LARA'S POV
Mahal pa pala ako ni Ian.
Akalain niyo yun! May puso pa pala yun. Galing ah!
Sana pala nuon mo pa sinabi yan Jillian. Sana nuon pa.. kasi ngayon parang wala na ‘kong ibang nararamdaman eh. Parang.. ah okay. Parang ganun na lang eh. Pero na aftershock pa rin pagiisip ko dahil sa mga sinabi mo.
..wag kang magsawang sumubok kung nasaktan ka na, kasi masarap ang may minamahal.
Napatingin ako sa pwesto ni Daniel. Nagsusulat na siya.. hay napagod na siguro. Dalawang araw ko na kasi siyang hindi pinapansin eh.
Bakit mo nga ba siya hindi pinapansin? Hindi ko rin alam. Kasi naguguluhan na talaga ako sakanya eh. *sigh*
Paulit-ulit mo na lang sinasabi yan ha naiinis na ko! I-explain mo nga bilis! -________-
Bakit ba parati ko na lang kinakausap sarili ko? Tas ngayon inaaway na ‘ko, nabaliw na. Kasi po totoo naman na naguguluhan na ‘ko sakanya. Sa mga nararamdaman niya.. sa nararamdaman ko. Feeling ko kasi hindi pa ako nakaka-move on kay Ian. Tapos si Daniel pa p-parang may gusto sakin [?] Diba ang gulo? >___________<
Hindi ko masabi eh. Ikaw ba may gusto ka rin kay Daniel?
E-ewan ko? Aissh basta! Ang ayaw ko lang naman kasi eh yung isipin niya at nila na ginagamit ko siya para makalimutan si Ian. Hindi ko na nga siya ine-entertain eh kasi pag ganun para ko na rin siyang ginawang rebound. Kaya yung mga ginagawa niya para sakin iniisip ko na lang na ginagawa niya yun dahil concerned siya sakin, bilang kaibigan.
Importante si Daniel sakin yun..
Pero importante ka din ba sakanya?
“Kung may gusto ka kasing malaman. Ask him! Hindi yung naga-assume ka kasi that’s when drama starts. At ikaw pa ang nagsabi na ayaw mo na ng dramahan diba?” ayan isa pa yan nae-lss ako sa mga words of wisdom ni Lian eh -______-
*sigh* binalik ko na lang ulit yung tingin ko sa board. Tanungin ko na kaya siya mamaya? Argh hindi ko alam! Bahala na si batman.
Magsusulat pa lang ako ng notes nang biglang may tumamang papel sa tenga ko. Lumingon ako, bwisit sino yon?!
Ayan kasi dinamay mo pa si batman alam mo namang marami ng ibig sabihin ang batman ngayon. Lagi na lang kasi si batman ang bahala nabato ka tuloy.
Epal talaga ‘tong isip ko.
BINABASA MO ANG
When It All Falls Down
Fiksi Remaja"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!