Yung sa last chapter po, Chapter 23 - With Them. Andun po sila ate weifiwafer na nagsulat ng Someday, basahin niyo po ang ganda sobra *u*
Si ate taltoot na nagsulat naman ng Our Sham Relationship na sobrang ganda din! <3
Si ate tropang astig yssaalmonte na sobrang bait! Ang astig pa!! :)
At ang bestfriend kong si masteranna na bayolente. Hahahahjoke =)))
Andito po silang apat kasi sila yung mga tumulong sakin at naginspire sakin na ituloy to kaya sobrang thank you ko sakanila. I lovee you!!! Thank youuu!! Para sainyo 'to hehe :3
- - - - - - - - -
LARA'S POV
Suspended kami ng isang linggo. Arggh! Walangya talaga nadamay pa 'ko! Dapat talaga hindi na 'ko sumama dun kay Vince eh. Kasi inangasan pa yung si Gelo na yun ayan tuloy suspended na nga kami may community service pa. Ano ng mangyayari sa report card ko niyan? T_________TAt isang linggo na din, na hindi siya nagpaparamdam. Sa isang linggo na yun dalawang beses lang daw siya pumasok sabi ng mga kaklase ko. Hindi ko naman siya matext text kasi.. wala ang awkward lang. Tsaka tinago ni Mama cellphone ko epal.
Dumiretso na ako ng faculty room. Pang huling araw ko na 'to ng pagccommunity service tapos, tapos na! Pwede na ulit akong pumasok. Yehey -____- *sigh*
Nang makarating ako sa faculty kumatok ako at bumati "goodmorning po"
"Oh ang aga mo ata ngayon ah" sinabi nung isang teacher sa P.E. Sus ewan ko sayo palibhasa late ka lang pumapasok.
"Last niya na kasi hahaha. At birthday niya ngayon ano ba kayo" bigla namang dagdag nung adviser ko. Hala hala pano niya nalaman? Stalker to si Miss ah. Lahat naman sila kinantyawan ako, dalaga na daw. Matagal na nga po eh. Nginitian ko lang sila.
"Oh dahil last mo na ngayon at birthday mo pa. Mag walis ka na lang sa quadrangel" yung totoo? Yun talaga? "madali na yan kesa nung mga nakaraang araw, diba guys?" nag agree naman yung ibang mga teacher dun. Mas madali?!
Eh nung isang araw pina-arrange niyo lang sakin yung mga libro niyo alphabetically eh. Tapos eto paglilinis sa quadrangel kung saan nag e-exercise varsity team ng basketball at kung anu-ano pa, madali?! Osige magwawalis na 'lang' ako sa quadrangel kesa iarrange mga kagamitan niyo madali lang kasi eh, hiyang hiya naman ako sainyo no!
Lumabas na 'ko dun nakaka-badtrip eh umagang umaga. Dagdag niyo pang birthday ko. Saya naman! -_-
Wala ngang kakalat kalat dun sa quadrangel eh. Damuhan yun anong gusto nilang walisin ko? Damo?! Ay tanga alanganamang semento. Psh bahala na -____-
Pumunta muna ako ng cleaning room para kumuha ng broom stick.
Nakayuko lang ako.. kunwari nagwawalis pero nakikita ko sa peripheral vision ko na may mga nakatingin sakin. Mga inggetera.
BINABASA MO ANG
When It All Falls Down
Fiksi Remaja"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!