MACZELLE POV
"Sa'n si salvez? Ang hayop na yun!!" malakas kung sigaw pabalik sa room.
tangina kung alam ko lang na pinagt-tripan lang ako no'n ede sana hindi naku pumunta sa opisina ni sir.
Wala si sir sa history ngayon kaya malaya akong sumigaw.
"Hoy anong nangyari sa'yo ba't ka sumigaw?" lumapit saken si josie
"Saan yung hayop na yun?" ganito talaga ako pag nagagalit lumalabas yung pagiging palamura ko.
"Wala siya dito lumabas sila saglit ni santolan. Bakit mo naman siya hinanap?"
"Ang kinginang yun, ang sabi niya pinapunta daw ako ni sir sa office niya tapos pagdating ko hindi daw niya ako pinatawag peste talaga.." inis kung sabi.
"Chill lang ano kaba ying puso mo baka mahulog" Pagjojoke ni ian pero hindi ako tumawa kase wala namang nakakatawa.
"Hinanap mo daw ako?" Lumingon ako sa likod at nakita ko nga sila.
"Ang lakas talaga ng apog mo e no?" sabi ko.
"Why? Anong ginawa ko?" nagpapanggap siya.
"Tangina mo" mura ko sakanya.
"Hoy de vera wag kang magmura. Kababae mong tao ang lakas mo mag mura" nilihis ko ang tingin ko sa isa mga alipores niya
"Wag kang makialam dito pangit usapan eto ng tao hindi hayop." Nong sinabi kung hayop ay natawa ang lahat ng kaklase ko dahil sumulyap ako kay salvez.
Napanganga si salvez.
"Makialam? President ako dito sa room kaya may pakealam ako.."
"Talaga? Presidente ka nga pero ikaw ang unang nagpasimuno kaya wag kang makialam dito." Singhal ko sakanya.
"Ba't mo yun ginawa ha? Wag mong sabihing naiinggit ka kaya mo yun ginawa?" ngise ko para halatang lalo siyang mainis.
Tumingin siya sa akin at nanlilisik ang mga mata. Halatang may galit talaga "Hindi ako naiinggit sa'yo. Alam mo kase ang mga katulad mo ay nababagay lang sa lower section! Mashado kang pabida, papansin. Lahat nasayo na"
Lumapit ako sakanya "Alam mo, hindi ko alam kung saan ka humugot ng lakas para sabihin niyan saken. Wala akong makitang dahilan kung bakit ka galit na galit." Nagulat siya sa sinabi ko pero agad din yon nawala.
"Dahil hindi kona kailangan pang mag explain sayo kung bakit ako galit. Galit ako sayo. Sainyo lahat ng pagkatao mo galit ako." Napanganga ako at hindi makapaniwala sa narinig ko.
"Alam mo, kailangan mo ata magpatingin Janna. Mashado kang nalulong sa pagka inggtera mo."
"Shut up! Galit ako sa'yo simula palang."Sigaw niya.
Natawa ako. "Galit ka pala saken? Buti nalang wala akong pakealam.." Nagpipigil siya ng galit. Alam kung gusto na niya ako sugurin pero di niya magawa.
"Ang kapal ng mukha mo"
"Bakit may mukha bang manipis? Lahat naman siguro ng mukha natin makakapal. Unleast kung naiiba yang mukha mo.." pag iinis ko sakanya..
Lumapit siya sa akin at ganoon din yung mga alipores niya. Tumayo sila Chan at Josie ganoon din ang sina Kai, Lucas at Ian.
Ang mga mukha namin ay ilang pulgada lang ang pagitan. "You fucking bitch? Hindi mo alam kung anong kaya kung gawin sayo kaya you better watch your words" sabi niya na may halong pagbabanta saken
"Alam mo, mashado kang bata para patulan ko. Kapag kase pinatulan kita eh nagiging bata din ako. Para na kasing nakipag talo lang ako sa batang walang utak" Tumalikod nako at pupunta na sana sa upuan ko ng biglang may humila sa buhok ko."What the.." bulalas ko.
BINABASA MO ANG
WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|
Novela JuvenilEveryone knows my name. I mean hindi lahat. Hindi dahil sa matalino ako, hindi dahil sa mabait ako. Kundi dahil sa ang hilig ko magmura, mahilig din ako manuod sa kpop, yung tipong mapapatingin sila dahil sa suot mo.. Ako 'yung tipo ng estudyanten...
