Chapter 30 - Without You

1.2K 38 6
                                    

LARA’S POV

 

Pagkaalis na pagkaalis ni Daniel sakto namang paparating na si Mama kaya hindi ko na sinara yung pinto at inintay na lang siya makalapit.

“Oh si Daniel yun ah? Galing siya dito?” nag-mano muna ako kay mama bago ko kunin yung mga dala niya.

“Opo, hinatak ni Eric papasok eh” napa-ahh naman si ma.

Umupo siya sa may dining table, pagod na pagod na yung itsura. Hinilot-hilot niya yung mga noo niya sa sobrang stress.

Di ko na tuloy alam kung io-open up ko pa sakanya yung tungkol sa papa namin o wag na lang. Feeling ko kasi pag sinumulan ko to baka iwasan lang naman niya o kaya kung anu-ano nanaman idahilan niya -__-

Ang lu-lupet kasi ng mga dahilan niya eh. Kesyo seaman daw tapos di na nakabalik sa pilipinas, ganyan ganito basta. Ano yun nilunok ng butanding?! Jonah and the whale lang? Akala naman niya di ko nage-gets na ayaw niya lang talaga pag usapan yun, na may tinatago siya na ayaw niyang ipaalam samin tss.

Tsaka pagod na rin siya. Ayoko ng dumagdag pa sa problema niya. Iintindihan ko muna. Lagi naman eh.

Nilapag ko na yung mga dala niya sa lamesa at nag goodnight na.

Pag-akyat ko sa kwarto ni-lock ko agad. Di ko alam pero may inis akong nararamdaman. Naiinis ako kasi hanggang ngayon na labing walong taon na ko di ko pa rin kilala tatay ko. Naiinis ako sa sarili ko kasi wala man lang akong ginagawa para hanapin tatay ko.

Nagtaklob na ko sa kumot at tinakpan ang muka ko ng unan. Ayoko problemahin to ano ba. Itutulog ko na nga lang to. Asdfghjklllllllllllllllllllllllllll *bzzzzt*

Anak ng— nakakatulog na ko eh. Malapit na kong manginip tas biglang may nag vibrate!? Nakakaasar ano ba yan nagiinit ulo ko. Ang himbing na ng higa ko eh. Naaasar ako bakit ganto? Magkakaron na ba ko? Bwiset naman. Ang sarap ibato ng cellpho-

From: PANDEKOKO <3
gising ka pa?

 

Ilang beses kong pinikit pikit yung mata ko, baka kasi ina-alpimpungatan lang ako eh. Napaupo ako ng maayos nang marealize kong si Daniel nga yung nag text. Biglang bumilis yung heartbeat ko..

To: PANDEKOKO <3
Oo. Ikaw? =))))

Bakit ganon? Biglang gumaan yung loob ko nung mabasa kong siya yung nag text? Parang nawala lahat ng arte ko kanina.

*Calling.. PANDEKOKO <3*

 

Napangiti ako. Inayos ko yung buhok ko at umupo ng maayos parang tanga lang. Feeling ko naman makikita niya ko. Nakakagaan talaga ng loob..

“H-hello?” sinabi ko ng pabulong baka kasi marinig ako ni ma.

“Bat di ka pa tulog?” ay adik.

When It All Falls DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon