Kabanata 6

563 20 0
                                    

Sa narinig ni Gel mula sa taong dahilan kung bakit nagmamahal ulit ang kanyang puso, agad siyang napayakap sa taong kaharap niya ngayon. Yakap ng pananabik. Yakap na nagpapahiwatig na akin ka lang. Yakap na tila idinuduyan sa mga panahong yun.

Maging si Glaiza ay ayaw niyang bitawan o pakawalan siya ng mga bisig na nakapulupot ngayon sa kanya. Damang-dama niya ang init ng katawan ng kayakap. Ramdam na ramdam niya ang animo'y mga tugtog ng tambol ang bawat tibok ng kanilang mga puso.

"I can't believe this is happening." Bulong ni Angel habang tinititigan ang babaeng minamahal na para bang isinasaulo ang pigura ng mukha nito. Hanggang sa huminto ang kanyang mga mata sa labi ng kasintahan. Saglit siyang tumingin sa mga mata ni Glaiza na tila parang nanunudyo din kay Angel. Dahan-dahang inilapit ni Angel ang mukha kay Glaiza hanggang sa napapikit na rin si Glaiza at tuluyan ng magkalapat ang kanilang mga labi. Maingat ngunit madiin ang ginawang paghalik ni Angel kay Glaiza. Napahawak naman si Glaiza sa batok ng kasintahan dahilan para lalong madiin ang halik na iginagawad ni Angel dito. Kapwa habol hininga ang dalawa pagkatapos ng una at matamis na halik nilang iyon.

"Nahanap mo na susi mo?" Bulong ni Glaiza habang magkadikit pa rin ang kanilang mga noo.

"Oh, I'm sorry I forgot already. I..I will find again so that we can go in now." Aniya dito.

And then she found it. "Lend me the key, I'll open it." Glaiza uttered. Then they went inside.

"Upo ka muna diyan. I'll just make myself comfortable." Paalam nito kay Glaiza at pumasok na siya sa banyo para maligo.

Umupo naman ang huli sa sofa. Parang di pa rin siya makapaniwala sa nangyari. That hug...that deep and warm kiss. Hindi biro ang pinasok ni Glaiza. She's a public figure and she starts to worry now that what if malaman to ng industriyang kinabibilangan niya? I'm sure pagpipiyestahan siya ng tsismis. Pano niya sasagutin o haharapin ang lahat pag nagkataon? Pano mga fans niya? Pano pamilya niya? Lahat ng yan sumagi sa isip ni Glaiza sa mga oras na yun. Ah, bahala na. Ngayon lang ako nagmahal ng ganito and I won't let a single moment to pass me by that in the end I will just regret it. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Gel....

"I'm done. Ah, coffee?" Angel asked. Tumango naman ang girlfriend nito.

"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo, may problema ba? Do you regret?" Usal ni Gel at hinawakan ng mahinhin ang kamay ni Glaiza.

Eto na naman ang kuryenteng nananalaytay sa mga ugat ko Lord...."Ah eh, wala. Marami lang pumapasok na scenarios sa utak ko but I'm fine, don't worry. Kaya ko 'to." Sagot naman nito.

Lalong tumabi si Gel kay Glaiza habang hawak na niya ngayon ang dalawang palad nito at tinititigan sa mga mata. "I want you to know that no matter what may come into our ways, I will always be by your side. If I need to act and pretend as your friend, I will, para lang hindi malagay sa alanganin ang career mo." Sabay halik sa mga palad ng katipan.

"Thank you at nauunawaan mo ako. Hindi ko pa man sinasabi pero alam mo na kung ano ang gumugulo sa akin. Are you a fortuner?" Sabay tawa nito.

"The hell no, I'm not," at napahalakhak na rin ito. "Soulmates tayo siguro ahehehe."

"Can you promise me one thing?" Glaiza is looking directly into Angel's eyes.

"Anything honey." Sagot naman ni Angel.

"Promise me na hindi mo ako iiwan o bibitawan kung sakali mang mangyari ang kinatatakutan ko."

"I promise I won't."sabay patong ang mga kamay ni Glaiza sa dibdib nito. "We can only survive in this relationship if we'll hold on and work together." Dugtong pa nito.

At least by those words from Angel, her fear lessen, somehow. "Kailangan ko nang umuwi. Gabi na at maaga pa taping ko bukas." Paalam niya sa kasintahan.

"Ok, you want me to fetch you home?" Tanong nito.

"No need. I have my car. Tsaka pahinga ka na rin ok? I'll call you as soon as I get home." At tumayo na ito.

Niyakap ulit siya ni Angel at muling pinagsaluhan ang isa na namang matamis na halik.

At gaya nga ng sinabi ni Glaiza, tinawagan niya si Angel right after niya nakarating sa bahay nila. Then they said goodnight to each other.

Naging maingat sina Angel at Glaiza sa publiko at mga mata ng tao kapag magkasama sila. Not even of their friends have an idea between them. Si direk Dom lang.

Nagdala ng breakfast si Angel sa set. "Hi, can I come in?" Tanong niya sa mga nasa loob ng tent. Si Direk at si Glaiza lang nandun. Two months na rin ang relasyon nila.

"Bunso." Bati ng pinsan nito sabay yakap. "Kasali ba ako diyan?" Sabay nguso sa bitbit ng pinsan.

"Huo naman kuya. Kakaligtaan ba naman kita."

"Kuha lang ako tubig sa labas." Paalam nito sa magkasintahan at lumabas na ito.

"Hmmm, i miss you honey." Sabay yakap kay Glaiza. "I brought your favorite breakfast."

"Kaya naman lalo ako naiinlove sayo eh dahil napakacaring mo." Sagot ni Glaiza.

They were in a position of holding hands each other at akmang hahalikan ni Angel si Glaiza nang biglang may pumasok.

"Glai? Enship?" Gulat na tawag ni Rhian. "What does this mean?"

Bigla namang napakalas ang dalawa sa pagkakahawak ngunit nakita na ni Rhian at kahit di pa man niya naririnig mula sa kanila ay alam na niya kung anong meron sa dalawa.

"Enship, ahm, kami na." Sabay ngiti ni Angel na tumingin kay Glaiza. Nakangiti rin kay Angel ang huli.

"Oh really? Congrats! Finally enship. I'm happy to both of you. Teka, kelan pa? Bakit antahimik niyo yata?" Tanong nito at sabay niyang niyakap ang dalawa. Group hug. Pero sa mga oras na yun, daig pa niya ang pinagsakluban ng langit at lupa. Pakiramdam niya napupunit ng maliliit na retaso ang puso niya na kahit pinakamagaling yata na sastre ay di na maibabalik pa sa ayos ang puso nito.

"Ahm, punta lang ako CR."at lumabas na ito. Doon niya pinakawalan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Ganito pala kasakit.....

Love Will Lead Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon