Kababata 15

418 12 0
                                    

Nakiramay at nakilibing din ang ibang staffs at casts ng TRMD sa tatay ni Angel. Ganun na lang ang gulat ng aktres na si Laurena Gomez ng mabasa niya ang....ANDRES ZAMORA? Oh God.....at napatingin siya sa anak ng nasawi....ANDREA? At lalo na siyang kinutuban sa mga nakita.

Magkasabay at naging matalik na magkaibigan sa industriya nuon sina Laurena at Andrea. Si Andres ang laging kasama nuon ni Andrea kung saan dun din sila nagkakilala ni Laurena. Nauwi sa lihim at patagong pagmamahalan nilang dalawa nuon dahil sa pagkadisgusto ng mga magulang ni Laurena kay Andres. Hanggang sa nagbunga ang kanilang pagmamahalan, at si Angelique nga yun.

Gustung-gusto niyang lumapit sa anak para magpakilala o mayakap man lang, pero natakot siya na baka di siya tanggapin ng anak. Isa pa, libing yun ng tatay niya. Nagpasya siyang sa kabaong na lang siya lalapit pra humingi ng tawad at magpasalamat sa nasawi dahil sa wakas natagpuan niya na ang taong dalawampu't limang taon na nawalay sa kanya. Hindi naman nakaligtas kay Andrea ang paglapit ni Laurena sa kabaong ng kambal....Laurena?

Nairaos ang libing ng maayos. Halos lahat ng bisita ay nakauwi na.

"Anak, tayo na. Umuwi na tayo para makapagpahinga ka na rin." Wika ng tiyahin.

"Mauna na ho kayo 'Ma, kaya ko na po. I'm a big girl now. I can take things now." Malungkot na sagot nito.

"O sige, basta if you need us, just call us ok?" at umalis na ang mag-inang Dominic at Andrea.

Naiwan sina Rhian, Glaiza, Chynna at Katrina para samahan ang kaibigan. Alam nilang hindi pa ganun kalakas si Angel ngayon, higit na kay Rhian na nakakaalam ng pinagdadaanan ng kaibigan.

Nakatayo pa rin si Angel sa puntod ng ama. "Letting go is one of the hardest thing I've ever done in my life. Mula nung umalis si nanay, iniwan ako ni Glaiza, at ngayon ay ikaw. For you, I have no choice than to let you go but your thoughts and memories will always be with me. Utang ko sayo ang lahat ng nakakamtan kong ginhawa ngayon 'tay."

"Ah guys, una na ako sa kotse. Medyo nangangawit na kasi mga paa ko eh. Pero sasamahan ko pa rin kayong samahan si Gel. Hintayin ko na lang kayo dun." Humakbang na papunta sa kotse si Chynna. Nilapitan naman ni Kat si Angel.

Naiwan sina Glaiza at Rhian. "Why Glaiza?" Tanong ni Rhi na nakatingin ang huli sa dako nina Angel at Kat.
Naramdaman niyang napalingon si Glaiza sa kanya kaya hinarap na niya ang kaibigan. "Why did you left her?"

"It's not my intention Rhi, kaso I needed to do that."

"But she needs you Glaiza. She needs you most especially right now."

"I know, kaya nga andito ako para bumawi sa kanya kahit alam kong galit siya sa akin."

"This is not going to be the only time that she needs you." Ani Rhian.

"What do you mean?" Tanong ni Glaiza.

"I can't tell you coz I'm not in the position to talk about it. Whatever your decision is, your reason is, it was your choice. But I hope, you won't regret when the right time comes." Sagot na lang ni Rhian dito. "Kat, Gel, tara na." Yaya nito sa dalawa.

Pasakay na sana si Angel sa kotse niya ng hawakan ni Glaiza ang braso nito. "Take your hand off me, dahil baka hindi mo lang magustuhan ang magawa o masabi ko pa." Halos pabulong na sambit nito kay Glaiza. Walang nagawa ang huli kundi bitawan siya dahil nakikita niya ang nasasaktan at galit na Angel ngayon. At umalis na rin siya.

"Anyare dude? Bakit mukhang LQ kayo ni Glaiza?" Tanong ni Chynna habang nakaupo siya sa backseat katabi ni Kat. Si Rhian ang nagdrive at nasa front seat si Angel.

"Uo nga mare, nag-away ba kayo?"

Instead na sumagot si Angel, she took a deep sigh and closed her eyes, nakita naman yun ni Rhian at may mga butil ng luhang tumulo sa mga mata nito.

"Wala na sila." Si Rhian ang sumagot.

"Ha?!" Sabay na tanong ng dalawa. "Pero bakit?"

"I also don't know why, all I know is wala na sila." Sagot ulit ng isa.

Tumahimik at pinagmasdan ng dalawa ang tahimik at lumuluhang Angel sa harapan.

It's been four days since the last time I saw her....sambit ni Glaiza sa sarili. Sana naman dumalaw siya ngayon, makita ko lang siya kahit malayo siya, ok na ako.

"Lalim yata ng iniisip mo?" Pukaw ni Rhian habang nasa tent sila. Nadatnan niya ang tatlo dun. Nabigla naman si Glaiza.

"Rhi, kumusta na siya? Nag-uusap kayo di ba? Di ba siya pupunta dito?" Sunud-sunod na tanong ni Glaiza na napatingin naman ang dalawa pang kaibigan sa kanila.

"Uo, nag-uusap kami, nina Kat. She's not yet ok but she's trying naman yata, kasi yun yung need niya ngayon eh, ang maging strong." Sagot nito.

Alam na rin nina Kat at Chyn, maging si direk at Andrea ang kalagayan ni Angel ngunit katulad ni Rhian, tikom ang mga bibig nila gaya ng ipinangako nila kay Angel.

Bakas ang lungkot sa mukha ni Glaiza sa isinagot ng isa.

Lumipas ang mga araw, linggo, buwan....tatlong buwan na ang nakakalipas mula nung huli silang magkita ni Glaiza. Huling linggo na dapat ng taping nila sa TRMD ngunit nagpatawag ng emergency meeting ang direktor sa kanilang lahat, kasama si Angel.

"Are you coming or not? Just tell me the truth so that I know what I'm doing here." Kausap ni direk ang pinsan.

"I'm walking now." Sagot ng kausap.

Nakasuot ng mahabang cardigan si Angel, apat na buwan na rin ang tiyan niya at medyo halata na ito. Ayaw niyang malaman ni Glaiza na buntis siya.

Angel? Nagulat si Glaiza sa di inaasahang pagdating ng parang isang anghel na nahulog sa lupa...ang taong miss na miss niya, at kulang na lang ay tumayo siya para yakapin ito at sabihing miss niya ito. She's so beautiful, lalong gumaganda, bulong niya sa sarili. Di naman nakaligtas sa tatlong kaibigan ang reaksiyon ni Glaiza nung dumating na si Angel.

Love Will Lead Us BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon