CHAPTER 2:

215 27 1
                                        

MACZELLE POV

"Mac, gising na may klase pa kayo!!" rinig kong sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko kaya naman bumangon nako.

Inayos ko muna ang higaan ko bago ako pumasok sa loob ng banyo. Pagkatapos ko maligo ay bumaba nako sa hagdan kaya lang si kola agad nakita ko. Panira ng araw bweset!

"Aga-aga sira na agad ang araw ko.." rinig kong bulong niya.

Bulong paba yon?? lakas ah rinig na rinig ko.

"Wag kang mag alala the feelings is mutual" asar kung sabi bago umupo sa hapag kainan at kumain.

"Ang lakas mo kumain pero ang payatot mo parin"

"Eh ano bang pake mo tss!"

"Ohhh ayan na naman kayo nasa harapan kayo ng hapag kainan kayo talaga parang hindi kayo magkapatid" sermon ni mama samin.

"Eh siya nauna" turo ko kay kola na walang ibang ginawa kundi kumain lang naman

"Anong ako?? peaceful akong kumain dito tapos dumating kalang ikaw nauna"

"Wow ako pa talaga?? hiyang hiyang naman ako sayo"

"Dapat lang" sabi niya siyaka dumila.

"Sige na tigilan niyo nayan! Kumain na kayo ng mabilis para kayoy maka alis na." Sabi ni mama.

Tumingin si kola saken ng masama at ganoon din ako.

Maya maya...

"ARAYYYYY!!!!" Sigaw ko. Namilit ako sa sakit nang bigla niyang sinipa ang paa ko.

"Bakit?" nag maangan niyang tanong saken na para bang hindi siya ang sumipa.

"ANO BA KAYO?? DI PARIN KAYO TITIGIL HA?"

"Bigla nalang niya ko sinipa sa may paanan ko ma."

"Ha? Ako agad diba pwede si coco ang kumalmot sayo"

"Dinamay mopa ang aso! Bweset ka"

Kahit kailan isip bata talaga, ang tanda-tanda na di parin nag babago.

Kaya siguro lageng iniiwan ng jowa kase may pagka saltik sa ulo.

Dalawa lang kaming magkakapatid di kami nagkakasundo sa lahat ng bagay kase daw pinapakealam ko daw yung mga wrongsdoing niya. Eh sino bang hindi nakikialam eh playboy. Kung kani-kaninong babae ang dinadala dito sa bahay ginawa pang motel.

Kaya walang nagtatagal ng mga naging jowa niya kase sinusumbong ko kaya yon galit saken. Di naman sa galit siya saken talagang ang lakas niya lang mang asar. Di kami mashadong close netong si kola kase sobrang showy kami.

Ewan, siguro sakit na namin to. Bweset sakit ng paa ko.

Pagkatapos kung kumain ay dumiretso nako sa eskwelahan. Pinark ko don ang bike ko sa parking lot at pumasok nasa loob, nakita ko ka agad si kola na dumiretso sa mga kaibigan niya. Di kami sumabay na pumunta dito kase gusto niya lage siyang nauuna, di na niya ko inintay kase daw nagmamadali siya.
Sos, palibhasa gusto lang nila makita yung mga bagong chikababes na naglalakihang mga suso.

"Hi.." Napahinto ako sa paglalakad ng may bumati sakin.

"Yes??" tinaasan ko siya ng kilay.

WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon