Chapter 4 - Thinking 'Bout You

1.9K 59 16
                                    

LARA'S POV

Monday nanaman. Parang ang haba ng weekend ko ngayon ayoko na tuloy pumasok ulit. Pero ginising ako ng napabahong poopski ni Eric na inabot sa kwarto ko. Ambaho jusko naman! >___<

"Ma ano ba yan ang aga aga naman" lumabas na ko ng kwarto ko na nakatakip ang ilong. Grabe yung amoy. :X Akala niya masayang may kapatid na baby no?

"Kinimkim niya yan ng 3 araw pagbigyan mo na" pambihira yung amoy grabe.



Dumiretcho na ko sa kusina para ihanda yung baon ko. 5:30 palang ng umaga kaya makakagawa pa ko ng mga homework yes! >:)

Hehe hindi ko nagawa nitong weekend eh. Eh kasi nung friday birthday ni Eric, nung sabado may taekwondo practice ako tapos kahapon nagpunta kami sa office ni Mama. Oh diba? Walang time ^___^V


Pagtapos ko mag almusal tsaka ayusin yung lunch ko ginawa ko muna yung mga homework ko at naligo na & nagbihis ng uniform. 6:30 lumabas na ko ng bahay.

Good girl 'to! 'Di nale-late at---

"Morning" napaninja move ako ng may bumati sakin pagkasara ko ng pinto.


"A-anong ginagawa mo dito?!" wtf? Napahawak naman ako sa dibdib ko sa gulat. Si Daniel lang pala. Eh t-teka anong ginagawa niya dito?! Ang aga aga..



"Wala lang, tara pasok na tayo" lumapit siya sakin at inakabayan ako.

"Anong tayo?" tinanggal ko yung pagkaka-akbay niya "abnormal! Anong ginagawa mo dito? Ang creepy mo haaaa. Muntik ko ng mahulog yung kaluluwa ko sa gulat!"

"Wala nga.. masama bang tumambay sa labas ng bahay niyo at intayin kang lumabas? Creepy na yun sayo? >_>" sabi naman niya sakin.

"Malamang! Lalo na't ala sais pa lang ng umaga! Para kang stalker sa ginagawa mo alam mo yun? Aishhh. Kumain ka na ba? Mamaya 'tatambay-tambay' ka dito hindi ka pa nag aalmusal" pagse-sermon ko sakanya. Naka-complete uniform na siya, suot niya yung bag niya sa isang balikat tapos muhka namang naligo na siya.

"Yes Mommy kumain na po ako *smirk*" tch ng asar pa!

Naglakad na ko papuntang sakayan sumunod naman siya. Nakakapagtaka lang.. saan kaya 'to nakatira? Hindi naman sa gusto kong puntahan feeling naman niya eh kasi mamaya baka ang layo layo ng bahay niya samin tapos gagastos pa siya para pumunta pa dito. Ako pa ang sisihin. >___<

Tapos hindi ko naman siya pinapapunta para sabayan ako pumasok.

"Bakit ka ba pumupunta pa samin? Pwede ka namang dumirecho na ng school pinapahirapan mo lang sarili mo eh >_>" sabi ko sakanya habang naglalakad kami pero hindi ko siya tinitingnan.

"Wala, para ako unang makakita sayo ngayon"










Arghhhhhh bakit ba parating niya ginagawa yang mga ganyang salita? >///////////////<
Binilisan ko nga maglakad.. aish nakakahiya >_________<

"Hoy teka biro lang! Hahahahaha" hinabol naman niya ko. Yung totoo?! Biro lang.. lagi namang biro lang eh. Bwisit bahala siya diyan maghabulan kami hanggang school. >_____<





- -

Nakarating na kami sa school. Nakakapagod nga eh bakit ko ba kasi binilisan mag lakad. -__- Pag pasok ng school medyo nagulat kami. Ang dami kasing tao dun sa mini stage sa covered court. Kala mo may artista na ewan.

When It All Falls DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon