Chapter 35 - Please, wag muna ngayon.

1.2K 31 8
                                    

AFTER 22 DAYS!! Sorrrrrrrrrrrrry  po! Wag niyo muna po akong paslangin! T_________T

Dine-dedicate ko pala sayo to BeigyyGirl :) thank you sa parating pagbabasa at pagv-vote! Lalong lalo na sa paghihintay ng Without Anyone Knowing! Salamat sa suporta!! <3333

Una, sorry sa napakatagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaal na update. Sorry! Sorry! Sorry! :( pangalawa, nag-backread ako at grabe. Sobrang dami ko palang typo! Sorry ang engot ng author mali-mali spelling at grammar at lahat na </3 pangatlo, sorry sa lahat ng hindi ko nare-replayan, nagpapasalamatan ng matino at mga pramis kong punit. Hindi ako naniniwala sa promises are meant to be broken pero yun yung ginagawa ko kaya sorry po! HUHUHUHUHUHU! AT PANG-APAT ANG BANTOT NG TITLE NGAYONG CHAPTER NA TO.


Pero last but not the least *nosebleed*, THANK YOU SA 5000+ READS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

- - - - - - - - - - - - - - - - -

LARA’S POV

 

Isang linggo na ng ma-ospital si Eric at walang nangyayare, palala lang ng palala. Ewan ko ba pero iba na yung nararamdaman ko eh.

Tuwing nag uusap si Mama tsaka yung mga Doctor di ko halos malaman kung ano yung expression sa muka niya. Kung good news ba o hindi. Wala namang nagsasabi sakin basta parati lang binabanggit na kailangan pa ng ‘more blood test’. Eh halos araw-araw na atang kinukuhaan ng dugo yung kapatid ko eh. Ano ba? Wala namang nangyayari.

Nag-aalala na ko, nangyare na rin kasi to dati. Siguro mga 9 months lang siya nun, wala pang isang taon nangyare na to sakanya. At tanda ko pa nun yung sinabi ng Doctor na parang dengue lang daw ‘to na kapag umulit pwedeng 50:50 ang buhay niya kaya dapat panatiliin daw naming malusog si Eric kundi…

ARGGHH HINDI! LAGOT SAKIN MAGSASABI KUNG ILANG ARAW, BUWAN O TAON NA LANG YUNG NATITIRA SA BUHAY KAPATID KO >:|

Napabugtong hininga na lang ako at binalik yung atensyon kay Eric.

Nakahiga parin siya sa puting kama na to. May nakasaksak na dextrose sa kamay niya. Nangangayayat na, namumutla, walang kasigla sigla yung itsura. Di ko na kayang makita ng ganito si Eric. Ayoko na..

“Alis na ko Lara” napa-upo ako ng maayos nang marinig kong magpaalam na si Mama. Pinahid ko yung daliri ko sa gilid ng mata ko.

Ngumisi lang ako at binalik agad yung tingin kay Eric.

“Enrique magpagaling ka na ah. Mags-swimming pa tayo kasama yung kapatid ni Kuya Daniel mo. Maganda yun papakilala kita” sinabi ko kahit na alam kong hindi niya ko naririnig. “Miss na miss ka na ni Ate..”

- -

Tinawagan ko si Lian para magbantay kay Eric kahit sandali lang. Sabado naman ngayon kaya pumayag siya kailangan ko lang pumunta kela Nicole para makahabol sa mga lessons namin kasi isang linggo akong absent. Sunod-sunod.

When It All Falls DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon