Chapter 23 - With them

1.2K 37 16
                                    

VINCE’S POV

 

“Lara!” napatakbo ako sa may gate nung makita ko siyang papasok. Ganitong oras din pala siya pumapasok? Nung makalapit ako sakanya napansin ko na ang lungkot nung aura niya “oh bat ganyan itsura mo? Umagang umaga ah” tapos inakbayan ko siya pero inalis niya agad. Lah?!

 

“Wala ako sa mood =3=” natawa naman ako nung ngumuso siya. Hahahah parang bata amp.

“Hindi mo kasama si Dan?” lumingon siya sakin tapos finorm niya yung labi niya ng pa-sad. Yung ganito :[ tapos umiling-iling. Hahah ang kulet parang pilit na malungkot eh “hahahah ang cute mo wag kang gumanyan”

 

“Ehh ayoko na wala nga ako sa mood, kulit mo talaga -____-“ binilisan naman niya maglakad. Lah grabe talaga mood swings neto. Binilisan ko din maglakad para mahabol siya.

Nung paakyat na kami sa sari-sarili naming room bigla akong napalingon sa may hallway ng mga junior, parang nakita kong dumaan si Gelo ah.

Hoy hindi ko pa ‘to natuturuan ng leksyon ah. Kala niya nakalimutan ko na ginawa niya. Humanda siya sakin.

“Oy sige Lara mauna ka na ha? May pupuntahan pa pala ako” tumigil ako sa paglalakad at sinilip kung andun pa si Gelo. Bababa na sana ako pero bigla naman niyang hinawakan yung bag ko.

 

“Ha? Teka, sama ako!”

 

“Hindi mauna ka na baka ma-late ka pa eh” pumu-pumiglas ako pero ang higpit talaga ng hawak niya sa bag ko eh. Tinignan ko siya ng masama pero wala na parin. Binelatan lang ako “makulit ka din eh!”

 

“Sama na 'ko! Wala din akong gagawin dun sa room mabuburaot lang ako dun. Mamaya pa naman magttime eh” hinihila hila niya pa rin yung bag ko. Ang kulit talaga -___________-

“Sige na bilis, tara baka makaalis na yun” binitawan niya na ‘ko at bumaba na kami pareho.

“Sino ba kasi hinahanap mo?” napatingin naman ako sakanya. Sasabihin ko ba? Baka kasi pigilan lang ako neto eh. Kating kati na yung kamay kong gumanti sa tostadong manok na yun eh.

Hindi na lang ako nagsalita at dire-diretsong sumugod sa classroom ni Gelo.

Taena mas bata pa pala samin ‘to eh. Lakas ng loob niyang hamunin kami ah. Pasalamat siya bagong buhay na si Dan ngayon, kundi basag na yang muka niya.

Nung makalapit ako sakanya at nung makita niya ‘ko bigla akong naglakad ng pa-angas at ini-stretch stretch ko pa yung leeg at mga daliri ko.

Tumigil naman din siya sa paglalakad at hinintay pa talaga akong makalapit sakanya. Aba ang lakas ng loob neto.

"Yow" bati ko. Ngumisi lang siya. Lumapit ako lalo naramdaman ko naman na hinawakan ni Lara yung braso ko. Nilingon ko siya at tinaasan lang ng dalawang kilay. Alam niya na yon. Siguro?

When It All Falls DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon