Chapter 20 - Noodles

1.3K 46 11
                                    

LARA'S POV


O_____________O

"Daniel?!" napatakbo nanaman ako papunta dun sa kinauupuan nila Daniel kasama sila Nicole at Vince. Nakahilata yung isang binti ni Daniel sa bench tapos parang pinupunasan nung nurse yung ankle niya ng towel.

"Anong *gasp* nangyari?!" lahat sila napatingin sakin. Hingal ng hingal ako grabe tapos may mga pawis pang tumutulo sa noo ko. Kitang kita ko rin sa itsura ni Daniel na pagod na pagod siya tapos parang namamaga yung ankle niya.

"Ah wala 'to" sabi niya ng pangiti-ngiti pa tapos tinatabig niya yung kamay ng nurse. Bigla namang nainis yung muka ni Vince.

"Anong wala?! Kotongan kaya kita diyan?! Lara, may naglagay ng mga bubog sa rubber shoes niya at ang bobo din neto alam na nga niyang dumudugo na takbo pa rin ng takbo" gigil na gigil si Vince na parang gusto niya talagang kotongan si Daniel.

Naginit naman din ulo ko. Nakuha niya pang tumawa?! Lumapit ako sakanya kahit na sobrang sakit na din ng paa ko at wala pa 'kong suot na sapatos tapos naitulak ko pa yung nurse sa sobrang galit ko at binatukan ko siya. Nagulat naman silang lahat.

"Nakuha mo pang tumawa ha?! Papakamatay ka ba?! Sabihin mo lang ako pa papatay sayo kung gusto mo" nakatingin lang silang lahat sakin. Nakikita ko rin sa peripheral vision ko na pinagtitinginan na rin kami nung mga na nadadaanan kami.

Hindi siya nagsasalita.

"Ano wala akong kausap dito? Hangin?!" umiwas lang siya lalo ng tingin sakin. Napahawak naman ako sa tagiliran ko, bigla kasing kumirot eh.

"Parang kilala ko gumawa nito eh" biglang sabi ni Vince tapos lumingon lingon siya na parang may hinahanap "yung gag*ng yun!" sabay may tinuro siya dun sa judges table.

"Sino diyan?" tanong ni Nicole "wag mong sabihing si Gelo?" nagtaka naman ako. Kanina nung pagpasok ko dun sa crowd nagsisigawan sila ng 'Gelo' hindi nga kaya..

"Oo yang kumag na yan! Kaya pala tinatawanan nila kami kanina ng gorilla niyang kaibigan eh. Humanda sila sakin" sabi ni Vince na akmang lalapitan na yung dalawa.

"Hayaan niyo na sila hindi naman natin sigurado eh" napatingin naman kami kay Daniel. Nakangiti pa rin siya ng nakakaloko at nakatingin siya sakin. "dalin niyo muna si Lara sa clinic" bigla naman siyang tumingin sa may paa ko.

Lahat na sila ngayon napatingin sa paa ko. Ang dungis dungis tapos namamaga pa. "papakamatay ka rin?" sabi ni Daniel napayuko ako.

"Nabigla lang naman ako eh. Nung narinig ko kasing may na-injured daw sabi nung janitor kinabahan ako tapos yun napatakbo na lang ako bigla” kinukusot kusot ko na yung paa ko. Tumawa lang siya. Huhu naano na nga ako dito tinawanan pa ‘ko </3

When It All Falls DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon