LARA'S POV
“Magusap tayo”
O____________O
Napatayo ako sa nakita ko.
Nagtitigan lang kami..
Hindi ako nagkakamali, siya nga. Si Jillian.. y-yung girlfriend ni Ian “a-anong ginagawa mo dito?” yan lang ang nasabi ko.
Ang tagal ko rin siyang hindi nakita. Parang kanina lang nagre-reminisce ako ng ipagpalit ka sakin ni Ian ah. Ngayon andito na siya.. Sobrang coincidence naman ata. Hinanap niya ba talaga ako hanggang dito? T-teka.. oh my god. Umiiyak ba siya?
“K-kailangan talaga nating mag usap *sob*” sabi niya habang naiiyak na talaga.
“Hala b-bakit anong problema?” tuwing nakakakita talaga ako ng umiiyak naawa talaga ako kaya nilapitan ko siya.
Nung lumapit ako sakanya bigla siyang nagsalita at napaurong na para bang ayaw niyang lapitan ko siya “mahal ka pa rin ni Ian.”
“H-ha?”
- -
JILLIAN'S POV
Nag away nanaman kami ni Ian. Bakit ba parati na lang ganito? Parati na lang siyang nagagalit sakin. Para mga simpleng bagay lang iinit na agad ulo niya. Minsan napapaisip na lang ako.. mahal ba talaga niya ‘ko? Oh napilitan lang siya dahil... ugh.
Konting effort at sweetness man lang? Ikamamatay mo bang gawin yun?
Hindi ko naman siya pinilit na mahalin na rin ako. Pero hindi ako sumuko.. tinry kong maging kaibigan man lang niya at hindi ko naman inaasahan na magugustuhan rin pala niya ako.
Pero hindi sa way na nagustuhan niya si Lara. Hindi sa way na gusto kong magustuhan niya ako.
Mahigit dalawang buwang silang hindi nagkita ni Lara pero nagkaka-communicate naman sila. Pero hindi na katulad ng dati..
Sobrang nade-depress si Ian nung mga time na yun pakiramdam niya hindi na siya mahal ni Lara. Mayado kasing seloso si Ian.. at feeling niya daw may lalaki na si Lara. At niloloko daw siya nito kahit hindi naman.
Ako lang yung taong andun para sakanya. Para icomfort siya kahit na pinagtatabuyan niya ‘ko..
BINABASA MO ANG
When It All Falls Down
Novela Juvenil"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!