DANIEL'S POV
Andito ako ngayon sa clinic. Free time naman namin dahil lahat ng mga studyante’t teacher nanunod ng mini Olympics kaya pwede akong mag stay dito hanggang mamaya.
Pinagmasdan ko lang siyang matulog. Ang saya saya niya na kanina tapos biglang ganito. Naiinis talaga ako dun sa nakatama sakanya. Pinipigilan ko lang sarili ko kanina eh.. kasalanan ko ‘to eh psh.
Tumayo ako at kinumutan si Lara hanggang sa may bewang niya nilalamig na siguro ‘to. Ang ikli kasi ng palda nila eh sino ba nagisip niyan? (_ _”)
Pagkataas ko nung kumot nakita ko yung binandage na nilagay sakanya. Natamaan na din ako dati ng bola ng tennis, sa braso pa nga eh at nagkapasa ako nun. Masakit yun, buti na nga lang mahina lang yung pagkakaserve nung nakataama dito eh kundi ‘di ko talaga siya mapapatawad.
Seryoso.
Aghh di bale na.
Umupo na ‘ko ulit sa tabi niya.
Ganda.
Hindi ko man sinasabi sakanya ‘to pero sa totoo lang.. siya na pinakamagadang babae na nakilala ko.
Kaya hindi siya nakakasawang titigan eh.
At laya kahit hindi siya magsalita. Kaya kahit galit siya. Ang ganda pa rin. Hindi niya alam yon.. dapat pala kantahan ko siya ng ‘What Makes You Beautiful’ haha biro lang baka hindi na ‘ko pansinin nun nasobrahan na sa kakornihan.
Parang kaninang umaga. Ginanahan akong pumasok ng maaga kasi nung dumaan ako sakanila sabi umalis na daw siya. Naexcite lang ako kaya nagmadali akong pumunta sa school. Eh lahat naman ata ng papasok ng maaga tumatambay sa field eh kaya may ginawa ako..
Tuwing umaga naglalaro yung mga elementary students sa field na ‘yon. Kinausap ko sila kanina sabi ko bibigyan ko sila ng tigiisang chocolate pag ginawa nila yung inuutos ko. Yung isa nga kailangan ko pang mag ‘puppy eyes’ para lang pumayag.
Arte eh kala mo cute.
Pero sinunod naman nila ako eh kaya mamayang uwian kailangan kong umalis agad dito.
Habang tulog pa siya nilabas ko na yung cellphone ko. Sakto binura na nung kaibigan ko yung mga picture niya dito kaya maluwag na space. Chance ko na ‘to.
Lumapit ako ng konti sa muka niya..
*click*
BINABASA MO ANG
When It All Falls Down
Ficção Adolescente"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!