LARA’S POV
Wala na kong masabi dahil naiiyak na talaga ako sa tuwa kaya nag-nod lang ako at ngiting ngiti na parang tanga.
Tumayo na siya at sabay niyakap ako ng mahigpit. Nakalimutan niya pang ilagay sakin yung singsing, nabitawan na lang niya bigla yung box. Napangiti naman ako dahil nai-imagine ko siyang ngiting-ngiti rin.
Habang walang tigil na tumutulo yung mga luha ko, sabay naman ng paglipad nung mga lobo.
Nakatakip pa rin yung dalawa kong kamay sa muka ko at nakabaon sa dibdib niya. Naramdaman ko namang nilapit niya yung ulo niya sa tenga ko at bumulong “I love you”
Tumawa lang ako. Humiwalay na siya sa yakap inalis niya yung pagtatakip ko sa sarili ko sabay punas ng mga luha. Nakangiti lang siya habang pinupunasan yung mga luha sa pisngi ko. “Ang ganda ganda ng girlfriend ko eh, wag ka ng umiyak oh” napangiti naman ako.
Feeling ko sumabog yung mga organs ko sa loob nung sinabi niyang ‘girlfriend ko.’ Ngayon lang ako nakangiti ng ganito. Nakakangalay na nga sa panga eh pero hindi ko talaga mapigilan. Grabeng effort yung ginawa niya. Iniisip ko pa lang, yung sa LRT, yung sa billboard tapos yung mga footprints. Grabe siya lang yung taong nag effort sakin ng ganyan.
"I love you too"
- -
DANIEL’S POV
Ako na ata ang pinakamasayang lalake sa buong mundo.
Hindi ko na tuloy maisip kung pano na ko makakatulog mamaya?
Tss wala na kong paki dun. Basta ngayon, masaya ako. Tagal kong inintay to. Yung masasabi kong akin na talaga siya. Shit nagtata-talon pa ata mga laman loob ko sa tuwa! Narinig ko naman sila sa likod na nagsi-sigawan.
Napangiti naman ako.
Sila yung mga taong tumulong sakin nung simula pa lang. Mga tumulong sakin gumawa ng paraan para magawa to. Kung hindi dahil sakanila hindi ko to magagawa. Sobra sobra talagang pasasalamat ko sakanila. Kitamo nag costume at nag mascot pa para lang dito. Kahit na nagmuka silang mga tanga.
Syempre hindi rin to matutupad kundi sa pagsang-ayon ng mama niya. Siniguro ko muna kasi na okay sa mama niya sa gagawin ko. Para wala ng hadlang. Haha!
Pati na rin siguro kay Dennis. Kundi dahil sakanya nasagasaan na siguro si Lara kanina dun sa kalsada. Wala na kasing ibang madadaanan ng walang istorbo kundi dun lang eh kaya pinasara namin.
Wala naman talaga akong balak manghingi ng tulong dun. Kung hindi lang talaga ako minura-mura nila Ian eh. At wala talaga akong balak na makipagusap dun.
Tss di bale na. Isa lang naman kapalit na hinihiling niya eh.
Ipakilala ko sakanya si Lara.
- -
BINABASA MO ANG
When It All Falls Down
Fiksi Remaja"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!