MACZELLE POV:
It's Friday ang sigla ko talaga hehe ang bilis ng panahon..
Pagkarating ko sa gate ng skwelahan namin nag diretso ako sa room namin.
"Anong game na naman ngayon?" tanong ko ng makasalobong ko si chan.
"Volleyball ata?"Sagot niya na parang nag alinlangan.
"Volleyball na naman.."
Dapat soccer. Mas prefer pa ako doo'n eh mas may maalam pa ako sa soccer kaysa volleyball
"Classmates!! Sabi ni sir Buenavista diretso na daw sa gym." Announce ng president samin na kakapasok palang. Alam niyo na si lieh salvez malayo pa ang instramurals pero kung makasuot ng maikli ng palda wagas daig pa nasa competition ng cheerdance.
Yikes! I should stop this baka akalain niya na naiinggit ako. Umupo na kami sa bench ng makarating na kami sa gym. Gano'n padin walang namang pinagbago ang routine namin tuwing friday. Naglalagay padin kami ng ribbon sa kamay.
"Kyaaah!!"
"Waahhh!! O my god! O my god! Apple where's my make up.."
"He's here. Ehhh!! I'm drolling already.."
Ohh??? Bakit may kasama siya? wag mong sabihin bago namang instructor namin pero infairness ang gwapo niya ha.
Parang ang OA lang ?
Late reaction ba? Gano'n talaga kaya naman parang kabute yung mga classmates namin na nagpapaganda ng pagpasok ni sir at yung kasama niya sa gym.
Diko maiwasan tignan si sir Buenavista.
He was wearing a black t-shirt and faded jeans, slightly tucked in, with a black cap on his head.
Okay… I admit, he looked cool. Cool lang. Wala akong sinabing gwapo—
Well… ampp! Gwapo naman talaga.
Pero habang mas tinititigan ko siya…
Parang may mali.
Hindi ko lang alam kung ano.
“Mac, tumingin ka naman sa harap ” bulong ni Chan sa tabi ko, kinikilig pa rin sa bagong instructor.
Hindi ako sumagot.
Sa halip, pilit kong inaalis sa isip ko yung imahe na biglang sumagi.
Yung bar.
Yung halik.
Yung lalaking hindi ko dapat maalala.
Pero kahit anong pilit ko…
Si Sir Buenavista ang nakikita ko.
Ang tindig niya, ang galaw niya, pati yung paraan ng pagtingin niya sa paligid—parang may nakatagong bigat.
At sa isang iglap…
Nagtagpo ulit ang tingin namin.
Hindi ko alam kung ilang segundo ‘yon.
Pero sapat na para maramdaman kong tumigil ang mundo ko.
Hindi ako makagalaw.
Hindi ako makaiwas.
Parang hinihila ako ng kung anong hindi ko maintindihan.
Hindi ko pa rin maialis ang tingin ko sa kanya. Para bang may kung anong humahatak sa mata ko pabalik-balik sa kanya, kahit pilitin ko nang umiwas.
“Mac?”
Napakurap ako.
“Mac?” gusto kong iwasan na ‘to—pero bakit parang… hindi ko magawa?
Nanatili akong nakatitig kay Sir Buenavista. Parang may magnet yung paningin ko—hinihila ako pabalik sa kanya kahit ayokong aminin.
“Maczelle? Yohoo!”
Pero wala.
Hindi pa rin ako makawala sa pagtingin ko sa kanya.
Hanggang sa… Nagtagpo ulit yung mga mata namin.
At doon ko lang naramdaman—
yung bilis ng tibok ng puso ko.
Hinawakan ko ang dibdib ko.
Fuck… Ang lakas ng tibok.
Parang hinahabol ako ng kabayo—sobrang bilis, sobrang lakas.
“Maczelle De Vera?!”
BINABASA MO ANG
WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|
Teen FictionEveryone knows my name. I mean hindi lahat. Hindi dahil sa matalino ako, hindi dahil sa mabait ako. Kundi dahil sa ang hilig ko magmura, mahilig din ako manuod sa kpop, yung tipong mapapatingin sila dahil sa suot mo.. Ako 'yung tipo ng estudyanten...
