MACZELLE POV
Makalipas ng ilang araw ng pagpapahinga ko ay ngayon lang ako naka pasok sa paaralan. Mahaba-haba rin ang pahinga ko kaya alam ko maraming magtatanong sa akin kung anong nangyari sa akin.
Diko padin kinausap si hudas simula nung nangyaring insidenti.
Okay na ako ngayon di tulad nung nakaraan na putok talaga ang labi ko at may pasa. Nakakalakad nako nang maayos.
Pagdating ko sa classroom, nakita ko ang mga kaklase ko na nagbubulungan at nakatingin sa akin.
Lumapit saken si josie "Mac, okay ka lang?" tanong niya.
Tumango at pilit na nagpapakalmado. "Oo, okay na ako. Bakit?"
"Marami kasing nagtatanong kung anong nangyari sa'yo," sabi ni chan "May mga nag-sabi na binugbog ka daw dahil may atraso ka raw."
Natawa ako. "Naku mahabang kwento."
"Dapat kase sumama kana lang saken eh" biglang Sabi ni kai. Napatingin ako sakanya at ngumiti na may pag iilang.
"Okay lang, nangyari na eh"
Pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang totoo. Ang totoo ay nakasagupa ko nga ang isang lalaki, pero hindi sa gang. Sa lalaki na alam kung may kinalaman don sa pagpunta ko sa lumang bodega.
Pumasok na ang guro namin sa computer . "Good morning, class. Anong nangyari sayo Ms. De vera okay kana ba?"
"Ah opo okay na po ako" sagot ko. "May problema lang po sa bahay."
Tumango siya at nagsimula na ang klase. Pero hindi ako maka-focus. Ang isip ko ay lumipad, ang atensyon ko sa klase ay parang wala lang.
Ang nasa isip kolang ay yung lalaki na gumawa saken.
Nagtatapos ang klase na lutang parin nakita ko si hudas na naghihintay sa akin sa corridor.
"Mac, okay kana ba?" tanong niya, mata niya ay puno ng pag-aalala.
Tumango ako pero di ako nagsalita
"Sabihin molang saken kung may masakit sayo. At... " bumuntong hininga siya bago magsalita "Pwede moko kausapin kung okay kana." Pinat niya ang ulo ko at umalis.
----'CAFETERIA'-----
"Mac, ano ba kasing nangyari?"
"Oo nga, alam mo bang nag alala kami nung nabalitaan namin na may nangyari sayo?"
"Oo nga, inaway pa namin sila salvez dahil sila yung dahilan bakit ka daw nabugbog" dagdag ni Ian.
Tumungo ako bago nag angat ng tingin. "Naalala niyo ba nung sinabi ko sainyo na may nakita akong mga libro at I.D sa lumang bodega."
Nagpalipat-lipat ng tingin sa amin si Kai at Lucas na waring di alam ang sasabihin.
"Lumang bodega?" takang tanong ni kai saken. Tumango ako. "Anong kinalaman don sa bodega
"Kase, nung time na may nangyari saken galit na galit saken yung lalaki. Ano daw kinuha ko sa lumang bodega bakit daw ako pumunta don. Kase nung time na pumunta ako sa bodega nakita daw niya ko na tumakbo hingal na hingal."
"Ha? Anong kinuha mo?" tanong ni lucas, curious na curious.
"Wala naman! Sabi ko naman sa kanila na wala akong kinuha eh. Pero di sila naniniwala. Sabi nila may nakita daw silang mga bakas ng paa ko dun sa bodega," sagot ko, nanginginig pa rin ang boses ko.
"Di kaya'y may kinalaman sila don sa Karina na yun. Kase diba bakit naman sila gagawa ng ganoon sayo kung wala silang tinatago? Parang may something fishy eh," sabi ni josie na nag-iisip.
Tumango si Kai. "Meron kang point, Mac? Baka nga may kinalaman sila don sa babae. Kailangan natin malaman to."
"Ano to imbestigador? Estudyante pa tayo no bahala na ang pulis dito. Labas na tayo dito baka di lang bugbog ang aabutin natin baka mas malala pa ang gagawin nila. " sabat ni ian.
"Ang bakla mo pesti ka!" natawa ako sa sinabi chan.
Dina namin pinag usapan pa ang nangyari saken. Kumain nalang kami hanggang sa matapos.
Nag stambay muna kami sa mini garden bago napa desisyunan na pumasok na sa room
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
NATAPOS ang isang araw na walang ibang ginawa kundi mag discuss lang.
"Good bye class!" paalam ni sir sa amin.
"Sabay kana saken mac" lumapit saken si Kai. "Ihahatid na kita sa bahay niyo"
"Sige," sabi ko, medyo nahihiya. Di nako nag reklamo pa.
"Hoy Ikaw Kai, ihatid mo nang maayos si maczelle ha! Pag yan nadalawahan mananagot ka samin," sabi ni josie, nakataas ang kilay.
"Kami nalang kaya maghatid sakanya" sabat ni chan. Nakangiti ng pilyo.
"Hayaan niyo na nga sila para naman kayong ano diyan. " sabi ni Ian na medyo naiirita
"Oo na, oo na. Ingat kayo, Mac," sabi ni josie, nakangiti.
"Tara na."
"Tara, wag mo na pansinin" sabi ko, natawa rin. Pumunta kami sa labas, naglalakad sa daan.
"Grabe, parang mga nanay nila," sabi ni Kai.
"Oo nga," sagot ko, nakatingin sa kalsada. Medyo malapit kami sa isa't isa, feeling ko tumataas ang heartbeat ko . Ang bango ng pabango niya, nakakakiliti
Nang makarating kami sa bahay, tumigil si Kai sa gate. "Tara, pumasok ka muna," yaya ko, medyo nanginginig ang boses ko.
"Wag na" sabi niya na nakangiti. "Btw, Mac?"
"Ano?" tanong ko nakatingin sa mata niya.
"Pwede ba kitang sunduin bukas?"
"Ha? Ahh-- naku wag na!" sabi ko, medyo nahihiya.
Natawa si Kai. "Bakit naman? May lakad ka ba?"
"W-wala naman..." sagot ko, nanginginig ang boses ko.
Tumawa ulit si Kai. "Sige, edi wag na. Pero kung gusto mo pwede ba tayong kumain tayo sa labas pagkatapos ng klase?"
"S--sigee"
"bukas ha?" tumango ako.
Medyo tumagal ang tingin namin sa isa't isa bago kami naghiwalay
Wait? inlove ba'ko? ibig bang sabihin nawawala na paunti-unti yung feelings ko kay sir.
Bigla akong napahinto sa pag-iisip. " "Mac, ano bang iniisip mo?" sabi ko sa sarili ko. Si Kai lang yun, wag kang mag-expect ng marami
Pero bakit parang may kakaiba? Baka naman crush lang, wag muna mag-isip ng kung ano-ano .
Pumasok ako sa bahay, sinusubukan kong alisin yung mga thoughts ko . Pero di ko maiwasang ngumiti mag-isa pero agad din napawi ng maalala ko si sir buenavista.
Oo nga pala, di pa pala ako nagpa salamat sakanya nung may nangyari saken.
Siguro pag nakita ko siya uli magpapasalamat ako. Nakakahiya naman kase sakanya.
Hello??? Ano kayang hitsura ko? Pinilig ko ang ulo ko para mawala siya sa isip ko pero di talaga.
BINABASA MO ANG
WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|
Teen FictionEveryone knows my name. I mean hindi lahat. Hindi dahil sa matalino ako, hindi dahil sa mabait ako. Kundi dahil sa ang hilig ko magmura, mahilig din ako manuod sa kpop, yung tipong mapapatingin sila dahil sa suot mo.. Ako 'yung tipo ng estudyanten...
