Chapter 27 - Habambuhay

1.3K 43 8
                                    

LARA'S POV

Kanina pa ako mag isa dito sa LRT station. Hindi pa rin kasi dumadating yung mga mahuhusay kong ka-groupmates eh. Usapan kasi andito na ng 10 am eh. Lupet talaga mage-eleven thirty na wala pa rin miski isa sa sakanila! >___________<

Nagtext ako ulit. Huli na talaga to kapag di pa sila nagsi-datingan uuwi na ko.

To: GROUPMATES
Isang oras na po akong nagiintay dito. Wala ba kayong mga puso?

Sinend ko sakanilang lahat yan ng tigli-limang beses. Kanina ko pa nga talaga gustong umuwi eh. Nung mga 5 minutes pa lang akong nagiintay gusto ko ng umalis talaga pero may nagu-urge sakin na wag muna kaya eto naka-abot ako ng isang oras kakaintay.

Habang nagbibilang ako biglang may nag text. Dali-dali ko namang binuksan at binasa.

From: Nicole
LARA OMGGGG! Omg talaga! We're so sorry :( nauna na kami dito kasi we thought na nagpunta ka na nung makarating ka dyan sa lrt station eh. Omg sorry. Can you go here na lang yourself? I'll send you na lang the directions. Sorrrrrrrrry! </3

WTF.

Yung totoo? Grabe!!!!!!!! Umakyat lahat ng dugo ko sa bunbunan ko! Pambihira! Nakailang text ako kanina na 'andito na ko' 'asan na kayo' tapos nauna na sila?!

Hindi ako maka-kalma kaya agad agad kong tinawagan si Nicole dahil baka masira ko pa keypad nitong phone ko kung magre-reply lang ako.

"THE NUMBER YOU DIALLED IS BUSY AT THE MOMENT. PLEASE TRY-" hindi ko na pinatapos mag salita yung bwiset na babaeng laging sumasagot kahit hindi naman siya yung tinatawagan.

Ilang beses kong ni-dial yung number ni Nicole pati yung sa iba naming ka-groupmates pero walang nagtangkang sumagot ng tawag ko pero na-send naman nila sakin yung direction papunta sa pagvi-videohan namin. Ano bang trip ng mga to? >_>

Binasa ko na lang yung direction dahil inip na inip na rin ako at gutom na gutom na.

Steps to forever:

Parang adik to si Nicole ang dami talagang arte, kailangan may title talaga? Psh nakakainis talagaaaa.

 

Step 1. Umakyat sa LRT at sabihin ang pangalang "NICOLE GANDA" kay manong guard na nakabantay.

Ano daw?

 


Umakyat nga ako ng pero di ko sinabi yung “Nicole Ganda” mamaya isipin ng guard nap-praning na ko. Nung pagka-akyat ko ipapa-check ko palang yung bag ko ng bigla akong nilapitan ng dalawang guard.

"Ikaw ba si Lara Dela Vega?" napahigpit yung hawak ko sa bag ko nung makalapit sila sakin at nag nod lang ako sakanila. Napalingon ako dun sa guard na nagche-check ng mga bag. Nanghihingi ako ng tulong sakanya kasi nakakatakot yung itsura nitong mga guard sa harap ko pero hindi niya ko pinapansin.

When It All Falls DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon