LARA’S POV
Maaga akong pinauwi ni Mama ngayon kaya hindi na ako nakasama dun sa paggawa ng group project naming para sa Filipino. At kaya mag-isa lang din akong umuwi ngayon. Sumama kasi si Daniel sa bahay nila Nicole para tumulong.
Hindi nga dapat siya pumasok ngayon eh kasi sabi nung nurse magpahinga daw muna siya at wag ilakad yung paa niya kasi medyo malaki pa yung wound baka pasukan ng bacteria eh yun ang tigas ng bungo at pumasok pa rin, sumama pa sa bahay nila Nicole -____-
Kumatok ako ng kumatok pero walang nagbubukas ng gate. Ano ba yan tinatamad na ‘kong kunin yung susi sa bag ko eh. “Ma! Eric!” kumatok ako ulit.
“Ay Lara umalis ang Mama mo kanina ah” bigla akong napatalikod dun sa nasalita.
Kapitbahay pala namin.
“Ahh saan po?”
“Ay hindi ko alam eh nakita ko lang silang umalis”
“Eh si Eric po, kasama niya din?”
“Ay hindi ko na nakita eh”
Nag-nod lang ako ng lumarga na siya at kinuha na yung susi sa bag ko. Loko din ‘to si Mama eh pinapauwi ako ng maaga wala naman pala sila. Eh sinong kasama ko dito? Mababaliw na ‘ko ng tuluyan niyan eh.
Pagbukas ko ng gate ni-lock ko rin agad.
Tumingin ako sa relo ko 4 pm pa lang. Umalis nanaman si Mama? Lagi na lang yun ganon, nakakarami na siya ah tapos hindi nanaman sasabihin kung anong pinagkakaabalahan sa buhay.
Minsan nga nagtataka na ‘ko eh kung ano ba talaga yung trabaho ni Mama. Ang alam kasi namin assistant siya sa isang kompanya ng sapatos. Taga-sagot ng telepono, taga-organize ng meeting ganon pero bakit umaabot pa siya ng madaling araw dun tapos uuwi para maligo’t kumain lang tas aalis nanaman.
Wala na nga yung time para makipagdaldalan samin eh.
Dumiretso na ‘ko ng kwarto para magpalit. Tuloy tuloy akong pumasok binato ko lang yung bag ko sa kama at hinubad yung blouse ko.
“ARAY! SHIT”
O_____________________O
Bigla bigla ko nalang nabalot yung katawan ko ng blouse tapos napaatras ako. May tao sa kwarto ko! Nakatago siya sa ilalim ng kumot tapos bigla niyang tinanggal.
“AHHHHHHHHHHHHH!”
BINABASA MO ANG
When It All Falls Down
Teen Fiction"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!