Dine-dedicate ko to sa super bait, super cool at super laughtrip na si Ate Weifi!! Dahil mahalagang araw to nag-update ako para sayo. Sana magustuhan mo!! ^________^
Thank you, pang 251435123969723th time ko na atang sinabi sayo yan pero, thank you!!! Iisa-isahin ko pa ba kung bakit? Para i-summarize ang lahat ng dapat kong ipagpasalamat eto na lang, Thank you sa napakabusilak mong puso. Hahahahahaha! =))
Sana ma-enjoy mo tong araw na to. At ayun lang, ipagpatuloy mo lang ang pagiging awesome mo! Kayo nila ate bals at ate madeline. Love you!! <3
AT MARAMING MARAMING SALAMAT SA MGA BAGONG READERS. Gusto ko sanang imention kayong lahat pero baka may makalimutan ako kaya ililista ko muna. Hahaha! Ayun, thank you sa mga naglagay neto sa reading list nila!! Waaaaah sana napagpasalamatan ko kaya lahat baka kasi may nakalimutan ako eh T^T
Thank you rin ng marami sa mga nagv-vote! Sana mag-comment din kayo. :D at pati na rin sa mga nagf-fan at syempre sa mga nagc-comment. Mga source of encouragment ko. I love you mga kaibigan!! ♥
- - - - - - - - - -
LARA’S POVNasa tapat na kami ng bahay nila. Pakiramdam ko puputok na talaga puso ko eh. Una dahil makalaglag panga yung bahay-- este mansion nila. Pangalawa dahil hindi ko alam gagawin ko, sasabihin ko.. nahihiya ako. Feeling ko di nila ako magugustuhan o ano.. at pangatlo baka ayaw talaga nila sakin.
"Wag kang kabahan. Andito naman ako eh" naramdaman ko namang hinawakan niya yung kamay ko. Napatingin ako sakanya.
Parang dati lang tinatanong ko sa sarili ko kung anak ba siya ng mayaman o kung artista mga magulang niya eh. Wala kasi akong kamuang-muang nun tungkol sakanya. Sobrang mysterious ni koya eh. Tapos ngayon eto, malaman laman ko na lang na tatay niya pala politiko.
Bumyahe kami mula sa Manila papunta ng Laguna. Dito kasi pala talaga sila nakatira, hometown ba. Andami kong nalaman ngayon kay Daniel. Tungkol sa pamilya niya, sa past niya tapos sa mga naging aberya niya sa buhay. Nung una nagalit ako. Bakit ngayon niya lang sinabi sakin yung mga ganung bagay? Feeling ko tuloy nag muka akong walang kwentang girlfriend. Walang alam tungkol sa boyfriend niya.
At ang nakakainis pa eh kung kelan kami pupunta dun, ngayon ko lang din nalaman. On the spot talaga. Pero hinayaan ko na lang muna. Andito na eh nakakahiya naman sa mga magulang niya na ilipat sa ibang araw eh feeling ko nagpa-handa pa sila.
At kanina lang din kinuwento niya sakin na ayun nga humiwalay na daw siya ng bahay sa mga magulang niya nung mag-16 siya. Kumbaga nag rebelde siya kasi nap-pressure siya sa mga iuutos sakanya ng tatay niya dahil siguro sa future gusto ng papa niya na maging ganun din siya, isang politiko.
Kinabahan ako bigla.. pano na yan baka hindi ako magustuhan ng tatay niya? Baka paghiwalayin kami. Di ko kaya guguho mundo ko T_________T haha joke. Sus sa pelikula lang yung mga ganun. I'm sure di niya kami paghihiwalayin..
Ipapadala niya lang ng ibang bansa si Daniel kung saan di ko siya mahahanap at hindi na siya pababalikin dito.
BINABASA MO ANG
When It All Falls Down
Dla nastolatków"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!