CHAPTER 7:

154 20 1
                                        

DENVER POV:

Nandito ako ngayon sa isang exclusive na hotel tavern. Kasama ko kanina ang kapatid ko na pumunta pero ngayon ay diko na alam kung saan siya nagpunta at wala nakong pake alam don

Pumasok ako sa loob at sumakay sa elevator. Maraming bumabati saken yung iba naman ay hindi kaya naman nagtataka sila kung bakit binabati nila ako. Madalang lang kase ako pumunta dito kung baga sa isang buwan ay isa lang. Hindi kase alam yung iba na may isang anak pa sila ni dad. Minsan kase ay yung kapatid ko ang madalas dumalaw dito kaya siya lang ang nakilala except saken.

Tinuro ng secretary ni dad ang opisina niya saken. Di pa naman ako nakaka pasok sa loob ay doon ko nakita ang lahat ng mga empleyado na may ginagawa.

Ang iba ay may katandaan na at ang iba ay mukang bata pa.

No need na daw ako ipakilala ni dad sa karamihan dahil alam naman daw ng lahat e anak niya ko. Pero yung iba hindi.

''Thanks!'' pag salamat ko sa secretary ni dad ng makapasok ako sa loob.

Nakita ko si dad na umupo sa swivel chair niya habang umiinom ng tsaa, binaba niya yung ininom niya at tumayo siya at lumapit saken at pinagpag ang braso ko. Hindi siya nagsalita pero alam ko kung ano ang nasa isip niya.

''Have a sit son!'' tinuro ni dad ang bakanteng upuan. Lumapit siya sa mini drawer niya at may kinuha siya don. Isang whiskey at dalawang baso.

Binuksan niya ang whiskey at saka siya nagsalin sa baso niya at ganoon din saken.

''Wala na akong dapat sabihin pa dahil alam ko naman na may utak ka. Sa madaling salita alam mo ang pasikot-sikot pagdating sa pag hawak ng business. Kahit alam kung wala kapang ginawa pero alam ko kung anong nasa utak mo. Maraming tayong pagkakahalintulad pagdating sa pag hawak ng business. Matinik at marunong gumawa ng sariling desisyon kaya naman no need kana namin ipa remind kung anong dapat gawin''

Naging mahaba pa ang kwentuhan namin ni dad at di man lang namin namalayan ang oras.

Lumabas si dad sandali, ako naman ay nanatili muna ako sa loob pinagmasdan kopa muna ang opisina ni dad bago napagdesisyunan na lumabas.

Nakita ko si dad at mommy na kasama pa yung mga kasing edad lang nila na masayang nag kwe-kwentohan. Ang kapatid ko ay diko makita kung nasan siya at wala akong pake alam don

Ako naman ay hawak ang basong ma laman na whiskey..

"Hi sir, bagong hire po ba kayo?" ani ng mga kababaihan saken.

"Yes" diko sinabi na ako ang bagong boss nila.

''Kyahhh really? may inspiration na tuloy ako papasok hehe!''

''Same dear! Ang gawpo ng newly hired gosh crystal! Para tuloy ako naka kita ng artista'' tignan lang natin kung kaya niyo paba pumasok kung may madami akong babaguhin!

Natapos ang araw at alas singko na nang hapon ng makauwi na kami. Dumiretso ako sa condo ko kahit sobrang pagod ang katawan ko ay nagawa ko pang maligo. Marahan akong lumapit sa computer desk ko, nando'n lahat ng mga documents na kakailanganin ko this week.

Sobrang ganda ang napili kung condominion na kahit sa labas ng aking teresa ay makikita mo ang ganda ng view.

Maaliwalas.

Kinuha ko ang cellphone na nasa tabi kolang pero bigla ay may tumawag.

*Gariel Calling*

I pressed the answer button.

"Hmmm?!" tanong ko.

"May ginagawa kaba ngayon?" tanong niya sa kabilang linya. Tumayo ako, kinuha ko ang earpiece ko at agad ko yung ikinonekta sa cellphone at inilagay ko sa tenga ko pagkatapos.

WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon