LARA'S POV
Sunday MorningNew Message: PANDEKOKO
pag kinain mo ba sarili mo dodoble yung laki mo.. o mawawala ka?Pinatay ko na yung phone ko. Bwisit! Alam niyo bang pang-anim na beses niya ng tine-text yan, ano gusto niyang isagot ko? Ano ba kasing klaseng tanong yun diba. Abnormal talaga eh -___-
"Nguso mo" napatingin ako dun sa tumabi sakin. Si Lian.
"Oh kanina ka pa?" andito kami ni Eric ngayon sa simabahan tapos eto dumating na si Lian.
"Ngayon ngayon lang. Hi Eric! ^____^" kumaway si Lian kay Eric na katabi ko. Hindi naman pinansin ni Eric si Lian bahahaha "suplado" bulong ni Lian.
Syempre malungkot si Eric kasi hindi nanaman namin kasama si mama magsimba. Nasa trabaho pa kasi si Mama pero pupuntahan namin siya sa office pagtapos.
Matampuhin 'tong Eric namin eh kaya sinama ko na si Lian para ma-entertain siya kahit papano. Pero ayan, emo mode parin siya.
"Hoy babae ikaw ah, hindi mo na sakin kinwento yung tungkol dun sa Daniel mo. Ano na?" bigla namang sabi ni Lian.
Napa-shh naman ako ang ingay talaga nito nasa loob kaya kami ng simbahan. Nakakahiya >////<
"M-maya na ang ingay mo talaga." binulong ko sakanya.
- -
Tapos na yung misa andito na kami ngayon sa jeep papuntang office ni ma. At aligagang-aligaga na si Lian tungkol dun kay Daniel.
"Alam mo ng magkakilala na kami dati pa diba?" yung muhka naman niya parang hindi-ko-pa-alam-face, binatukan ko nga "wag kang magmaang-maangan diyan. Kinuwento ka na yun dati pa" nag pout naman siya.
"Gusto ko lang naman ng full details eh >3<" isip bata rin 'to eh. Pero sige na nga kukulitin parin naman ako neto eh.
Habang nagba-biyahe kinuwento ko na sakanya ulit kung pano kami nagkakakilala ni Daniel. Yun nga dahil sa pandekoko and others. Tapos sabi niya na may kaibigan pa palang matino si Ian natawa naman ako.
"Kung alam mo lang! Ayun nga, tapos nung lumipat na ko ng school nakita ko siya nung first day sa may grounds nagpupulot ng kalat" nanlaki naman yung mata niya at mukang interested na interested sa kwento..
/flashback/
Kakapasok ko lang sa bago kong papasukang school. Wahhh hindi naman na siguro ako maliligaw diba.. naghabulan kami ni Eric dito nung nag enroll ako eh.
Hmm so saan nga ulit yung room ko?
after 5 minutes..
Asan na ba ko?! Yung totoo lang naiiyak na ko ah late na late na ko TT^TT Bakit naman kasi ang laki-laki ng school na 'to eh. Lumingon lingon ako, muhkang malayo na ata 'to dun sa building ng classroom ko.
Nawawalan na ko ng pag-asa.. gusto ko ng umuwi *sob*
"Excuse tabi" napayuko ako. May lalaking pumapalo sa paa ko. Nag excuse nga may 'tabi' naman. Aba ayos! "paa mo" tumungo siya sakin. Aba lech--
Nanlaki naman yung mata ko.
Teka si Navarro 'to ah. Kaibigan ni Ian... si pandekoko!!
Umatras ako para makuha niya yung natapakan ko. Kalat pala, pinulot naman niya.
"Ikaw pala." sabi niya sakin pagkatayo niya.
BINABASA MO ANG
When It All Falls Down
Teen Fiction"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!