Chapter 34 - Yung lalaking..

1.1K 33 6
                                    

Yow! Dedicated po sayo to awlabskita thank you sa pagbabasa! Hehe. Salamat din sa pag v-vote parati. Sana po magcomment rin kayo. Thank you ulet! Sana magustuhan mo to :)

Short update lang to guys sorry!! Hell week nanaman kasi next week kaya.. sana.. sana maka-update ako!  Ayun thank you thank you ulet sa 4K reads! Lumalaganap na ang LANIEL <3 maraming salamat sainyo! ^O^

And lastly, please suportahan niyo rin po yung bago kong story. Mehehe. Ang title niya 'Without Anyone Knowing' ibang iba siya dito. Click niyo lang po yung external link then tada! [---------->]

- - - - - - - - - - -

LARA’S POV

“Andito ka lang pala” napatingala ako sa nagsalita.

“Ian?” binaba ko yung tuhod ko at nagpunas punas ng mga luha. “anong ginagawa mo dito?” nakapasok lang yung dalawa niyang kamay sa magkabilang bulsa ng jacket niya habang umuupo sa katabi kong swing.

“Kanina ka papinaghahanap ng boyfriend mo” nanlaki naman yung mata ko.

Sabi ko na nga ba e. Dapat talaga sinabi ko na, na nasa ospital kami kanina. Sigurado akong nag aalala na yun. Napa-paranoid. Lalo na ngayon gabing gabi na tapos hindi niya pa ko ma-contact.

“Ano bang ginagawa mo dito? Gabing gabi na oh” tanong ni Ian na parang nag aalala siya na nagagagalit. Naalala ko tuloy dati.. ganito rin siya sakin tuwing nagliliwaliw ako kung san san. Parang tatay kung makapag-galit.

“Wala gusto ko lang mapagisa. Bakit mo nga pala ako hinanap?” tanong ko sakanya.

 “Hindi kita hinanap. Sadyang may pupuntahan lang ako tas eto nakita kita” pahiya ako dun ah.

“Ahh san ka naman pupunta sa ganitong oras?” pipilosopohin ko nga.

“Dyan lang”

 

“San yun? Wala namang lugar dito na ‘dyan lang’ ah”

 

“Tumigil ka, kanina lang paiyak iyak ka dyan tas ngayon babarahin barahin mo ko” pikon!

“Hahahaha pikon ka talaga eh no. Di ako umiiyak no, napuwing lang ako ang lakas kaya ng hangin kung ano anong dumi yung pumapasok sa mata ko kaya naluha luha ako”

 

“Sus haba ng paliwanag mo halata naman umiyak ka. Wala ka ng maloloko dito”

 

“Bala ka”

 

Tumahimik kami saglit. Pinatong ko ulit yung binti ko sa space sa harap ko at niyakap ko yung tuhod ko.

When It All Falls DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon