DANIEL’S POV
May plano na ko kung pano makapunta sa Manila ngayon pero hindi ko lang talaga alam kung anong idadahilan ko kay Dad. Desididong desidido na ko pumunta dun. Hindi lang para sa birthday ni Koy pero miss na miss ko na talaga si Lara. Cheesy na kung cheesy, corny na kung corny pero miss na miss ko na yung babaeng yun. Yung babaeng nagbigay kahulugan sa buhay ko..
Aish ewan!! Napa-praning na ko!! >_____<
Naririnig ko sa labas aligagang aligaga na sila. Pupunta nga kasi kami ngayon sa bahay nung congressman eh kaya baka imposible na kong makaluwas buiset -,-
Biglang may kumatok sa kwarto ko. Humiga naman ako bigla para kunwari tulog pa ko..
“Oh Daniel bakit hindi ka pa bihis? Pupunta daw kayo ng Papa mo sa meeting de avance ni congressman ah” si Mama lang pala. Parang hindi siya nakabihis pang meeting... ibig sabihin di siya sasama.
“Tinatatamad pa ko Ma eh, ayokong sumama -,- Ikaw hindi ka po sasama?” umupo naman ako ng maayos sa kama at tumabi siya sakin. Kung kay Mama ko kaya sabihin.. maiintindihan naman niya ko eh.
“Ayan ka nanaman sa tamad tamad mo papagalitan ka nanaman niyan ng Daddy mo eh” mahinhin niya sakin sinabi “hindi naman ako kailangan dun. At.. walang magaasikaso kay DJ baka kung mainggit lang yun”
“Hindi rin naman ako kailangan dun -_- Maaaaaaaaaaaaaa” nauurat kong sinabi. Nakakaines kasi parati na lang kaming sinasama sa mga ganyan. Di naman talaga kami kailangan dun. Pakitang tao lang -,- “kung ano ano nanaman papagawa samin dun eh. Di naman kami mga entertainers puch— nakakaines lang. Bakit ba lagi kaming sinasama ni Dad sa mga ganon niya? Di naman kami yung tatakbo -,-“
“Hay nako. Alam mo naman yang daddy mo. Gusto lang nun ma-expose kayo at maintindihan yung ginagawa niya. Tsaka bonding moment niyo yun. Wag ka na lang magreklamo, ngayon ka na nga lang nakauwi eh..” ayan nanaman. Isusumbat nanaman nila yan. Ngayon ka na lang naman umuwi eh, pagbigyan mo na. Kasalanan ko talaga eh tss.
“Ma naman..” naiines na parang pagod kong sinabi sakanya.
“Ano ba yon? Sabihin mo na.. alam ko may balak ka. Sabihin mo na”
“Ma birthday kasi ni Koy ngayon. Debut na niya!! At sobrang, talagang, sobra sobrang gusto ko na din makita si Lara kahit isang buong araw lang. Please Mama tulungan mo kong makaluwas, last na to” para na kong batang nagmamakaawa dito kay Mama. Alam niyang gusto ko ng makita si Lara hindi ko lang masabi sakanya kasi baka isipin nanaman niyang ayaw ko siya makasama.
“Babalik naman po ako agad. Pangako bago mag madaling araw nakauwi na ko please Ma” bigla ko ng niyakap yung braso niya at pinatong yung ulo ko sa balikat niya at sini-sway sway siya. Di ako matitiis neto.. di ako matitiis neto..
“Walang debut ang lalaki niloloko mo ba ko. At pano ka naman pupunta dun, ha?” nilayo niya yung braso niya sakin at nagpamewang. “at anong idadahilan mo sa Daddy mo?” naging seryoso na yun itsura niya.
BINABASA MO ANG
When It All Falls Down
Teen Fiction"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!