LARA’S POV
"This is the part of me that you’ll never gonna take away from me.”
“NO!!” sabay sabay naming sinigaw, yung iba sumutok pa sa hangin.
Ang saya saya talaga! Nang libre yung teacher namin sa History, nakuha kasi namin 1st prize tsaka best in props kaya andito kami ngayon sa may Jollibee hahaha. Pinakiusapan pa nga nila manager nitong Jollibee eh kung pwedeng kami na lang sa loob ng party place at lakasan yung sound system kaya yan, party party kami dito.
Sabado na nga pala ngayon. Ngayon lang kami nag-celebrate kasi halos mag gagabi na rin kaming natapos kahapon sa school kakaintay ng results.
Kasama rin namin ngayon yung ibang section na handle ni sir at tumulong sa production, kaya andito din si Vince. Magkakasama kami sa isang table ni Daniel, Vince, Nicole at dalawa pang classmate. Nakaupo lang kami dito nagkkwentuhan habang yung iba naman naglalaro sa may harap.
Pagkatapos ng ilang game kinalabit ako ni Daniel. Bigla namang lumakas yung tibok ng puso ko kasi bigla niyang nilapit yung muka niya sa tenga ko at bumulong. Buti na lang hindi ako lumingon agad. wew -__-‘
“Gusto mo ng umuwi?” umiling-iling naman ako. Ang aga pa ah? At nagpaalam naman ako na gagabihin ako ng uwi. “tara na alis na tayo” pag pipilit niya pa.
“Ha? Ang aga pa. Mamaya na, ayoko pang umuwi”
“Edi hindi. Punta na lang tayo sa ibang lugar” bakit ba ang kulit nito?
“Bakit ba? Ayaw mo ba dito?”
“Wala. Nasasayang lang oras natin dito eh, tara na please? Punta na lang tayo sa ibang lugar. Tayong dalawa” hinawakan naman niya yung isang kamay ko. Nag init nanaman muka ko. Ano bang problema ng lalaking ‘to? Um-oo na lang ako. Hindi ko rin naman ‘to matitiis eh.
Tumayo na kami at nagpaalam na sakanila.
“Ang aga pa ah!”bigla namang sumigaw si Vince kaya napatingin samin yung mga nasa kabilang table. Ang ingay talaga ng lalaking ‘to.
“May pupuntahan pa kami” sabi naman ni Daniel. Napatayo naman si Vince at binuhat yung bag niya “oy ano yan?”
“Sasama ako!”
“Hindi! Iuuwi ko na siya sa bahay nila. Pinapauwi na siya ng mama niya. Tara na nga” hinawakan ni Daniel yung kamay ko at hinila palabas ng Jollibee. Hindi naman na sumunod si Vince. San ba ‘ko dadalin ng lalaking ‘to?
“Huy! Bitawan mo nga ako.” hinatak ko yung kamay ko sa hawak niya. Hind yung pagalit ah, nagulat lang kasi ako, sinungitan niya si Vince. Ngayon ko lang siya nakitang nang away ng ibang tao. At kaibigan niya pa. “san ba tayo pupunta at ayaw mong isama si Vince?” hindi naman siya makatingin sakin.
BINABASA MO ANG
When It All Falls Down
Teen Fiction"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!