sagot naman ni Glaiza. Nagtawanan naman ang tatlo.

"Shunga! Sa sex ka lang ba mabubuntis?! Maghanap ka ng sperm bank tas pa-inject. Uso na yun ngayon ano. Kung gusto mo ng mestiso o moreno pwede rin." Paliwanag ni Kat.

"Sabagay may point ka dun. Kaso I can't be pregnant now ano. Tsaka takot ako magbuntis." Sagot naman ni Glaiza.

Pansin naman ni Chynna ang katahimikan ni Rhian. "Hoy! Anong petsa na di pa kita naririnig magsalita diyan. Kung tumawa ka tipid pa. Nakakapanibago ka na a. Okay ka lang?"

"Hmmmm? Uo naman, ok lang ako."

"Weeeeh! Mukha mo! Kilala ka namin uy! Joker lang ako pero ikaw ang pikamadaldal sa grupo. Anong problema?" Tanong ulit ni Chynna.

"Wala. Okay nga lang ako. CR Lang ako." At tumayo na siya.

"Anyare dun?" sabi ni Angel. Nagkibit-balikat naman ang tatlo.

Sinundan ni Angel si Rhian sa restroom. Naabutan niyang nakatingin lang si Rhian sa salamin. Bakas ang lungkot sa mukha nito. "Enship, what's wrong? May problema ba?"

"Enship!" Gulat siya. "Ahm wala. Ok lang ako. Don't worry about me. Tara balik na tayo dun." Pero pinigilan siya ni Angel sa braso.

"Is it Jayson?"

Yumuko ang kaibigan. Hinawakan ni Angel ang baba nito at iniangat. She looked straight into her eyes. Sa ginagawa ng kaibigan niya ngayon, lalo lang siya nasasaktan pero kahit sa pagkakataong yun ay maranasan niya ang mga yun mula kay Angel. "Rhi?" Ani Angel. Tumango na lang si Rhian.

"How to break with him na hindi siya magwawala o mananakit ng tao?" Hikbi niya sa kaibigan.

"Mananakit? Ganun na ba siya kapossessive para magawa niya yun? Have you tried to talked to him regarding with that?"

"Yap! And he refused to let me go. Gel, I can't stay longer with him anymore. Nananakit na siya eh."

"Is he hurting you?"

At humagulgol na siya. Niyakap niya ang kaibigan. "I don't know if what would be the right or exact words that I am going to say but, I'm just here enship. Don't just keep quiet."

How can I go near or run to you kung busy ka naman kay Glaiza? How can I cry to you kung ikaw ang dahilan ng sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon?

Pagbalik nila sa mga kaibigan ay di rin nagtagal at nagkayayaan na silang umuwi. Sabay-sabay silang lumabas at hindi na nakaligtas sa kolumnista ang holding hands nina Angel at Glaiza.

BINGO!!!!! Bulong pa nito.

Dumaan muna sa park ang magkasintahan. Nakaupo sila nang makita ang isang mag-ina. "Hon, what if gawin natin yung sinabi ni Kat?" ani Glaiza na nakatingin sa mag-ina. Napalingon din si Angel dun.

"Then who's gonna carry the child?" Tanong naman nito.

Tinitigan siya ni Glaiza na para bang sinasabing ikaw na. Iniiwas naman ni Angel ang tingin sa kanya. "In one condition." Sambit nito. Napalingon ulit siya kay Glaiza. "Stay with me in the house, KUNG gusto mo lang naman. But if not, ok lang din sa akin. Since hindi ka puwede magbuntis dahil nga artista ka, dahil takot ka pero you want a baby, ok, I will take the risk....for you...for our future baby."

Singlawak ng dagat na yata ang ngiti ni Glaiza. "Talaga?"

Tumango si Angel at niyakap ang huli.

Love Will Lead Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon