CHAPTER 29:

62 6 0
                                        

DENVER POV:

Nandito ako ngayon sa saint toptian
dahil kanina tinawagan ako ng secretarya ng dean dahil may meeting daw ngayon kaya naman dali-dali pumunta dito.

Pero diko inaasahan na makita ko si de vera na parang may hinahabol dahil nakahawak pa siya sa dibd koib.

Gusto ko sana siyang dalhin sa clinic pero pinigilan niya ko kaya di na rin ako nangulit pa dahil pumasok na siya sa room nila. Matagal ko pa siyang tinignan bago napadesisyon na umalis. May pagkakahalintulad sila ng kapatid kung babae.

Aalis na sana ako para pumunta sa dean office ng makita ko ang kapatid kung si kallie na parang may tinitignan sa library. Ang library ay nasa baba lang.

Nakasandal ang kanyang likod mashado pang maaga para pumasok sa room nila kaya nagtataka akong pinagmasdan lamang siya sa may di kalayuan hindi niya ako makita dahil mashadong siyang busy sa kakatingin kung saan saan. Ang kanyang mga mata ay malilikot na para bang may hinahanap, hindi ko alam kung sino ang hinahanap niya. Ang kanilang room ay nasa kabilang building kung saan kaharap lang dito.

Second year high school pa lang ang kapatid ko kaya hindi na ako magtataka kung may nililigawan na ba eto mashado pa siyang bata para sa mga ganyang bagay.

Kaninang umaga ay hindi kami magkasabay na pumunta rito dahil may sarili siyang sasakyan mas nauna siyang pumunta rito kaysa saken. Kung tutuosin pwede naman syang sumabay saken dahil pareho lang kaming pupuntahin.

Mashadong mahangin ang kapatid ko. Kung anong hinihiling niya ay agad na ibinibigay ni mom mashadong silang close kumpara saken minsan nagiging spoiled na ang batang yan. Nagiging matigas na ang ulo minsan hindi ko maipagkaila kung bakit maraming naghahabol ng mga kababaihan dito ultimong bago kung kapwa teacher ay may pagtingin sakanya bagay na iniiwasan ko ng mangyari dahil naalala ko nung mga panahon na sinugod ang bahay namin nung babae dahil pinaiyak niya eto at pinahiya niya yung babae. Playboy kumbaga.

Dahil sa kakalikot ng kanyang mga mata, hindi niya maiwasang mapatingin sa gawi ko. Bahagya pang nanlaki ang mata niya nang makita ako, at agad siyang umayos ng tayo nang lumapit ako sa kanya.

Ang kapatid ko ay matured mag-isip, pero mabilis uminit ang ulo kapag binibiro o kapag hindi niya nagustuhan ang isang biro—malaki ang pagkakahalintulad niya sa akin. Si Mom ay hindi gaanong seryoso sa buhay, samantalang si Dad ay sobrang seryoso kaya siguro roon kami nagmana.

"Why are you here? You’re supposed to be in your room now…" ani ko nang makalapit ako sa kanya.

"Na… it’s kinda boring," ani niya habang iniiwas ang tingin.

"Are you looking for someone?" tanong ko, bahagyang lumapit at sinilip ang loob ng silid. Wala namang tao roon—siguro nga maaga pa. Kaya naman lalo akong nagtaka nang lingunin ko siya at ngayon ay nakatingin na rin siya sa akin.

"You should go to your room now, Kallie. It’s time already," hindi ko na maitago ang inis sa boses ko.

"K, fine," sagot niya sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusuko. May kaartehan pa siyang naglakad palayo, ipinasok ang mga kamay sa magkabilang bulsa, at bahagyang itinaas ang baba na para bang walang pakialam sa mundo.
Napabuntong-hininga na lang ako habang pinagmamasdan siyang papalayo. Kahit ganoon siya kumilos, alam kong susunod pa rin siya sa huli—kahit pa paulit-ulit na naming pagtalunan ang mga ganitong simpleng bagay.

Hindi ko maiwasang magtaka kung saan niya nakuha ang ganyang asal.

Pagkarating ko sa head office ay binuksan ko na ang pinto. Bumungad sa akin ang lahat ng mga officer ng faculty, at mukhang ako na lang ata ang hinihintay nila.

WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon