"I started wishing upon a star then I found you and wished no more."
- - - - - - - - - - - - - - -
DANIEL’S POVHalos mag ma-madaling araw na nung makauwi si Lara. Nakatulog na nga sila Tita kakaintay sakanya eh ako rin antok na antok na pero naghintay pa rin ako. Siguro kasi sobra na yung pag aalala ko.
At hanggang ngayon andito pa rin ako, hindi na ko pinauwi gabing gabi na rin kasi. At wala rin naman akong balak umuwi. Ilang araw akong nag alala sakanya tapos nung makita ko pa siyang ganito hindi talaga ako aalis hangga’t di siya okay, hindi ako aalis..
Sobrang namiss ko to. Kahit na hindi pa ko umuwi ng ilang araw makasama ko lang to. Gagawin ko.
Sa ngayon binabantayan ko muna siya matulog. Iyak kasi ng iyak nung paguwi eh. At halatang pagod na pagod na.
Ayoko talagang nakikita siyang ganito. Ako yung nasasaktan eh.
Nakapatong lang yung ulo niya sa binti ko. Binabantayan ko lang siyang matulog. Maliit lang kasi tong kwarto. Sila ni Tita at Eric natutulog sa iisang kama kaya si Lara dito sa sofa.
Hinihimas himas ko lang yung buhok niya habang pinagmamasdan siya…..
at syempre nilabas ko na yung cellphone ko.
*click*
Haha sigurado ko pag nalaman niyang pinipicturan ko siya. Patay na.
*smirk*
Napapangiti talaga ako kapag napagmamasdan ko siyang tulog. Ewan ko ba para siyang bata na galing sa laro eh. May pawis pawis pa yung noo. Namumula mula pa yung pisngi. Para talagang anghel..
At parang dati lang akala ko hanggang tingin na lang. Siya kasi yung babae na hindi mo maintindihan. Ang labo. Yung tapang tapangan kahit na di naman niya kaya. Yung palangiti kahit na alam mong nasasaktan na. At pag nakita mo yung totoong siya..
Mahu-hulog ka na lang.
Pero nung unang tingin pa lang, tinamaan na ko eh.
At laking pasasalamat ko na akin na to. Di ko talaga to papakawalan. Kahit na ano pang mangyari. Kahit na ilang beses pa kong masaktan.. magpapaka-martir ako.
Kasi ganun kita kamahal. Mahal na mahal kitang bata ka.
BINABASA MO ANG
When It All Falls Down
Dla nastolatków"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!