Kabanata 5

641 22 0
                                    

Kitang-kita ni Gel ang pagkawala ng ngiti sa mga labi ni Glaiza dahilan para makaramdam ng takot ito. Takot na baka iwasan siya ng taong mahal niya. Oh dear, what haive I done????

Di rin maintindihan ni Glaiza ang nararamdaman ngayon. Saya? Definitely. Excitement? Of course. How about love? Uh-oh....

"Sorry if i may be too fast. Sinagot ko lang tanong mo and I'm just trying to be honest to you. I'll understand kung magagalit ka o kung iiwasan mo ako. Like what I've said, nagpakatotoo lang ako." Ani Angel.

"Hindi ako galit Gel. Di ko lang din inakala na sa dinami-dami ng magugustuhan mo ay ako pa?"

"Sorry. Di ko naman sinadya o pinilit ang puso ko o sarili ko eh. Basta ang alam ko nung una kitang makita, may paghanga na ako sa'yo. I tried to stop it but the more I'm trying, the more I'm falling in love with you. There were moments that I wanted to tell you about this but ngayon lang ako nagkaroon ng chance. At first, I tried to convinced myself na hindi puwede kasi magkasalungat ang mundo natin. Sikat ka. Artista. Sanay sa publiko at kamera. Habang ako isang pribado at ordinaryong tao lang. And above all else, straight ka kaya malabong mapansin mo ako sakaling magtapat ako sayo. Pero tuso ang pusong to eh. Ayaw paawat. But I don't blame my heart either dahil pag nagmahal ka naman, walang pinipiling panahon o kasarian. Kusa mo na lang mararamdaman." Mahabang paliwanag nito sa dalaga.

"I don't blame you or your heart for loving me Gel, but I need a time to think about it. And.....space." pagkasabi nun ay nagpaalam na ito.

Hindi na rin naman niya pinigilan ang dalaga. Hinatid na lang niya ito sa pintuan. Pagkasara ng pinto, sumandal siya dito at pumikit. Stupid Angel! Ayan tuloy, she's asking space na daw. Space! Means di muna kayo magkikita o mag-uusap! Saway niya sa sarili.

Nakahiga na si Glaiza ng maalala niya ang mga sinabi ni Angel, maging ang mga sinabi nito sa isa. Ano kamo Glai, you need time and space? Eh ano yung mga nararamdaman mong bolta-boltaheng kuryente kapag masagi niya lang balat mo? Yung mga pag-iimagine mong inaangkin niya mga labi mo? Yung daig pa ang kinakarerahan ng kabayo dibdib mo kapag nandiyan siya na nakikita mo? Ano mga yun ha, Glaiza? Sa isip niya. Am I inlove with her?

Sabado...niyaya ni Angel ang mga kaibigan niya sa resto niya. Sunud-sunod nagsidatingan ang mga ito.

"Dude, wazzup!" Ani Chynna. Nadatnan niyang nakatulala sa labas ng resto ang kaibigan. "Anong drama mo at parang ang lalim ng tinatanaw mo?" Lumingon naman na si Gel sa kaibigang kahit sako-sakong bigas na yata ipakain mo ay hindi tumataba.

"Andiyan ka na pala. Asan yung iba?" Tanong nito.

"Parang iisa bahay namin eno para alam ko kung nasan na sila? Darating din mga yun wag ka mag-alala." Sagot naman ng kaibigan. Maya-maya pa'y dumating na din sina Katrina at Rhian. "O ayan na pala sila eh." Dugtong pa nito.

"Teka, bakit kulang tayo? Asan si Glaiza? Di ba siya pupunta?" Tanong ni Chynna.

"Yeah, where is she enship? I'll call and ask her if where is she now?" Tanong naman ni Rhian.

"Don't!" Agad na saway ni Gel dito.

Sabay namang napatingin ang tatlo sa kanya na tila nagtatanong kung bakit wag nilang tawagan si Glaiza. "She asked a space from me."

"Anong space? Spaceship? Bakit pupunta ba siya ng ibang planeta?" Si chynna na pinakajoker sa kanila.

"Oh no, don't tell me enship sinabi mo na?"

Tumango naman si Angel.

"Teka teka teka guys, anong namiss ko?" Sabat naman ni Kat.

"Ayan kasi, lagi kang tulog sa pansitan kaya madami kang namiss," asar naman ni Chynna kay Kat. "Ano nga ba yung sinabi niya?" Sabay tingin kay Rhian.

"Lakas makapang-asar noh? Hindi rin pala alam." Asar din ni Kat kay Chynna sabay hampas sa balikat nito.

"Angel is inlove with Glaiza and....."di tinapos ni Rhian ang sasabihin dahil tumingin na siya kay Angel para siya na ang magsabi nito.

"She didn't rejected me at all. She said that she will think about it and she needs space kaya wala siya ngayon dito." Pagpapatuloy naman ni Angel.

"Hayaan mo na muna dude. Wag mo na lang muna kulitin. Just prepare yourself na lang. Magsaya na lang tayo tutal kumpleto tayo eh. Di ba guys?" Sabi ni Chynna.

At nagkayayaan nga ang apat na mag-inuman hanggang sa nagyaya nang umuwi si Kat. Sumunod naman si Chynna. Naiwan naman si Rhian.

"Ano enship, kaya pa ba? Baka di ka na makauwi niyan?" Sabi ni Angel kay Rhian. Ngumiti naman ang huli at saka nagpaalam na din. Di nagtagal, umuwi na rin siya.

Hinahanap niya ang susi ng condo niya habang naglalakad papunta sa pinto ng makita niyang may nakatayo sa pintuan ng bahay nito.

Glaiza?

Kumurap-kurap pa ito dahil baka dala lang ng nainom niya kanina pero si Glaiza talaga ang nasa harap niya ngayon.

"Hi, ahm, hinintay talaga kita. Mukhang nakainom ka a."

"Ahehe, konti. Nagkayayaan kasi ang grupo. Hanap ka nga nila eh kaso alam ko namang di ka pupunta dahil nga you need space from me, right?" Ang maluha-luhang Angel.

Nilapitan naman siya ni Glaiza sabay hawak sa kamay ni Angel. "Please don't cry. Di pa kasi ako sigurado sa nararamdaman ko nung time na nagtapat ka. Though nun pa man, I have this strange feeling whenever na nandiyan ka malapit sa akin. But now, sigurado na ako. I don't need that space from you anymore Angel." Wika nito.

"What do you mean?" Tanong naman ni Angel.

"I think....I think I'm fallin' in love with you also."

Near from the elevator, Rhian heard everything. She followed the car of Angel in getting home para matiyak na safe ang kaibigan despite sa pinagdadaanan nito. At ngayong narinig niya ang lahat, pakiramdam niya'y napupunit ang puso niya, maya't-maya ay nalalasahan niya na ang alat na nanggagaling sa mga mata niya. She's inlove with her friend, Angel, too. And now what? She took her step near to the elevator and walked away.

Love Will Lead Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon