Chapter 25 - Sleep over

1.4K 36 6
                                    

LARA'S POV



Sinusukatan ako ni Nicole para dun sa human diorama namin. Grabe nga eh hindi ko siya matignan mata sa mata. Nagi-guilty ako, ang sama ko kasi sakanya eh T________T

Inaway away ko siya sa utak ko tapos tinataboy ko pa siya parati dito sa school yun pala, isa siya sa mga tumulong dun sa birthday ko. Nagmabuting loob pa daw siyang samahan si Daniel, wala naman kasi talagang makakatagal samahan yun pilosopo eh. Waaaaaah kulong niyo na nga ako sa nitso.

"Wag ka magulo" inulit naman niya sukatan yung bewang ko "tingin ka nga ng diretso" ayaw, umiling iling lang ako.

Natapos niya na kong sukatan. Nagsulat siya ng kung anu-ano dun sa notebook niya, mga sukat ata namin yun. Aalis na sana siya pero humarap muna siya sakin at pinatong yung kamay niya sa balikat ko.

"Wag ka ng mailang sakin please? Di ako sanay eh. Nakakailang *chuckles*. Yun lang, kumain ka na kanina ka pa nagp-practice diyan. Bye" umalis na siya sa naglakad papunta dun sa mga props.

Waaaaaaah kulong niyo na talaga ako T__________T

Napaupo na lang ulit ako dun sa ginawa nilang upuan ng reyna. Kanina pa ko nagfe-feeling reyna dito anak lang naman ako ng duke -______-

Ang pinili kasi naming i-human diorama yung pagiging reyna ni Queen Elizabeth I. Buti na nga lang anak lang ako dito eh kung ako yung napiling reyna, nako papakulong na talaga ako sa nitso. Hindi lang isa, kundi dalawang beses pa.

Binasa ko na lang ulit yung sasabihin ko.

When you fall from a deadly cliff, you'll die. When you fall from a high building, you'll die. But when you fall for someone who doesn't love you at all, you'll be alive but it feels like dying.

 

Yan lang sasabihin ko, madaling imemorize pero boset kailangan with british accent. Kaya dito talaga ako nagpa-practice para walang makarinig ng kahihiyan ko.

Napalingon naman ako dun sa mga lalake. Hinahampas hampas na sila ni Nicole, siguro hindi sila makapagsalita ng maayos. Sino ba naman kasing marunong mag accent ng ganito parang ewan lang eh. Napatingin naman ako kay Daniel marunong siya yung sa mga chinoy. Yung parang mga nagbebenta sa Chinatown yung ganito oh.

Bi-li na ka-yo. Mu-murahin lang. Ikaw akin suki eh.

 

Ginagawa niya yun para siyang tanga =)))) tumingin ulit ako sakanila. Eeeeek patawa tawa pa ako magisa nakatingin na pala siya sakin. Binalik ko agad agad yung tingin ko dun sa papel na hawak ko. Waaaah nakakahiya ako >________<

Pagtapos ng practice pinauwi kami ng maaga para makapagpahinga. Bukas na kasi yun eh. Inayos muna namin lahat, pinauwi na samin yung mga susuotin namin para bukas pati yung ibang backdrop kasi bawal iwanan dito sa school.

6 pm na rin kaya naisipan naming sabay sabay na lang umuwi.

When It All Falls DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon