Sorry ngayon lang nakapag-update! :'(
- - - - - - - - - -
LARA'S POV
4:30 na ng umuwi kami. Dapat susunduin ako ni Lian ngayon eh pero sabi niya may importante lang daw siyang gagawin.. hmpf mas importante pa kesa sakin? -o-
Kaya eto kasabay ko nanaman si Daniel -____-
At alam niyo ba mga pinagagawa namin kaninang music class?
Thumb wrestling, at ang matalo manlilibre ng pamasahe. Natalo ako boset. Yan tuloy mawawaldasan pa baon ko para sa ice cream at pamasahe niya. (_ _')
"Bawi bawi na lang... weak kasi" biglang bulong ni Daniel sakin sabay tawa yung pang-mayabang ba.
"Yabang! Ikaw nga yung weak diyan eh! Wala lang ako sa sarili ko kanina. Bukas lagot ka sakin. *evil stare*" sabi ko.
Tumawa lang siya natawa na lang rin ako.
Sumakay na kami ng jeep at super laughtrip talaga nung pagkaupong pagkaupo namin kasi yung ale na katapat namin natutulog ng nakanganga =))))
As in ngangang nganga! Hahahahaha.
Grabe super pinipigilan ko na yung tawa ko. Tapos si Daniel pa kung anu-ano binubulong sakin, ine-exorcist daw sa panaginip niya yung ale. Hahahahahahaha.
"Pocha kasya ata limang bochi diyan eh, yung isang subuan"
"Khh.. khh.. bbbahahahahahaha" grabe hindi ko na talaga mapigilan!!! Naiiyak na 'ko dito hahaahahaha
Napatakip ako ng bibig kasi biglang dumilat yung ale.
Sabay naman kaming napalingon ni Daniel sa may bintana at natawa. =)) Wahh onting tiis na lang bababa na kami.
Pagkababa namin wala kaming ibang pinaguusapan kundi yung ale. Hahahahaha hindi ako matigil sa kakatawa whaaa.
Ang tagal ko ring hindi nakatawa ng ganito ah. Sarap sa pakiramdam! Feeling ko nadagdagan ng sampung taon yung buhay ko.
Tawa pa rin ako ng tawa ng napansin kong tumigil na si Daniel sa pagsasalita.
Napatingin ako sakanya.. tahimik na nakatitig sakin.
"Hay.. ansakit na ng pisngi ko. Oh ano nanaman, ayan ka nanaman sa mga titig mo eh!" sabi ko sakanya. Makatitig kasi kala mo mine-memorise bawat linya ng muhka ko eh.
"Ang ganda mo kasi kapag nakatawa.."
O/////////////O
"Hahahaha ayan mas maganda ka kapag namumula =)))" inirapan ko naman siya at binilisan ko yung paglalakad ko.
Kailangan babanggitin pa yun? Ugggh 'tong lalaking 'to ewan ko ba >///////<
Hinabol niya ko tapos nagsimula nanaman mag joke. Tingnan mo parang walang nangyari. Kainis talaga!
Pero hinayaan ko na lang siya. Ganito naman kami parati eh. Ang adik pa pinaalala nanaman tungkol dun sa ale. Hahahahaha Daniel
"Sige na pumasok ka na, himatayin ka na sa kakatawa diyan eh" sabi niya sakin ng makarating kami sa tapat ng bahay ko.
"Hahahahaha sige, sige bye ingat ka ah!"
BINABASA MO ANG
When It All Falls Down
Fiksi Remaja"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!