MACZELLE POV
Kanina pa kami nakauwi at kanina padin mulat na mulat yung mata ko at nagpagulong gulong sa kama. It's twelve thirty in the midnight. Inisip ko pa din yung kanina nong bigla akong hinalikan
Napahawak tuloy ako sa labi.
Shit! May pasok pako bukas at di pa ako nakatulog, simula nong maka uwi kami ni kola diko parin maiwasan alisin ang nangyari.
Etteoke? I'm sure nakaka awkward yun. Amputek naman kase eh, Ba't niya ba kase ginawa yun anong pumasok nong kukute nong lalake bakit bigla nalang ako hinalikan, kahit smack lang yun nafe-feel kopa din yung labi niya. "Pano ako makakilos ng normal bukas?" bulong ko. Kinuha ko yung unan at nilagay sa mukha ko at do'n humirit ng sigaw
"Mygodness!! Ba't ang lakas ng epekto no'n saken?"Hindi kona alam ang gagawin ko bukas pero okay lang kung maumagahan ako kase alas 9 naman ang pasok namin bukas, Friday na kase.
Magkakaroon ata ako neto ng eyebag Aishhh
Nagpagulong gulong hanggang sa..
'BOOGSSH!!'
"Aray ko."
napahawak ako sa bandang pwet ko.
"Putek ansaket!" Tumayo ako at tinignan ang mga poster ko. "Pasensya na kayo nagtaksil ako." Bulong ko na parang may konsensya ang boses.
Bumalik nako sa kama at humiga ulit.
Pinikit ko ang mata ko pero di talaga eh
Shit! "Pwede ba gusto ko ng matulog. Nubayan!" Kinuha ko muli ang unan ko at tinaklob sa mukha.
Nagiimagine ako ng mga bagay bagay hanggang sa nakatulog naku.
KINABUKASAN
Kringgg! Kringg!
Nagising ako ng tumunog yung alarm clock ko. Umupo pa muna ako habang pikit yung mata ko at nag unat unat pa ng kamay at naghikab.
"Haaa!!" naamoy kona yung baba ko.
Para akong zombie ng tumayo nako.
Pumunta ako sa harap ng salamin. Nanatili paring pikit yung mata ko.
Gusto ko pang matulog ba't naman kase halos madaling araw na akong inantok. pagmulat ko ng mata.
O____o
Halos manlaki yung mata ko dahil sa itsura ko ngayon.
"Ang laki ng eyebag ko. At.. B-ba't may.." hinawakan ko yung ilong ko. "Putek naman sa dami dami ng space ng mukha ko ba't mo naisipang diyan ka magpa display? Ang laki laki mopa naman putek naman to. Naku sarap mong tirisin" Gigil kung inis sa pimple ko.
At talagang sa dulo pa talaga ng ilong ko.
Yes, pimple yung kalaban ko pero hindi ako baliw. Sadyang eto talaga ang personality ko.
"Baliw kana ba?" Napaigik ako sa gulat nilingon ko yung hudlo habang hawak padin yung ilong ko.
"Wala kabang kamay? Uso ang katok Mr." inis kung sigaw. He's shrugged his shoulder.
"Akala ko sa skwelahan lang may ganito. Yung NO I.D NO ENTRY. Pati ikaw nakikigaya kana din yung KNOCK BEFORE YOU IN. Tsk! Mashadong lame.."
"Malamang kaya nga may kwarto kase privacy iyon ng isang tao pano nalang kapag may ginagawang kababalaghan yung tao tapos bigla bigla may pumasok kase hindi kumatok."
"Di na namin yun problema bakit? Kasalanan ba namin yun na hindi sila maglo-lock? Tsk! Btw! Ang panget ng itsura mo ngayon haha" pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya at bumaba.
BINABASA MO ANG
WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|
Teen FictionEveryone knows my name. I mean hindi lahat. Hindi dahil sa matalino ako, hindi dahil sa mabait ako. Kundi dahil sa ang hilig ko magmura, mahilig din ako manuod sa kpop, yung tipong mapapatingin sila dahil sa suot mo.. Ako 'yung tipo ng estudyanten...
