"Glaiza? Anong ibig sabihin nito anak?" Bungad ng ina niya na sumalubong sa lumuluhang anak.
"Ito ho ang desisyon ko 'nay." At yumakap na siya sa ina.
Tulalang Angel ang nadatnan ni Rhian sa hospital. "Enship, ok ka lang? Nakatulala ka diyan."
"Pano na ako kung mawala si tatay? Pano na kami?" Ito ang mga katagang lumabas sa bibig nito.
"Kami? Bakit, andiyan naman si Glaiza, tsaka kami, si Direk, you don't have to worry about being alone enship coz you know you'll never gonna be alone. A lot of people around you. Maraming nagmamahal sayo."
"Buntis ako." Pabulong ngunit malinaw sa pandinig ni Rhian ang sinabi nito.
"B-buntis ka?"
Tumango naman si Angel na nakatingin sa mukha ng amang natutulog.
"Alam na ni Glai?"
"Hindi...wala na akong balak sabihin pa sa kanya."
Naguguluhan naman si Rhian sa sinabi ng kaibigan. "Ha?!"
"She left me already. Kagabi pa." At pinahid niya ang luhang tumulo sa pisngi niya.
"P-pero bakit? Anyare?!"
"Siya na lang tanungin mo." Sagot nito.
Nalulungkot naman si Rhian sa nakikitang kalungkutan ng kaibigan. Awa at paghanga ang nararamdaman niya dito.
Linggo ng hapon, pinakiusapan ni Angel ang tiyahin niya na siya muna ang magbantay sa ama habang nasa presscon siya kung saan andun din ang pinsan nito.
Halos nandun na lahat ng casts at staffs ng gagawing serye. Pagpasok niya sa loob, binati siya ng mga nandun. Actually, wala siyang idea kung sinu-sino ang final casts na gaganap sa serye. Napahinto siya sa dakong gitna ng makita niya ang mukhang nakatingin sa kanya....kasali pala si Glaiza..
Nginitian niya ang bawat nandun. Umupo siya sa tabi ng pinsan niya na pagitan lang nila ni Glaiza. Isa na lang ang wala pa, ang bida. Nakatingin siya sa celphone niya ng...
"Sorry po I'm late." Boses ni Rhian.
Nagsalubong ang mga mata nila at nagngitian, di naman nakaligtas yun kay Glaiza. Nakaramdam siya ng inggit at selos.
Si Rhian ang ipinalit kay Marian Rivera dahil huli na ng malaman na buntis si Marian. At si Rhian ang napagkasunduan ng network na ipalit dito.
Nasa kalagitnaan ng explanation si Angel sa lahat ng may kinausap ang pinsan niya sa phone. "Excuse me po sa lahat." Pakiusap ng pinsan niya sa kanila at humarap siya kay Angel. Hinawakan niya ang kamay ng pinsan na tila ba may gustong sabihin. Nakatingin naman ang lahat sa kanila.
"What?" Gulat at nag-aalalang tanong nito at di yun lingid sa paningin nina Glaiza at Rhian na nakaharap sa dako niya. "Ano?!" Tanong niya ulit sa pinsan.
"Promise me you'll be ok. Tumawag si mama."
"Tapos?" Saglit na nagkatitigan ang dalawa. Niyakap siya ng pinsan ngunit kumawala din ito. "Si tatay?"
Tumango ang pinsan. Tumulo ang luha ni Angel. "You wanna go there now?" Tanong nito.
Tumango siya. "Buhay pa naman siya di ba?" Tanong niya sa nanginginig at garalgal na boses. Halos di na makahinga.
"I'm afraid to say....no." sagot ng pinsan niya. Pagkarinig nun ay parang binuksang gripo ang kanyang mga mata na tila wala ng tigil sa pagbuhos ng kanyang mga luha.
"No.....no!!!" At agad siyang tumayo....lumabas...lakad-takbo ang ginawa niya sa hallway.
"I'll follow her. I can drive her to get into the hospital." Pagboboluntaryo ni Rhian.
"Sama ako." Banggit ni Glaiza. At sumunod na ang dalawa kay Angel na ngayon ay nakayuko at yakap-yakap ang mga tuhod nito.
Humingi naman ng paumanhin si Direk sa mga kasamahan. Nakatitigan niya ang isang cast, ang magiging ina ni Rhian sa series na to, si Laurena Rodriguez....ang ina ni Angel. Lingid sa kaalaman ni Laurena na anak niya ang writer ng series na kabibilangan niya.
"Enship, let's go. Ipagdadrive kita." At inakay niya ang kaibigan. Hindi na rin pinagkaabalahang kilalanin ni Angel ang isa pang kasama nila. Si Glaiza.
Magkayakap at umiiyak sina Andrea at Manang Lucy. "Angelique sweetheart." Ani Andrea sa naghihinagpis na pamangkin.
Napahinto si Angel sa pintuan ng mabungaran niya ang nakabuklat na puting kumot sa higaan ng ama. Pakiramdam niya binuhusan siya ng timba-timbang yelo sa mga sandaling yun. Pero kailangan niyang lapitan yun para tingnan ang nababalutan ng puting tela na yun. Tumambad sa paningin niya ang maamong mukha ng ama.
"Tay?" Nakatingin lang ang lahat ng nandun sa kanya. Lahat lumuluha.
"Tatay please wake up! Andito na po ako. Tatay!!!" niyuyugyog niya ang balikat ng ama.
"Tay naman eh! Sabi niyo walang iwanan. Please look at me! Talk to me! Kahit ngayon na lang pleeeaaasee!!!!" napasubsob na siya sa ama. "
"Bakit ngayon pa tatay? Bakit ngayon kung kelan kailangan na kailangan ko kayo????"
Luha at hikbi ang umokupa sa kuwartong yun ng mga sandaling yun.
Limang araw na ibinurol ang labi ng ama. Hiningian si Angel ng pagkakataong makapagsalita. Sa kalagitnaan ng eulogy niya, bumuhos ang luha ng mga taong nandun nang ikuwento niya ang ibang karanasan niya kasama ng ama.
"Tay, sana tulungan mo akong mawala ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa totoo lang, ang sakit sakit na po." Halos magbreakdown siya sa harapan ng mga sandaling yun dahil sa sobrang panghihina, dala na rin siguro ng paglilihi niya. Pero kailangan niyang manatiling nakatayo, matatag, kailangan niyang lumaban at magpatuloy para sa magiging anak.
Inakay siya nina Direk at Rhian upang makabalik sa upuan nito.
A helpless and jealous Glaiza, who's sitting behind Angel, together with Chynna and Katrina. There's a guilt in her part. Nasasaktan siya sa nakikitang closeness ng dalawa. Nasasaktan siya dahil siya dapat ang gumagawa nun kay Angel. At mas nasasaktan siya sa isiping magkaroon ang dalawa ng higit pa sa pagiging magkaibigan.
Bukod kay Glaiza, may isa pang nasasaktan sa nakikita. Nasasaktan na may halong poot at pagbabanta.....si Jayson.