DANIEL'S POV
Umalis na sila. Patawa din yun eh no nang asar pa kala naman niya male-late ako. Ha.. tumawag na kaya ako ng isa pang sundo. Kala niya napahiya niya na ko. Tss
Hindi ko alam! >__< medyo nag init ulo ko ngayong umaga. Hindi sakanya ah! Hindi ko magagawa yon. Kasi naman lagi na lang biro para sakanya lahat ng sinasabi ko kaya konting galaw ko lalayo agad. Mamaya akalain niya pang palagi ko siyang binibiro. Edi parati niya kong lalayuan ng ganun. Tsk
Tapos nilabas labas niya pa yung kakarampot niyang dimples. Kala mo ang cute cute.. medyo lang naman >_>
'Di nagtagal dumating na agad yung pinasundo ko.
Pagkapasok ko ng kotse nakita ko agad yung bag ko. Ang galing ah napansin nilang naiwan ko 'to? Ako nga hindi ko na naalala eh.
"Sa seven eleven malapit school" sabi ko sa driver. Hindi ako pwedeng bumaba mismo sa tapat ng school. Baka dumugin yung kotse.. at ako. Haha
Wala pang tatlong kanta sa radio nakarating na kami sa school. At tulad ng sinabi ko binaba niya ko sa tapat ng seven eleven.
Pagkababa ko dumiretso na 'ko sa gate ng school kahit sarado na binuksan ko parin. Di naman naka-lock eh.
"Uhh excuse me boy. Dun ang pila ng mga late" sabi nung guard pag pasok ko. Suot suot ko yung bag ko sa isang braso at pinasok ko yung mga kamay ko sa bulsa ng pantalon ko at nagtitigan kami dun.
"Sige na pumasok ka na" *smirk* bilis naman bumigay ni ate guard. Quarenta anyos na tsk tsk "bwisit" narinig kong bulong niya habang paalis na ko. Haha bilib na talaga ako sa sarili ko.
Umakyat na ko sa 4th floor at pumasok na ng room buti na lang paupo pa lang din sila. Pagkaupong pagkaupo ko itong katabi kong mas madaldal pa kay Dela Vega tinanong agad ako kung bat daw ngayon lang ako. Ito parating first interviewer ko tuwing wala si Dela Vega eh.
"Anong oras ka dumating? Wala ka kanina sa flag ceremony ah. Asan si Lara? Di mo siya kasabay pumasok?" kita niyo. Daldal talaga.
"May ibon oh" tinuro ko yung bintana napatayo naman siya at napahawak sa dibdib niya. Haha takot 'to sa ibon eh.
Nakakatamad pumasok ngayon. Wala akong magawa -___-
"NAVARRO!"
"Ah?"
Umayos ako ng upo. Nakatulog na pala ako. Kinusot kusot ko yung mata ko at tumayo. Gusto ko sanang mag inat eh.. yung tingin nga lang ni Ms. pinipigilan ako, kaya tumayo na lang ako ng diretso.
"Sleeping in my class huh?"
Tinignan ko lang siya at napakamot sa batok ko. Tsk ang boring naman kasi eh.. Lumapit siya sakin at binato yung bag ko sa labas. Ah okay signal na 'to.
"Lalabas na po ba 'ko?" tanong ko sakanya kesa naman magtitigan kami dito.
"You better be out of my sight in the count of three" wala pang one nakalabas na 'ko. Bagal niya magbilang eh mas magaling pa si Eric sakanya tsk.
Buti na lang pala inantok ako gusto ko na kasi lumabas dito. Tumakbo ako patago papunta sa likod ng school. Hindi na 'ko pwedeng dumaan sa gate siguradong hindi na ko papalabasin.
BINABASA MO ANG
When It All Falls Down
Teen Fiction"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!