Kabanata 9

484 16 0
                                    

Nadatnan ni Angel si Manang Lucy na nakaupo sa labas ng kuwarto. "Manang." Tawag ng dalaga dito. "Kumusta na ho siya?" Eksakto namang lalabas ng kuwarto ang doktor.

"Doc, how is he?

"He's still under observation. Kalat na ang tumor cells sa katawan niya kung kaya't huminto ang pag-function ng lungs niya at naaapektuhan din ang heart niya. And I'm not promising you na babalik pa ang dating lakas niya. I'm afraid to say this but....just be prepared." Paliwanag ng doktor. "Excuse me Miss Zamora, I still need to roam my other patients."at tumalikod na ito.

"Salamat ho."

Sa narinig ni Angel, daig pa niya ang binagsakan ng langit. Bahagya siyang sumilip sa maliit na salamin sa may pintuan.

Pagpasok niya sa kuwarto ng ama, mga machines ang una niyang pinagmasdan. Kung para san yun? Para saan to? Hanggang kelan gagamitin to ng tatay niya? Sinundan niya bawat kable ng mga machines hanggang sa huminto ang mga mata niya sa himbing na himbing na ama. Naramdaman niyang may mainit na tubig na kumawala sa kanyang mga mata. Dahan-dahan siyang umupo at maingat na hinawakan ang kamay ng ama.

"Tay, please lumaban ka muna. Hindi pa ako handa eh. Gusto pa kitang makasama. Kailangan pa kita 'tay." At tuluyan na siyang humagulgol. Dun lang siya umupo sa tabi ng ama hanggang sa nakaidlip na ito.

Napamulat siya ng maramdaman niyang may humawi sa hibla ng buhok sa kanyang pisngi. "Kuya?" At yumakap siya ng mahigpit sa pinsan niya.

"Kumusta siya? Anong sabi ng doktor?" Tanong nito. Sinabi naman ni Angel ang sinabi ng doktor sa kanya kanina.

"Ssssshh, tahan na. Gagaling pa siya. Manalig lang tayo ok?" Alo ng pinsan niya. "Tinawagan ko nga pala si Mama, I told her what happened, sabi niya kukuha daw siya ng soonest flight para makapunta siya dito."

"Thank you kuya. Sorry kung naistorbo pa kita. Lam ko namang busy ka sa mga shinoshoot mong series. Glaiza told you?" Tanong nito. Tumango naman ang huli.

Samantala, nagtetext si Rhian kay Angel kanina pa pero ni isa ay wala man lang nireplyan ang huli sa mga txts niya. Idinial niya ang number nito.

"Excuse me lang po, I'll just take this call." Paalam niya sa pinsan at lumabas siya ng kuwarto.

"Hello enship, ahm, am I disturbing you? Kanina pa ako nagtetext sayo pero di ka naman nagrereply. Ok ka lang ba?" Tanong ni Rhian.

"Sorry enship a, medyo busy ako kanina. Andito kasi ako sa hospital eh, naconfine si tatay. Pasensiya ka na. Ok lang ako don't worry." Paliwanag nito sa kaibigan.

"Saang hospital yan? Gusto mo puntahan kita diyan?"

"Dito sa MMC. Malayo ka dito tsaka gabi na noh. Bukas ka na lang pumunta kung gusto mo."

"Ok bukas punta ako diyan."

She has an incoming call...Glaiza waiting....

"Ahm, enship, I need to go now. Tumatawag si Glai eh. Sasagutin ko lang." Di pa man nakakasagot si Rhian ay pinutol niya na ang line ni Rhian.

Nakaramdam ng kirot sa puso si Rhian. Naguguluhan siya. Nag-aalala at natatakot sa puwedeng mangyari sa gagawin niya. She needs someone to talk to. Someone to listen. Tinext niya ang bestfriend niyang si Bianca.

"Bestie, anong pag-uusapan natin?" Tanong ni Bianca sa kaharap niyang si Rhian. Nakaupo sila sa garden. "Mukhang problemado ka na ewan, are you ok?"

Pilit ang ngiti ni Rhian. "Bestie, I don't know if how to begin with." Bakas ang pagkalito sa mukha ni Rhian. Maluha-luha.

"One by one, com'on, tell me. I will listen."

"I wanna end my relationship with Jayson but....but whenever I tried, he always refused. Lagi niyang tinatanong kung sino ang ipinalit kp sa kanya? At ang ikinakatakot ko is lagi siya nagbabanta na kesyo alam ko daw kung ano ang kaya niyang gawin."

"Haaay, nung una pa lang sinabihan na kita, ka namin ni Angel, pero di ka nakinig. O di tama ako na ipepreso mo lang ang sarili mo sa isang kulungan o selda na walang pinto kundi mga nakakatakot na salita o banta." Sermon ng kaibigan. "Anong isinasagot mo kapag tinatanong niya kung sino ipinalit mo?"

Umiling ito. "I don't wanna put her life in danger bestie."

"Wait! Wait! Wait! So, meron nga. At HER kamo?"

Tumango lang ito.

"Da who?"

Tinitigan niya ang kaibigan.

"Trust me Rhi."

"Si Angel."

Lingid sa kaalaman ng dalawa, may isang taong nakatayo sa di kalayuan na natatakpan ng mga makakapal at matatayog na halaman. At dinig na dinig niya ang usapan ng dalawa - si Jayson. Pagkarinig niya sa pangalan ni Angel, lumakad na ito at umalis. Humanda kang tomboy ka! At ikinuyom ang mga palad nito.

"Oh my! Seryoso ka? Kelan pa? Baka naman nadadala ka lang kasi magkaibigan kayo? Pag-aralan mo muna yang feelings mo for her bestie." Sabay higop ng kape. "Kung yang pakikipaghiwalay mo kay Jayson, aba, suportado ako diyan dahil ako man din, ramdam kong nahihirapan ka na."

"Sigurado ako sa feelings ko kay Angel Bestie. Matagal ko ng pinag-aralan to. Lahat na yata ng equation sa math eh nagamit ko na pero yin at yun pa rin ang sagot eh." Biro pa nito na ikinahalakhak naman ng kaibigan.

"Loka-loka! Anyway, regarding sa love mo na yan sa kanya, I'm not against with it. I understand, syempre tao ka lang. Does she know?"

"No! May Glaiza na siya eh."

"Ha?! You mean, Glaiza de Castro? Yung co-star mo sa series mo ngayon?" Gulat na tanong nito.

Tumango si Rhian. "Dun nga sila mas naging close eh. Hanggang sa naging sila na at two months na pala sila nung nalaman ko na. Ang sakit Bestie. Ang hirap magkunwari na okay lang ako kahit hindi kapag kasama ko sila. Ang sakit na di man lang ako makapagreklamo sa time na ibinibigay ni Angel sa akin kasi mula nung naging sila, halos 1/4 na lang ng time niya naibibigay nya sa akin eh. Nahihirapan na nga ako sa sitwasyon ko kay Jayson. Mas nahihirapan ako sa pagkukunwari ko sa amin ni Angel." At humagulgol na ito. Tumayo naman si Bianca para yakapin ito.

"Anong plano mo na ngayon?" Tanong ni Bianca.

"Makikipaghiwalay na talaga ako kay Jayson sa ayaw at sa gusto niya. At pag nagawa ko na yun, saka ko na iisipin ang sa amin ni Angel. All I want to do now is to get out from that hell of relationship!"

"Kailangan ko nga pala pumunta ng hospital ngayon." Ani Rhian.

"Hospital? Sinong nasa hospital?"

"Tatay ni Angel. I told her last night na pupunta ako dun today. Sama ka?"

"Ahm, may taping ako mamaya bestie eh, gustuhin ko man."

"No problem. I'll just go on my own." Sagot nito at gumayak na sila pareho.

Love Will Lead Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon