Kabanata 30

717 19 4
                                    

Maaga pa lang, abala na ang lahat sa paghahanda para sa picnic ng buong pamiya ng Galura, Ramos at Zamora.

Si Glaiza naman, di maiwanan si Angel na nakahiga na lang, tulog pa rin.

"Can I come in mommy?" Zoe asked.

"Sure baby, come in." Glaiza answered.

Nagpakandong siya para mas mahawakan niya ang natutulog na ina. Kinausap niya ito.

"Mommy, I know you're fighting too much already. Are you tired now?" She paused for awhile, wiping her tears. Tahimik lang din si Glaiza. They were in that position when Rhian entered the room.

"Still sleeping?" She asked. Tumango lang si Glaiza. Hinaplos niya ang noo ng kapatid, yumuko, "gising na, magpipicnic pa tayo."

"Uo nga naman Gel, naghanda sila ng para sa picnic, tsaka andito kami lahat ngayon." Si Glaiza.

Parang makina ng sasakyan si Angel na sa ilang tangka mong paandarin ay umandar din ito. She slowly opened her eyes, trying her best to show them her smile, pero nahirapan lang siya.

Natuwa ang tatlo sa paggising nito.

"You wanna go outside? Actually nasa lakeside na sila, sa favorite place mo dito aside from the balcony?" Tumawa si Rhian.

"Okay." Yun lang ang naisagot ng kapatid.

Nagtulungan ang dalawa para ipaupo sa wheelchair.

Nagsasayahan ang lahat sa lake ng makita nila ang paparating.

Kumain....kuwentuhan....tawanan.....laro.....yan ang ginawa ng karamihan. Nanatili lang si Glaiza at Rhian sa tabi ni Angel.

Papalubog na ang araw.

"Hon, p-please b-bring m-me at the...."

"Lakeside?" Ani Glaiza. Tumango naman ang isa.

"Rhi, please lend me your hand. Gusto niyang pumunta sa lakeside."

Itinulak ni Rhian ang wheelchair habang inaalalayan sila ni Glaiza. Lumapit naman si Zoe sa kanila. Nakatitig lang sa ina. Hinihimas-himas ni Glaiza ang kamay ng mahal, sinusuklay-suklay naman ni Rhian ang buhok ng kapatid, gamit ang kanyang mga daliri.

"I love you, mommy." Her tiny lips are shivering while saying those words. Pinilit ngumiti ang ina nito.

"Promise me you'll gonna be a good girl to everybody." Angel uttered. After awhile, Zoe then left, laylay ang balikat.

"Rhi, thank you for everything. God knows how proud I am to have a sister like you."

"Mas proud ako sayo Gel. Words are not enough but I am. Marami ako natutunan sa'yo." Rhian's sobbing already. "Kaya pa?"

Angel gave Rhian her half lip smile.

"I'm hungry." Halos pabulong na binigkas nito.

Rhian volunteered to get some food for her. Naiwan sila ni Glaiza.

"My Love,yang titig mo, matutunaw na ako." Angel smiled at her.

Hinaplos ni Glaiza ang mga noo'y mapupulang mga labi na nagpaparamdam ng maiinit at buong pagmamahal na halik na ngayo'y sobrang putla na.

"Tong mga labi na to ang naghahatid lagi sa akin ng matatamis na ngiti. I will miss this lips." Tears fell down. Glaiza slowly leaned towards her, "i love you Gel. I will always love you." She said before leaving a soft bu t long kiss into her wife's lips.

"I love you too. I hate to say goodbye as much as I hate to leave you behind, but I know I sh-should go."

Lalong hinigpitan ni Glaiza ang mga kamay ng asawa. Nakikita niyang talagang di na kaya pa ng asawa nito. But she pleaded her once again, for the last time. "Please honey? Kahit sandali lang na makasama pa kita."

"You are one of the best thing happened into my life. I am carrying the most loving wife, partner, bestfriend, but...."

"Gel...."

"Please?" Tila ba humihiling na siya ng permiso. "Pagod na ako."

"P-pagod ka na ba?"

Angel nodded.

"You wanna rest....now?"

"Yes honey."

Parang sinaksak ang puso ni Glaiza sa isinagot ng kausap. Hirap mang tanggapin o bigkasin mula sa mga labi nito, she still managed to earn her courage para sagutin yun.

"O-okay, p-pahinga ka na Gel. I will let you...go...now."

Pagkabigkas yun ni Glaiza, ngumiti si Angel. Pilit inabot ang mukha ng babaeng pinakamamahal at hinaplos. Her hands off down to her lap.

Parang gripo na binuksan sa sandaling yun ang mga mata ni Glaiza. Buhos agad ang luha.

Di naman nakaligtas sa mga mata ni Rhian ang biglang pagbagsak ng kamay ng kapatid sa kandungan nito. "Gel?!" Pati ang mga nandun ay napatingin sa dako ng tingin ni Rhian.

"Geeeeeeel!" Sigaw ni Glaiza. Niyakap ang asawa ng napakahigpit.

Lumapit ang lahat. Umiiyak. Tila nakikidaloy sa tubig ng ilog ang kanilang mga mata ng mga sandaling iyon.

Gaya ng hiniling ni Angel sa kanila, inilibing siya sa may puno sa hilltop, malapit sa mga itinanim nilang tulips ni Glaiza nung una niyang dalhin dito ang asawa. Lahat nagsuot ng light blue na kulay.

"Until we see each othet again, My Love." Si Glaiza habang nakaupo sa tabi ng puntod ng lumisang asawa. Nakatayo naman si Rhian sa may bandang baba ng hilltop. Hinihintay niya ito. Takipsilim na ng mayaya niya si Glaiza na bumalik na sa bahay. Magkahawak kamay habang binabagtay ang daan.

Love Will Lead Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon