LARA'S POV
Pushing you away is easier than having to say goodbye for the very last time.Yung una nating pagkikilala. Nagaaway kayo nila Ian at Koy tungkol sa kung anong nauna.. pande coco, monay o okra. Hanggang sa nalipat ako sa school mo.. at nagkahiwalay kami ni Ian. Hindi mo ko iniwan nung panahong sobrang nalulungkot ako, tuwing pakiramdam ko nagiisa na ko.
Tapos sumabay pa yung pagq-quit ko sa bagay na gusto ko. Nung time na yun taekwondo lang nagpaparamdam sakin na may halaga ako. Pero nung nagquit ako.. andun ka pa rin, pinuno mo ng kasiyahan yung kalungkutan ko. Nagsurprise ka pa nga ng farewell party sakin nun. Kaisa-isang farewell party na imbis na malungkot ako.. sobrang saya ko pa.
Hanggang sa nagpaka-stalker ka. Oo stalker tingin ko sayo nun! Yung tuwing umaga pagkalabas ko ng bahay andun ka na. Sabay pala tayo papasok hindi ako nainform. At habang naglalakad papuntang sakayan o kahit san man yung bigla kang tititig sakin at ngi-ngiti. Ako naman tong maiinis sabay maglalakad ng mabilis tapos hahabulin mo ko sasabihin mo, 'joke lang' at papatawanin mo na ko buong maghapon. Hanggang nasanay na kong magkasama tayo parati.
Walang panahon na kasama kita na hindi ako matatawa o ngingiti. Yun yung na-realize ko nung mawala ka sakin.. that I'm happiest whenever I'm with you. That I feel loved when I'm wrapped around your ams.
Nagsimula ka na sa mga pagkanta kanta mo. Yung sa parang bar? Hinding hindi ko makalimutan yun. Alam kong alam mo na andun kami ni Lian.. at kumanta ka ng Please Be Mine. I almost died sa tuwa. Nagwala hormones ko Navarro. Yun yung unang beses kitang marinig kumanta. Sumunod na araw pagkadating ko sa school, tumambay ako sa may field. Nang may mga batang naform ng GOODMORNING LARA sa lapag.
At kala mo ba.. tuwing natutulog ako nararamdaman kong pini-picturan mo ko. At naririnig ko yang mga sinasabi mo. Ganun pala ako kaspecial sayo.. ganun mo pala ako kagusto nun. Na kahit natutulog ako.. andun ka lang. Hindi mo ko iniiwan, wala kang ibang ginagawa kundi bantayan ako. Hindi mo ko iniiwan.
Ang daming beses mo kong napasaya sa mga ganyan mo. Gulong gulo nga ako nun kung bakit mo yun ginagawa.. siguro nga kasi ayoko munang magmahal nun. Kasi nakakapagod masaktan ulit pero iba ka eh. Lakas mo Daniel, yung pilit kitang tinutulak pero.. habang tumatagal mas nahulog ako. Mas gusto na kitang laging kasama. Hindi na 'ko nasasanay na wala ka.
Kahit na napakaloko loko mo, yung pagpatol mo sa mga bata. Yung mga panti-trip mo sakin *sigh* you were just the best. You WERE everything I couldn't ask for :(
Siguro naisip ko nun napaka-tanga ko na talaga kung di pa kita sasagutin. AT YUNG GINAWA MO PARA MAPASAGOT AKO? Pang grammy's. Sinamba ka na ata ng lahat ng lalaki sa ginawa mo.
Pero hindi lang dun nagtatapos lahat.. masasabi ko talaga hindi ikaw yung tipong lalaki na magaling lang sa umpisa. I felt so happy when you introduced me to your family. Yun yung bagay na gustong gusto kong mangyari pero at the same time takot akong gawin. But when I met them.. I knew already why you became this such fine man.
Daniel, I just love you every second of my life. I really do love you. That smile in your eyes... *sigh*
I have embraced many beautiful memories in my life, but the one I admire the most was when I met you.
You're the most beautiful thing that happened to me Daniel.
All black.
Wala akong ibang makita kundi itim.
"pls come back to me" bakit ganto.. Ang dilim ng paligid ko? Walang akong makita. At yung heartbeat ko lang naririnig ko.. palakas ng palakas at pabilis ng pabilis. Nararamdaman ko ding may tumutulo pa din yung pawis at luha ko.
BINABASA MO ANG
When It All Falls Down
Fiksi Remaja"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!